Pagkababa namin ng eroplano, mag nag aantay na sa amin na sasakyan papunta sa daungan ng mga bangka, na maghahatid naman sa amin sa Boracay. Narating din namin ang private rest house kung saan kami tutuloy. May tatlong kwarto iyon kaya tig-iisa kami. Pagpasok palang mapapansin na ang napakagandang interior nito, maaliwalas, maluwang at akmang akma lahat ng mga disenyo at ayos ng mga furniture. Sa veranda makikita ang view ng asul na dagat. Maririnig ang alon mula sa kinatatayuan namin kaya naman naaliw akong lumabas at pagmasdan ang paligid.
“Wow! It’s been a year since I last visited this place. Nag-improve na ha!” si Nina na sumunod din sa sa dalampasigan.
“Ang ganda dito, ngayon lang ako nakapunta sa dagat eh” ngiti ko sa kanya at pinagmasdan muli ang dagat.
“Ganon ba? Isasama kita sa next travel, gusto mo?”
“Talaga? Gusto ko yon!”
“Aayusin ko lang ang itinerary natin later.” Sabi niya at iniwan akong nakangiti pa rin sa nakikita.
“Sige” maikling sagot ko sa kanya.
Si Ally ay nasa veranda at nakamasid sa amin habang may katawagan ito.
“Okay, just call me when everything is ready.” Narinig kong sambit niya habang palapit sa kung saan kami. Tumabi siya sa akin at iniyakap ang kamay sa beywang ko.
“Happy?” bulong niya sa tenga ko.
“Very” nakangiti kong sagot sa kanya habang nakatingin pa rin sa tanawin saka tumingin sa kanya.
“Salamat ha. Nakikita ko na naman ito sa mga pictures dati, pero iba lang din pala talaga kapag makikita ng personal.”
“Soon, we will travel as much as you want”
“Talaga?”
“I will make it up to you, we have lost so many years.” Hinarap niya ako at niyakap.
Ang init ng yakap niya na para bang ang tagal kong hinintay ang ganong klaseng yakap. Nakakagaan ng loob. Unti-unti na rin akong yumakap sa kanya. Nang maramdaman niya iyon, humigpit pa lalo ang kanyang yakap. Napangiti ako sa ginawa at isiniksik lalo ang mukha sa kanyang leeg.
Nakaharap na kami pareho sa dagat, ang kamay ay nakahawak pa rin sa aking beywang.
“Ally..”
Tumingin ang binate sa kanya.
"May tanong kasi sana ako"
"Ano yon?"
“Ano ba talaga tayo?”
“Naipangako ka sakin, so… you are my fiancé already.”
“Pero hindi pa tayo lubos na magkakilala?”
“Then I will court you every day.”
“Marunong ka ba?”
“Huwag mo akong maliitin” ngiti niya. “I will make sure you fall in love with me, and if that time comes, there will be no turning back.”
“Paano kung bastedin kita?”
“Manliligaw ulit ako. akin ka pa rin naman. No one can take you away from me.”
“Paano kung hindi pa rin kita sagutin kahit manligaw ka ulit?”
“If you want it the hard way, pwede naman.” He smirked.
“Anong hard way?! Parang ang sama naman ng ibig mong sabihin.”
“Subukan natin kung gusto mo.” Sabay tawa nito.
Nang matanto ng daaga ang ibig nitong sabihin ay hinampas nito ang binata na tumatawa pa rin.
“I’m just kidding!” Patuloy pa rin ang tawa nito, at natawa na rin si Gab sa kanya.
Ang makitang nakangiti si Ally ay nakakagaan ng pakiramdam. Madalang ko pa lang siyang makitang ganito. Paano nalang kapag nanligaw na siya.
Kahit sa iilang araw palang naming magkakilala, sino naman ang hindi magkakagusto sa lalaking ito? Matipuno, matangkad at gwapo.
“Come on let’s eat, the food is ready.” Si Ally.
“Tara, nagugutom na rin ako eh.”
Nang makita namin ang nasa hapag, iba’t ibang putahe ang nandoon, nagsimula na kaming kumain. Ipinapaliwanag na ni Nina ang mga mangyayari bukas. Tumango-tango naman ang kapatid bilang pagsang-ayon.
“Rest muna tayo this afternoon, magmo-mall kami ni Gab. Tomorrow, itinerary for us is Island hopping, banana boat, paragliding and zipline. The next day we have scuba diving, and a rest day after that. We have a 5-day stay here so you can add some activity later on”
Tumango-tango naman ang kapatid bilang pagsang-ayon.
Natapos kaming kumain kaya naman nagpahinga muna kami sa kanya-kanya namin silid.
May kumatok sa pintuan ko at nakita ko si Nina na nakatayo.
“May swimsuit ka na ba bukas?” si Nina.
“Ah wala pa eh. Hindi kasi ako prepared masyado sa susuotin.”
“Don’t worry, mamimili tayo mamaya. Kaya maghanda ka na at pupunta na tayo.” Excited niyang sinab sakin.
“Okay sige. Magpapalit lang muna ako.”
“Okay! I’ll be back.”
Kaya mabilis na rin akong naghugas at nagpalit bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Ally na nasa veranda.
“Ally, we’re heading out. Babalik din kami mamaya.” Si Nina sa kapatid.
Naglakad siya papunta sa amin at lumapit pa lalo kung saan ako nakatayo.
“You two take care. Lalo ka na sabay yuko sa akin” hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.
“Okay” tipid kong sagot.
“Yeah right! Enough lovebirds. Hindi naman kami magtatagal.” Pang-aasar ni Nina sa aming dalawa na ikinatawa naman namin.
Habang nasa sasakyan na kami, nagkwento si Nina kung gaano ka-suplado si Ally sa mga umaaligid sa kanya sa Manila man o kahit pag nasa ibang bansa sila. Kaya siguro ganon nalang ang ginawa niya sa babae dati sa Falls. Halos ayaw nga niyang kausapin, kung hindi lang ako hinihintay, malamang ay umalis na ito.
Sabi pa niya, naninibago siya sa mga ginagawa ni Ally ngayon dahil hindi naman siya madalas na palangiti at nagsasalita. Pero nagbago daw ito mula noong makauwi sila sa probinsya, mula noong makita ako.
“Actually, Ally is such a snob. Maging ako nga hindi iniimik nyan eh. Minsan pakiramdam ko naririndi lang siya sa akin. But growing up, he’s such a thoughtful kuya. I think you should know that.”
“Nabibigla pa rin ako sa mga pangyayari. Hindi ko inexpect na magkakagusto siya sa akin.”
“Believe me, he has changed a lot. Ang clingy niya kaya sayo, baka hindi mo napapansin.” Tumatawa niyang sambit. “But he is not a bad guy. You two make a good pair. I hope you guys get married soon.”
“Kasal agad? Nagmamadali ka rin?”
“Hindi na masama. You see, he’s serious about you. And I am not kidding when I say you have changed him.”
Naging palaisipan sa akin ang sinabi niya. Totoo nga talagang nagbago siya. Pero susubukan ko pa ring kilalanin siyang mabuti.
Pumasok kami sa isang boutique at pumili ng mga swimwears at iba pang damit.
“I think this suits you” pinakita ni Nina ang light pink, white at black swim wears.
“Hindi ba sobrang liit naman niyan?
“it’s okay! It’s time to show some skin. And besides, we are on the beach, so… hindi kita hahayang maging manang no.” sabay tawa naming dalawa.
“Sige, kung yan ang sabi mo.”
Bumili pa nga kami ng mga coverups, summer dresses, pantulog na rin at sombrero. Si Nina na rin ang nagbayad ng lahat, kasi kahit iabot ko sa kanya ang ipon kong pera, hindi niya ito tinatanggap. Gamitin ko nalang daw sa ibang bagay. Kaya hinayaan ko nalang din siya.
“Really, I insist. I am paying these. Gift ko nalang sa’yo” matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin.
“Salamat kung ganon.” Nginitian ko din siya.
“Alam mo Nina, ang sarap pala ng pakiramdam ng may kapatid. Maswerte kayo kasi nakakasama niyo din ang mga magulang niyo. Hindi gaya sa akin.”
“It’s alright, we are family. You are not alone. Hayaan mo, we will have more bondings together soon. Kaya wag kang malungkot dyan. At tsaka, andyan din si Ally para sa’yo, baka nakakalimutan mo.” Natatawa niyang sinabi saakin.
Tumango na din ako sa kanya. Tama nga naman siya. Kahit naman naulila ako sa mga magulang, hindi naman ako pinabayaan ni Lola pati na rin ang mga nasa mansion.
Natapos na ang pamimili at umuwi din kami ni Nina.
Pagbalik namin sa bahay, nasa kitchen si Ally nagluluto.
“I’m almost done, you can washup first, these will be ready in a bit.”
“Whoah Ally! You really are cooking now!” pang-aasar ni Nina sa kapatid.
“Yup, obvious ba?” pairap na sabi nito sa kapatid.
“That’s new. I thought you didn’t know how. I guess that’s how love changes people. HAHAHA, Gab this is really something.”
“All for Gab. Come on, let’s eat!” ngiti niya sa akin, kaya ginantihan ko nalang din ng ngiti.
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may isang taong nagpaparamdam sayong mahal na mahal ka. Siguro kasi isang bagay yun na hinahanap-hanap ko mula pa pagkabata. Iba pa rin kasi talaga yung may mga taong ipaparamdam sayo na mahalaga ka. Hindi ko sinasabing hindi pinaramdam ni Lola sa akin yon. Mahal na mahal ako ni Lola Milagring. Kahit nagging mahirap ang pamumuhay namin, hindi niya ako pinabayaan, at minahal niya ako nang tapat.
At iba naman kapag may isang taong magpapakita sayo kung gaano kaganda mabuhay. Unti-unti na rin akong nahuhulog sa kanya, sino namang hindi diba?
“I cooked yor favorite adobo, I hope you’ll like it!” Nagsalin siya ng kanin at ng ulam sa plato ko. Nagbigay na rin siya ng tubig.
“WOW! Ang sarap naman nito, Salamat!” Matamis na ngiti ang ginanti ko sa kanya. “Paano mo nalaman nay an ang paborito ko?”
“I did some research, it’s not that hard tho.”
“Kain na tayo! Naiinggit na ako, sana may date din ako” At nagtawanan na kaming tatlo.