Episode - 2

2491 Words
Ito ang unang araw ko bilang may asawa, para pagsilbihan ang pinakamamaha ko gusto kung paluguran siya. Kaya naisipan kung i-chat si Yara. Tatanungin ko siya kung ano maisa-suggest niyang masarap na luto dahil magaling siyang magluto tulad ng Papa niyang chef sa sarili nilang restaurant. Nangingiti pa ako habang binabasa ang mga convo namin, parang ang dali lang ng mga isina-suggest niya. Nagaalinlangan parin ako baka hindi ko makuha ang tamang timpla at hindi magustuhan ni Hammer. "From now on hindi ka na pwedeng gumamit ng kahit na anong gadget." asik niya ng bigla nalang siyang sumulpot sa tabi ko ng hindi ko namamalayan. "At hindi ka rin pwedeng lumabas ng bahay ng wala akung permiso." Dagdag pa niya ngunit ikinabigla ko ang paghablot niya sa cellphone ko, malakas niyang ibinagsak ito sa tiles na sahig atska pinagtatadyakan hanggang magkabasag-basag. "Bakit mo sinira kailangan ko yan. Ano na gagamitin ko ngayon?" hindik kung saad nagmakita kung nagkalasug-lasog ang cellphone ko. "Pamamahay ko ito kaya ako lang ang masusunod. Pagsinabi kung hindi ka pwedeng gumamit ng kahit anung gadget hindi pwede. At hindi ka rin pwedeng gumamit ng kahit anung appliances dito. Kaya huwag kanang mangarap bumili ng kahit ano dito sa bahay ko. Maglalaba at maglalampaso ka gamit ang kamay mo. Kung ano lang ang meron d'yan sa kitchen 'yang lang ang kakanin mo. Naintindihan mo. Moron!" singhal niya sa'kin na nanlilisik ang mga mata sa galit. Para bang hindi kami mag-asawa kung itrato niya ako. "Give me that!. Wala kang karapatang gumamit ng kahit anong cards." sigaw ulit niya sa'kin at inagaw niya ang purse ko, at kinuha lahat ng mga cards ko ATM at CREDIT Cards, lahat walang natira itinaktak pa niya 'yun para masiguro walang naiwan. Hindi ako makapaniwala sa inaasta niya para siyang ibang tao. "Mago- grocery lang sana ako para may pagkain naman tayo dito wala kasing stock." malumanay kong turan. Dahil wala kami kahit anong pwedeng iluto. Anung kakainin namin? "Hindi ka ba nakakaintindi tagalog na nga sinabi ko hindi mo pa rin naintindihan. Uulitin ko at italim mo d'yan sa mapurol mong kukote." sigaw na niya sa mukha ko sabay duro ng hintuturo niya sa sintido ko ng ilang beses. "Kung ano lang meron dito sa bahay 'yan lang ang para sayo at hindi ka pweding lumabas ng bahay ng hindi ko alam. At huwag ka ring umasang bibigyan kita ng pera dahil wala kang karapatan sa ano mang meron ako. Moron." sigaw niya uli. Kinuha at sinira-sira din niya ang mga papel at ballpen ko sa ibabaw ng dinning table kung saan naisulat ko na ang mga bibilhin ko sana. "Hindi naman ako manghihingi ng pera sayo meron din naman ako. Ibalik mo na sa'kin 'yan mga cards ko. Magtratrabaho din ako para may sarili akong pera para hindi na manghingi sayo." litaniya ko sa kanya. Kaya ko naman magtrabaho, meron din kaming sariling business. "You b***h ang hirap mo talagang umintindi ang sabi ko hindi ka pwedeng lumabas ng bahay ko dito ka lang at pagsisilbihan mo ako. Wala ka ring karapatang magreklamo, hindi karin pwedeng humawak ng pera." sigaw nanaman niya habang pisil-pisil niya ako sa panga. "Yang ang gusto mo di ba, so ibibigay ko sayo ang gusto mo. Sisirain ko rin ang buhay mo tulad ng pagsira mo sa buhay ko." asik niya sakin at pabalya niyang binitawan ang panga ko. Kaya mapahawak nalang ako sa mukha ko. At naupo sa silyang nasa tabi ko. "Hindi ko naman sinira ang buhay mo Hammer minahal lang kita. Mahal na mahal kita at alam mo yan. Lahat gagawin ko para matutunan mo ring mahalin ako." pag-amin ko. "That bullshit!.. paano akong magkakagusto sa isang tulad mong puro kalandian lang ang alam sa buhay huh.?" sigaw niya. "Ikaw narin nagsabi susundin mo lahat ng gusto ko, at gagawin ang lahat pwes humanda ka." aniya at ngumisi siya ng parang dimonyo. Iba ang Hammer na kaharap ko ngayon, hindi na siya ang dati kung kababata at kaibigan. "First. Get lost huwag kang baba dito pag andito ako sa baba at huwag mong ipapakita sakin 'yang pagmumukha mo kaya magtatago ka pag andito ako dahil kung hindi makakatikim ka sakin. Now leave..Layas! Lumayas ka sa harap ko hanggat nakapagpipigil pa ako at baka saktan na kita." sigaw niya. Nakita ko pang ikinuyon niya ang mga kamao niya, nag-igtingan din ang panga niya. Na ikinataranta ko kaya dali-dali na akong tumayo at naglakad paakyat sa hagdanan patungo sa kwarto ko. Gusto kung umiyak pero wala akung karapatang dahil alam kung napilitan lang siyang magpakasal sakin. Mahal ko siya kahit may nilalaman iba ang puso niya. Kahit ganuon ang pinakikita niya sakin hindi ko parin nagawang magalit sa kanya. Naintindihan ko naman siya dahil napakabilis ng pangyayari. Ang akala kung biro nagkatotoo at biglaan pa. . ........FLASHBACK...... . "Besh alam mo naba ang bagong chika ngayon" tanong ni Yara sakin. Andito kami sa cafeteria, dito niya ako niyaya at may sasabihin daw siya sakin. Hindi naman ako mahilig sa tsismis ewan ba kung bakit ang hilig nilang sumagap ng kwento ng buhay ng ibang tao, meron din naman silang sariling kwento. Pagsila naman pinagkukuwentuhan nagagalit. "Ano nanaman ba 'yun? At kaninong kwento ng buhay ng tao namam ba 'yan?" iritado kung tanong habang sumisimsim ng inorder kung cappuccino. "Kanino pa ba kundi sa love of your life lang naman." aniya kaya muntik ko ng naibuga sa kanya ang iniinum ko at nanglalaki ang mga matang humarap sa kanya. "Ano naman ang tungkol kay Hammer my love ko?" tanong ko agad dahil lahat yata ng lakad niya inaalam ko kung saan ba siya nagpupunta at kung sino ba ang kasama niya at ano bang ginagawa o' gagawin niya. "Seryuso na yata siya ngayon." aniya kaya naintriga ako sa sinasabi ni Yara dahil hindi ko maintindihan ibig niyang sabihin. "Straight to the point na kasi. Ayaw kung binibitin ako pagdating sa love of my life ko." angal ko sa kanya. Alam naman niya na pagdating kay Hammer all ears ako. "May nililigaw na daw at mukhang siyang seryoso dito. Ang kwento pa once na sinagot na daw siya ng girl, magpro-propose na daw at pakakasal na agad niya ito." litaniya ni Yara. Kaya kinabahan agad ako. Paano nalang ako kung may nililigawan na siyang iba. "No!.." bulalas ko dahil may usapan ang mga parents namin na pagdating ko sa husto gulang ipakakasal na kaming dalawa. "Hindi pwede 'yun. Para lang siya sakin, alam mo namang bata palang ako minahal ko na siya. Iningatan ko ang sarili ko para sa kanya ni hindi nga ako nag-entertain ng ibang boys dahil inalalaan ko lang ang sarili ko para sa kanya." Dagdag ko pa at alam na alam ni Yara yun dahil siya lang pinagsasabihan ko ng lahat. "Anong gagawin mo ngayon kung may mahal ng iba yun tao. Mahirap naman ipilit mo 'yang sarili mo sa lalaking wala naman pagtingin sayo." aniya na ikinasimagot ko. "Huwag kang mag-alala ako ng bahala sisiguruhin kung bago palang siya sagutin nòong girl kasal na kami." may kumpeyansang kung tungon kay Yara. "Besh pag-isipan mo muna 'yan baka sa bandang huli pagsisihan mo lang 'yang naiisip mo. Kasi ikaw ang talo dito dahil ikaw ang babae sa kanya walang mawawala sayo malaki. Baka umiyak ka lang. Alam mo naman 'yun ang dami rin babaeng ka-flirt." pa-alala pa sakin ni Yara. Pero bali wala lang sa akin mga sinasabi niya. "Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba Yara akin lang siya. Bata palang kami itinatak ko na sa puso't isipan kung para lang kami sa isat isa. Siya lang ang mapapangasawa ko." aniko. Dahil hindi ko alam kung anung mangyayari sakin pagnawala siya sakin. Pagnapunta siya sa iba. "Arabella naman. Ako ang natatakot sa naiisip mo. Huwag mong sayangin ang ganda mo sa taong wala namang pagtingin sayo. Hanggat maaga pa iwasan mo na siya. Marami naman d'yang mga gwapo din naman, marami naman nangliligaw sayo ayaw mo lang silang pansinin." Sermon pa niya sakin. Pero buo na ang desisyo ko. Kailangan makasal kami sa lalong madaling panahon. "Huwag kang mag-alala kaya ko 'to. Gagawin ko ang lahat para mahalin din niya ako. Trust me hanggang ngayon ba naman wala ka paring believe sakin." pagmamayabang ko pa sa kanya at kinindatan siya. "Pero Arabella hindi lang naman siya ang lalaki marami pang mas hingit sa kanya." pagpipilit pa niya sakin. "Ano ngang magagawa ko kung si Hammer lang ang itinitibok ng puso ko. Sa kanya lang ako nakadarama ng kakaibang pintig ng puso." Pangangatwiran ko pa sa kanya. Hindi naman basta-basta natutoruan ang puso kung sino ba ang dapat at hindi dapat mahalin. "Mag-mall na nga lang tayo. Para makapag-isip ka ng matino-tino. Baka may makita pa tayung mas gwapo pa sa kanya." aniya at tumayo na siya kaya tumayo narin ako. "Besh wala akung dalang sasakyan. Nasa talyer 'yung kotse ko." aniya sakin. "Wala naman problema doon, sumabay kana sakin." aniko at sabay na kaming nagpunta sa parking lot. Habang nasa biyahe kami ni Yara iniisip ko na ang gagawin ko. Ang mga plano ko para mapa sakin si Hammer. Kailangan ko ng kumilos at baka maunahan pa ako ng iba. . .......END OF THE FLASHBACK...... . Malalakas na pagkatok saking pinto ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan mula saking pagbabalik tanaw. Kaya napabalikwas ako ng bangon sa higaan ko, at nagmanadaling tinungo ang pinto alam kung si Hammer 'yun dahil siya lang naman ang kasama ko dito sa loob ng bahay. "Bakit, may ka..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng humampas sa mukha ko ang mga damit niyang madudumi. "Ayan labhan mo lahat 'yan bukas. Gusto ko ng malinis na laba at ayoko ng may lukot kahit kunti ang mga 'yan pag-ibinalik mo sakin." asik niya sakin at hinagis niyang lahat ng damit niyang marumi sa aking mukha. Kaya nagkalat sa may paanan ko ang mga ito. Hindi ko naman inaasahan gagawin niya 'yun. Wala akung nagawa kundi pulutin isa-isa ang mga nagkalat niyang mga damit. Nadinig ko nalang na pabalibag niyang isinara ang pinto ng kwarto niya. Nagtataka naman ako bakit ang dami niyang maruruming damit. Ang pakaka-alam ko ngayon lang din siya matutulog dito. Ito palang ang unang araw namin dito. Ni wala ngang gamit. Walang appliances. Amoy pintura pa ang kabahayan. Saan kaya niya kinuha ang mga ito. Piping tanong ko. Pagdilat ng mga mata ko'y nanibago pa ako sa naaninag ko kaya bigla akung mapabalikwas ng bangon dahil iba ang kapaligiran ng buong kwarto at ng maalala ko ibinagsak ko uli ang aking katawan sa hindi kalambutan kinahihigaan. "Aarayy!.. Ang sakit sa likod." bulong ko ng tumama ang aking likod sa hinihigan ko dahil nawala sa loob kung manipis lang ang pinaka kutson nito na mukhang luma pa. Bumangon na ako nag-inat dahil nangangalay medyo masakit ang likod ko dahil hindi naman ako sanay sa matigas na higaan. Isang single bed na may manipis na kutson ang higaan ko, isang rectangle na cabinet, at isang pangkaraniwang aparador ang tanging mga kagamitan dito sa loob ng kwartong inaakupa ko. Mayroon din maliit na lamesa kung saan nakapatong ang isang electric fan na tanging nagbibigay ng hangin sakin at isang lumang monoblock chair na kulay itim. Nagpapasalamat na din ako sa kwartong ibinigay niya sakin dahil kahit papaano may sarili akung cr na maliit dito, ayus lang kahit walang shower at tanging timba at tabo lang ang gamit ko dito. Di bohus din ang toilet bowl. Buti may shampoo naman at sabon pampaligo. Wala na kahit na ano. Malayo sa nakalakhan kung buhay. Hindi ko alam kung baba na ba ako dahil wala naman kaming pwedeng inumin na mainit na kape sa kitchen. Wala din pwedeng iluto para almusal namin. Wala din akung pera kinuha niya kahapon ang mga cards ko kasama ang konting cash na nailagay ko sa purse ko. Buti nalang 'yun lang ang laman ng purse ko at hindi ko naisama yung tatlo ko pang cards na may lamang malaking pera na ibinigay ni Mama sakin kahapon. Plano ko pa sanang ibili ng mga gamit dito sa bahay. Pero hindi ko rin magagamit dahil hindi naman ako pwedeng lumabas ng bahay at baka lalong magalit ang asawa ko. "Kailangan maging maingat din ako paano nalang kung may emergency at kailangan ko ng cash saan ako kukuha." piping bulong ko. Tumayo na ako at pumasok sa banyo para sa morning routine ko. Nangmatapos nakong magbanyo lumabas nako ng kwarto ko bitbit ko ang mga damit ni Hammer na marurumi para labhan na upang matuyo rin mamaya dahil alam kung wala kami ni washing machine dryer pa kaya. Kahit hindi ako marunong magkusot kailangan kung aralin ngayon maging ang mag-plansa ng mga damit. Nagdirediretso ako sa kitchen dahil gusto kung uminum kahit mainit nalang na tubig at baka sikmurain ako kung maglalaba agad ako, hindi naman ako sanay sa ganito. Nangmaisalang ko ang kunting tubig sa single burner gas stove na tanging lutuang meron kami dito sa kitchen namin naupo ako para hintayin uminit ang tubig. "What's that" isang mariing tinig mula sa aking likuran ang nagpaangat sa akin sa kinauupuan ko kaya napalingon ako. Nakita ko ang asawa kung bagong paligo may towel pa siyang punting ikinukuskus sa basa pa niyang buhok, may nakasampay din t-shirt sa balikat niya kitang-kita ko ang magandang hubog ng malapad at maskuladong katawan niya na may mga pinong balahibo. Kaya sinundan ko ng tinging kung saan patungo ang mga balibo niya na mas kumakapal at mas maiipon sa pinakagitna ang mga mumunting mga balahibo niya pababa sa cargo short niyang suot.. "Asa kapang mahahawak mo yan. Kahit maglaway ka pa d'yan hindi mo mahahawakan 'yan ni saling ng dulo ng daliri mo hindi ako makapapayag na sumayad sa katawan ko. Nakakadiri ka." angil niya sakin at bigla nalang niyang i-off ang stove. Kaya mapakurap-kurap ako ng ilang beses at pinagmasdan ang susunod niyang gagawin. "Nag-iinit lang ako ng tubig wala man lang kasing kape. Kaya mainit na tubig nalang sana iinumin ko bago ako maglaba." paliwanag ko sa kanya. Dahil nasanay akung mainit na kape ang iniinum sa umaga. "Wala akung pakialam kahit lason pa inumin mo. Iinum ka lang ng tubig mag-aaksaya ka pa ng gas para initin." asik niya sakin sabay hampas niya sa mukha ko ng hawak niyang towel. "Labhan mo yan" sigaw niya uli at tinalikuran na ako. Napaluha nalang ang mga mata ko dahil tinamaan ng towel, medyo nakaramdam din ako ng sakit saking mukha sa paghampas niya ng towel. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang makaakyat siya ng hagdanan Alam kung sa simula lang ito dahil biglaan ang naging kasal namin, magbabago rin siya at matatanggap din niya ako bilang asawa niya. Kaya kung tiisin lahat basta kasama ko lang siya. Makita ko lang siya maligaya na ako. . . . . . . ........................................................ ... please follow my account and ... add my stories in your library. ............."Lady Lhee".......... .....thanksguys...loveu....lrs...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD