"Lara..." Napalingon ako kay Alyssa matapos kong kumaway kay Harlene at pinanuod itong sumakay sa sasakyan ni Lawrence. Ngumiti ako sakanya saka kumaway kay Ronnie at Erica na parehong sumakay sa sasakyan ni Thunder kasama si Alex. Naunang pinaandar na ni Lawrence ang sasakyan niya na sinundan ni Thunder hanggang sa makalabas sila ng village. "Lara..." I sighed at nilapitan si Alyssa na sinamahan akong ihatid ang mga kaibigan nila. Napagdesisyunan nilang dito nalang matulog dahil lasing na ang magpinsan at hindi na kayang mag-drive. "Bakit?" She smiled at me a little saka inanyayahan akong pumasok na ng gate. Siya na ang nagsara nito saka sabay kaming nagtungo sa sala. Magkatabi kaming naupo sa sofa habang pinapanuod si Zayn at Jared na seryosong nag-uusap base sa ekspresyon nila.

