BABAENG DI KINIKILIG ( Chapter 5 )

3501 Words
TITLE : BABAENG DI KINIKILIG Genre: RomCom By: Admin shoji2496 [ C H A P T E R 5 ] [Pipay's POV] Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas kasama ang tropa ko, inis ang nararamdaman ko magmula nang nakita ko na naman 'yang King na yun. Wala na siyang magandang naidulot sa buhay ko simula pa nung unang araw ng pasukan. Nakakaimbyerna siya. Di niya pa ako lubos na kilala, kayang-kaya kong wasakin ang buhay niya dito mismo sa university. Kaya humanda na siya, lintek lang talaga ang walang bangis 'pag gumanti. Habang naglalakad kami pababa ng building ay siya namang nagsalita si Arjane, isa sa mga tropa ko. "You should always watch out to that guy Pipay, kayang-kaya ka niyang ipahiya ng walang alinlangan. Kung ako sa'yo banatan mo." maangas namang dating ng boses niya na tinuturuan ako sa kung ano pwede kong gawin. Nahinto ako, nag-ipon ako ng maraming hangin saka binuga tanda ng sobrang pagkagigil ko sa mga pangyayari kanina sa loob ng classroom. "Sa oras na bigyan niya pa ako ng rason para banatan siya, hindi na ako magdadalawang isip na ipatumba siya. King ina nya." mahina kong sabi na punong-puno ng inis ang nararamdaman ko. "I like that, the battle begins between us and boy labo. And i guess, wala siyang kalaban laban pagdating sa'yo friend, kasi bukod sa kakampi mo kami, mag-isa lamang siya." sabi naman itong si Rosch, isa pa sa tropa ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad pababa ng building. Lahat ng mga estudyante na nadadaanan namin ay agad namang nagsisipag gilid para bigyan kami ng madaanan. Pagkarating namin sa may ikalawang palapag ay may mga grupong babaeng pa-sosyal ang nakaharang sa may hagdanan. Apat sila, hindi kami binibigyan ng espasyo ng lalakaran namin. "Ahem" pagbasag naman ni Krey ng katahimikan, isa sya sa tropa ko. Tumayo naman itong mga babae sa harapan namin, mukhang nanghahamon pa sila gamit ang masamang tingin. Nakakatawa! Mukhang mailalabas ko na ang inis kong kanina ko pa dinadala huh! "Ano? Hinde ba kayo aalis sa dadaanan namin?" sabi naman ni Rosch sa kanila na inihahanda ang kamao. "Aba, look who's talking. Ang babaduy niyo. Hindi ba kasali sa personality development class niyo na bawal ang jologs dito sa university?" Nakapamewang siya bes. "Mga mukhang ewan!" nakatawang sabi naman nitong mukhang dangget sa amin. Nakakaloka yung tingin niyang nang aasar. Nagtawanan din naman yung kasama pa niyang tatlo. Ngayon, nagsimula na rin tumawa ang isip ko. Mukhang mailalabas ko na talaga yung tinitimpi kong inis. "Ayaw niyong tumabe?" sabi ko ng mahina sa kanila at pinanlakihan ko pa sila ng aking mata para matakot manlang. "Eh sa kung ayaw namin? May magagawa kayo? There's always a way na kung gusto niyong makababa dito sa building. Doon kayo sa isang hagdan maglakad at huwag dito. Dahil, dito sa department na ito, kami ang batas. Okay? Kaya chupi!" dagdag pa niyang sabi sa amin na ang arte arte ng boses. Nagsimula na ngang dumami ang mga estudyante na nakatingin sa amin. Pinagmamasadan ang bawat eksena na mangyayari. This is gonna be exciting! Kaya naman nainis pa ako lalo, dumating na yung oras na nasa sukdulan ang inis ko na kanina ko pa kinakalos dahil punong-puno na. Mariin akong nagbigay sa kanila nang ngiti, ngiting ngayon lang nila makikita sa buong buhay nila. Humakbang ako ng dahan-dahan pababa sa hagdan, lumapit sa kanila at tinulak silang sabay-sabay apat. Napasampa sila sa may pader at kitang-kitang ko na nakaramdam sila ng sakit matapos silang tumilapon sa doon. Diba? Ang lakas ko. Dumarami na ang mga estudyanteng nakamasid sa amin, halo-halong boses ang naririnig namin magmula sa mga manonood. Kaya naman nagpatuloy akong naglakad ng dahan dahan palapit sa babaeng dangget. Kinuha ko ang neck tie nito at bahagyang pinalupot ng mabilis sa kanyang leeg at nagsalita ako. "Tsk tsk tsk, there's always a ways na kung gusto mo pang mabuhay ng matagal, huwag kami ang banggain niyo. I play games, and war is my game. Tandaan mo itong mukhang 'to. Dahil once in a blue moon mo lang 'to makikita. Let God showers you a good luck!" bulong ko sa kaniya ng klarong klaro ang bigkas ko. "Bi----tawan mo-- ako" usisa pa niyang hirap na hirap sa pagsasalita. "And one more thing, sa department na ito? Ako lang ang batas." dagdag ko pang sabi sa kanila na tinitigan sila isa-isa. Yung titig ng isang Pipay Esperanza. Kinalas ko yung pagkapalupot ng neck tie sa leeg ng babaeng dangget. Natakot sila kaya naman agad silang napatakbo pababa ng building. Akala siguro nila madadala kami ng ganun ganun lang? Wala akong inuurungan, wala akong kinatatakutan. Dahil ito ang bago kong buhay, bagong yugto ng isang pinaasa at iniwan. Mangha-mangha yung mga estudyanteng nakapanood ng eksena. Yung iba naman ay nagalit sa amin. Yung iba rin naman ay pinagchichismisan kung sino nga daw kami. Alam kong nakaramdam na rin sila ng takot mula sa amin. Diko na yun pinansin, niyaya ko na lang ang mga tropa ko para bumaba na. Gutom na rin ako, gutom na gutom na. Sumunod naman sakin bumaba ang mga tropa ko, poker face lang ang reaksyon ng mukha ko. Basta, patuloy lang ang lakad namin papunta sa canteen. "Paano ba yan, wala tayong mapwestuhan dyan sa canteen. Andaming tao." saad naman ni Rosch sa akin. "Sa labas nalang kaya tayo kumain?" suhestiyon naman ni Dheez sa amin, siya ang pinakamahinhin sa aming magtotropa. "Tara." pagsang ayon namang agad ni Arjane. Dali dali naman naming binaybay ang daan patungo sa pinagparkingan ng mga motor namin. Tig iisa kami ng dalang motor. Ang astig tignan diba? Yun kasi ang naisip gawing service namin pag pumapasok kami ng school. Nang makarating kami kung saan nakapark ang motor ay agad naman kaming lumulan at pinaandar ito, lumabas kami ng university. At nagsimulang maghanap ng pwedeng kainan. Ilang minuto din kami nag drive, napunta kami sa isang cafeteria. Malapit na yun parte sa may apartment ko. Pero ngayon lang ako napunta sa may gawing yon. Huminto naman kami, naghanap ng espasyo para ipark yung mga motor namin. Pumasok kami, nilikot namin ang mga mata sa loob ng cafeteria. Ang ganda ng ambiance, hindi kasi tipikal ang dating niya. Para itong pinasosyal na cafeteria sa tiyangge. Basta, unang tingin ko palang ay nagustuhan ko na. Lumapit kami sa may counter nito at tinignan kung anu pwedeng makain. Umorder naman ang tropa ko ng makakain, halos pare-parehas sila ng kinuha. Napukaw ang tingin ko sa kulay pink na milktea, natuwa ako kaya yun ang inorder ko. Sinabayan ko pa ng kuha ng dalawang pares ng chaofan na may toppings na beef na nakalagay sa isang maliit na bowl. "Dalawa talaga?" nagtataka namang sabi ni Rosch sa akin. "Gutom ako e, baka naman pwedeng kumain ng marami diba?" napasmile naman ako ng kaunti pagkasagot ko sa saad ni Rosch sa akin. "Ngayon ko lang pala nalaman na mahilig ka sa pink na milktea na 'yan." dagdag pa niyang sabi sa akin. Natawa nalang ako ng pilit, kasabay 'nun ay pumunta na kami sa table kung saan kami uupo at maghihintay. "Matanong nga kita friend, okay ka na ba?" bungad namang tanong ni Dheez sa akin. "Okay? Ano ibig mong sabihin?" bahagya ko namang sabi na diko mawari kung anong ibig niyang ipahiwatig sa akin. Tinanggal ko naman muna ang sumbrero ko at nilagay sa loob ng bag na dala ko. "Alam ko, alam mo ang ibig ko sabihin. Nararamdaman namin yan sa'yo. So handa ka na ba harapin siya ulit?" usisa naman ulit ni Dheez sa akin. Nakatingin lang din sa akin yung iba ko pang tropa, hinihintay yung mga pagbigkas ko ng mga sagot kong gusto nila malaman sa mga tanong ni Dheez. Nakakaloka, bakit pa kasi nila pinapansin yun. Alam naman nilang ayoko pag usapan pa ang mga bagay na matagal ko ng tinapon sa basurahan. Tinaas ko yung isang kilay ko, at nginitian sila. "Okay na ako. I moved on. Wala naman akong magagawa kung nandyaan siya. Ang mahalaga, masaya ako sa bagong ako." diko pinahalata sa kanila yung guilt na nararamdaman ko. At sana wag na nila pansinin yun kasi ayoko na talaga pag usapan pa yun ngayon. Ilang sandali pa ay dumating na yung mga inorder naming mga pagkain sa table na talaga nga namang ikinatuwa ko. Ang cute cute kasi nung pink na milktea. May larawan pang nakaukit si baymax sa lalagyan nito. Kinuha ko naman yung cellphone ko para kuhanan ng litrato ito. Agad ko namang sinama yun sa mga post ko sa f*******: at i********:. Nakakatuwa. Di na rin nagsalita yung mga kasama ko kasi kita na sa mga mukha nila yung gutom, agad agad pa silang kumain ng wala manlang anyaya mula sa kanila. Ay nako. Inayos ko naman muna saglit ang sarili ko, at nagsimula na rin kumain. "Ang cute nung King no? Kung pwede lang syang angkinin hays." pabigla namang bungad sa aming pagkasabi ni Krey na medyo kinilig. "Umayos ka nga Krey, talagang doon pa sa lalaking yon? Baka gusto mo ibahin?" pambasag ko naman sa kanyang sinabi. "Ang gwapo kaya niya, tsaka feeling ko talaga matalino siya. The way na sumagot sa teacher natin kanina, nandodoon yung sense of humor niya at ang swabe ng boses eh!" tugon pa nito sa akin. "Baliin ko yang dila mo, gusto mo? Ang lande lande nito." pang aasar ko pang sabi. Natuwa nalang yung iba ko pang tropa sa dayalogo namin ni Krey. Para kasi siyang timang. Kailangan pa talaga humanga siya doon sa mokong na yun? Eh halos isumpa ko na yun sa pagpapahiya niya sa akin sa classroom kanina. Bakit ba ako ganito kainis sa lalaking yun? Dapat binabaling ko na lang sarili ko dito sa pagkain ngayon e? Lintek talaga. Lintek na King na yan. Di pa ako nakakaganti sa kanya. O ayan, naiinis na naman ako! "Woy Pipay, okay ka lang? Halos mabutas na yang bowl sa kakadikdik mo dyan sa hawak mong kutsara ah." nagtatakang saad ni Rosch sa akin. Agad naman ako nagka ulira't 'di napansing nakatulala pala ako sa kinauupuan ko. Umayos ako ng upo saka pinagpatuloy kainin yung mga inorder kong pagkain. Di na rin pinansin ng mga kasama ko ang mga galaw ko, nagpatuloy na rin sila kumain. Ilang oras din kaming natahimik dahil sa pagkapokus namin sa kinakain. Ang sarap naman dito. Pati na yung pink milktea. Mukhang magiging paborito ko na ito. Iba kasi yung nabibigay nitong lasa. Basta, ansarap sarap. Kasabay 'non ay tumunog ang cellphone ko tanda na may notification ako sa i********:. Tinignan ko naman ito, at binuksan ang kung sino nag notify sa akin. Pagkabukas ko ay may mga taong nagfollow sa akin. Inisa-isa kong tinignan yung mga litrato nila. "Jun Wayde, Andre, Aron Wilfred? Sino mga to?" pabulong ko namang sabi sa sarili ko. Hindi naman narinig ng mga kasama ko yun kaya binaba ko muna yung cp ko. Hinayaan ko muna yung mga lalaking nag follow sa akin. Kumain ulit ako nang bigla na naman tumunog yung cp ko tanda na may notification. Kinuha ko yung cp ulit at binuksan ito.Pagkabukas ko ay nakita ko ang pangalan ni Sonn. "Merniel Sonn Lacambra." kumunot ang noo ko at nawalan ng gana para kumain. Pagkaraan pa ng ilang sandali ay nakatanggap ako ng message sa kanya. "You've changed a lot. Di kita nakilala. Sana okay kana, sana okay tayo." Mas lalo pa akong nawalan ng gana. Nakasimangot na naman ako. Kaya nagtaka na naman itong mga kasama ko. "Oy ano naman yang mukhang yan. Nag iba ka na naman ng anyo friend." unang napansin ni Arjane yun sa mukha ko. "Ano ba kasi yung nabasa mo at nagbago bigla yung mukha mo sa ganyan. Tignan mo o, para kang gurang pag nakasimangot." tugon naman ni Dheez sa akin. Nagkibit balikat lang ako at ipinikit ang mata. Ano na naman ba ito. Ano na naman bang trip ni Sonn? Bakit kailangan pa niya akong i message? Bakit ba? Kung kailan naka move on na ako. Nakakagigil! Iminulat ko yung mga mata ko, kakaiba yung tingin ng mga kasama ko sa akin. Puno ng katanungan yung mga titig ng mga tropa ko. Kaya naman nagsalita na ako. "Si Sonn, nagmessage sa akin. Ang laki daw ng pinagbago ko. Hindi raw ako nakilala. Sana okay daw ako, at sana okay daw kami. Okay na guys?" nakasimangot paring sabi ko sa kanila. "Ikaw lang naman nakakaalam niyan e. Bakit kailangan mo pang magsimangot ng ganyan. Huwag mo sabihing di ka pa----" pinutol ko yung pagsasalita nya. "No way!" umirap naman ako ng nakakaloka. Alam kong hindi tamang pag usapan pa namin ang mga bagay na matagal ko nang ibinaon sa lupa at kailanman diko na hahalungkatin. Hindi na rin naman nagsalita ang mga tropa ko kasi nakikita nila sa mukha ko na may nararamdaman akong di maganda. Nang matapos kami kumain ay tahimik pa rin kami. Diko naubos yung kinain ko, kinuha ko nalang yung pink milktea para may mainom ako mamaya. Nagbayad kami at nagsimulang malakad palabas ng cafeteria, lumulan agad kami sa kaniya kaniya naming motor. Pinaandar ito at sinundan kung saan patungo yung mga kasama ko. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa may bakanteng lote. May isang napakalaking puno doon na sya namang nagsisilbing silungan namin. Ni-park muna namin saglit yung mga motor namin sa may tabi. "O bakit dito tayo napunta?" natanong ko sila. "Magpalipas muna tayo ng oras dito. Late na tayo sa ala una na klase naten, so bali sa alas tres nalang tayo papasok." paliwanag naman ni Krey at may inilabas siyang malaking sapin sa kaha ng kanyang motor. Binuklat niya ito at inilapag sa damuhan. "Magpahinga muna tayo dito, matulog ng kaunti" nakangiti naman niyang pag anyaya sa amin. Agad namang sumabay sa higa sila Dheez, Arjane, Rosch kay Krey. Wala naman akong nagawa kaya sumunod na rin akong humiga. Inayos naman namin yung higa para magkasya kami lahat doon. Nagkwentuhan kami, mga sari-saring kwento ang pinag usapan namin. Di na nga nawala sa usapan yung mga lovelife nila. "Oy ano, forever ba tayong magiging jologs sa university? Namimiss ko na kasing isuot yung magaganda kong damit. Naaawa na ako sa sarili ko dahil sa suot ko ngayon o." pabiro namang sabi ni Rosch. "Huwag muna, hindi pa sa ngayon. Nagsisimula palang tayo. Nagsisimula palang ako. Kaya magtiis muna tayo lalo kana Rosch." tugon ko naman habang nakatitig sa napakandang larawan ng langit. "Feeling ko nga hindi ako magkakaroon ng boyfriend kung ganito lang din yung suot ko. Nakakawindang." isa pa itong si Dheez e. "Lande nyo. Akala ko ba susuportahan niyo ako sa course na to? Natatandaan ko pa yung mga promises nyo sa akin. Tapos ngayon parang di nyo na kayang magtiis kahit konting buwan. Matapos din 'tong planong to. Alam niyo naman siguro pinagdaanan ko diba?" Sagot ko naman na nakikisimpatya sa kanila. "Friend, andito lang kami. Di naman namin babaliwalaan yung mga pangakong binatawan namin para sa'yo. Maasahan mo naman kami. Ang sa akin lang, besh look naman this clothes oh, para akong baneneng wala sa ayos! Eh gusto ko nang magkaboyfriend hello?" Dheez. "Hoy tumigil-tigil ka nga sa kalandian mo Dheez, mag-antay ka okay? Tsaka kahit ano pang gusto mo magkaboyfriend kung wala namang gwapo sa school. Wala rin lang 'yang ganda mo!" "Excuse me? Anong walang gwapo? So anong akala mo sa King na 'yon? Surot? Eh halata namang gwapo niya e, for your information halos nga sa classmates natin gwapo e!" Dheez. "Walanjo ka naman Dheeziel! Sabing huwag ka na munang mangarap magboyfriend! Ayokong nakikita kayong masaya!" Sarkastiko kong sumbat sa kaniya. "Bitter?" sabay sabay nilang nasabi sa pahayag ko. Kainis! Tinawanan nalang namin yung bangayan naming 'yun. Niyakap nila ako bagay na gumaan ang pakiramdam ko. Ang sweet nila, mabuti nalang meron akong kaibigan katulad nila. Diko na talaga alam ang gagawin ko sa buhay ko kung wala sila. Sila nalang ang maituturing kong mga kapatid simula nung mga elemantatya palang kami. Halos buong buhay ko sila na ang kasama ko. Nakatulog kami ng isang oras. Binaling ko yung tingin ko sa cellphone bagay na napabalikwas ako sa pagkakahiga ko, lintek mag aalas tres na. Agad ko namang ginising ang mga kaibigan ko at dali dali kaming nag ayos at umalis sa bakanteng lote. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakapasok na kami sa university. May kaunting minuto pa para humabol sa next class namin. Ni-park namin yung motor namin at tumakbo sa may koredor ng HRM department para umakyat sa ikalamang palapag ng building dahil doon ang permanent room namin. Sumunod naman itong mga kaibigan ko. Maya't maya ay mga nakaharang. Napasigaw ako. "Tabe!" Napahinto ako pati na ang mga tropa ko sa harapan ng mga lalaking ang babagal maglakad. Dahan dahan naman akong lumingon sa kanila. Nagulat ako ng makita ko ang mga mukha nila, yung King na naman. Tinitigan ko siya masama. Walang anu ano'y napansin kong magkasama sila ni Sonn, tinitigan ko rin siya ng sobrang sama. Nakita ko ang sinseridad sa kanyang mata, namumuo ang kanyang luha. "Sa susunod na paharang harang kayo sa dinadaanan namin, hinde lang yan ang aabutin niyo. Naiintindihan niyo?" banaad sa mukha ko ang inis pagkakita sa kanila. Akma namang hahakbang si King sa harapan ko para bangayan ako pero hindi natuloy kasi hinawakan siya ni Sonn sa kanyang braso para pigilan. Hinde na namin pinansin yun at patuloy na kaming naglakad papunta sa room. Ganundin naman ang mga mokong. Baka nakalimutan ko, classmates ko nga pala sila. Nakakaimbyerna! Hingal na hingal parin kami ng tropa ko pagkaakyat sa ikalimang palapag ng building. Nakakapagod maghabol sa oras. Tinignan ko naman yung oras sa cellphone ko ay pasado alas tres na (3:12). Nasa ikalimang palapag na kami, konting hakbang nalang ay makakarating na kami sa room. Pagkapasok namin, ay nakita naman namin na nandoon na yung professor namin na kanina pa ata naglelecture. Binati naman namin siya dahil ayoko nang mangyari yung nangyari sa akin kay Miss Lazaro. Dire-diretso kaming pumasok, naupo kami agad sa upuan namin. Sumunod naman itong mga mokong na to. Nag ayos ako ng sarili ko habang hingal na hingal pa rin. "Sa mga bagong dating, pakibigay sa akin mga class cards niyo. Ngayon na." pagpapahayag naman ng lalaki naming professor. Nako, wala kaming class cards. Hinde pa kami nakakakuha, inikot ko ang tingin ko sa mga tropa ko. Ganundin ang senyas nila sa akin, wala din silang dala. Pagtingin ko sa tabi ko kung saan nakaupo si King ay nakita ko ang maraming class cards na hawak hawak niya. Binibigyan niya rin nang tig-iisa yung mga kasama niya kanina kasama si Sonn. Ano gagawin ko? "Faster, i need your classcards now." Nakakaloka! Wala nga kaming class cards sir! Nagmamadali? Kabwisit 'tong teacher na 'to. Natataranta na kami ng mga kaibigan ko kung kanino pwede humingi. Napansin ko namang lingon ng lingon si King sa akin na nakatawa, iba yung ngiti niya sa akin. Putcha, nang aasar ba ito? Lintek. "Nakakatawa? Bugok!" sabi ko namang mahina sa kanya at umirap ng nakakaloka. Patuloy pa ring nakatawa si King. Nakakabwisit na. Ah ganun ha! Tutal nginingitian mo ako, sige ngingitian din kita, ito lang ang paraan ko para makahinge sa iyo ng class cards. Sinenyasahan ko naman siya, yung itsurang namumulubi. Kinapalan ko nalang yung mukha ko. "Pahinge nga ako lima labo." sabi ko naman na walang ka amor amor. Nakita ko namang nagbilang siya ng limang piraso sa hawak niyang classcards. Natuwa naman ako, sakto limang piraso nalang yung hawak niya. Kung sinuswerte nga naman oh! May pagkauto-uto rin pala itong mokong na 'to sa mga ngiti ko. Humarap siya sa akin, nakangiti na naman ng nakakademonyo. Ano bang problema nito lintek! Bakit ganyan sya kung makangiti? Nakadroga ba ito? Inabot ko naman na yung kamay ko sa kanya para kunin yung limang classcards na ibibigay niya. Maya't maya ay nakita kong itinaas niya banda sa mukha ko ang hawak niyang limang classcards tila ba unti-unti niya itong pinunit sa harapan ko. Punyeta!!! Nakakaasar siya! Demonyo sya. Di pa rin siya natigil sa kakangiti niya sa akin na may halong pang aasar. Isa pa talagang ngiti mo, masasapak na kita. Damuho ka! Ilang sandali pa ay, kinuha na ni teacher yung classcards namin. Pero wala kaming naipasa. Nagtinginan nalang kaming magkakaibigan. Tinitignan namin ng masama yang punyetang King na yan. "Sa mga walang classcards, step out. Humingi na kayo sa registrar. And wag na kayo pumasok sa class ko ngayon. I will now mark you absent." Tumayo naman ako ng padabog at tinitigan ng masama itong King! Sumunod naman sakin yung tropa ko. Nakakabwisit talaga! Humanda ka talagang Kingkong ka. King ina mo talaga. Waaaaaaaah! Wala kaming nagawa kundi lumabas ng classroom. Yung pagod naming umakyat matapos hingal na hingal maabot lang yung klase? Tapos papalabasin lang? Waaaaah! Sana, sana kung ibinigay lang ni King yung class cards e, edi sana walang problema! Bwiseeeeeeet! Humanda ka talaga, humanda ka paglabas mo ng university. Papatayin kita damuho ka!!! itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD