Chapter 5

1435 Words
Finally !! Makakakain na ulit ako ng chickenjoy, my goodness dalawang araw na ang nakalipas nung huli kong kain nito. Baby come to mama !  Nakapikit ako habang isusubo na ang chickenjoy nang biglang may tumawag. Napatigil tuloy ang kamay ko sa ere at napadilat nang wala sa oras dahil sa iritasyon. Panira naman oh, pero di bale mamaya ko na lang sasagutin, kakagat lang ako ng isa. Minabuti kong baliwalain ito pero patuloy pa rin ito sa pagtunog. Mariin akong napapikit at napahinga ng malalim. Nakakabadtrip ah.  Nilapag ko ang manok at nagtungo sa mga computers. Nang sasagutin ko na yung tawag bigla itong tumigil sa pagriring at may nagpop out na message.  Open your email. We have a client. Napairap ako at binuksan ang email. - Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko pero wala na akong choice. Kailangan ko ang tulong mo para makuha ko sa tito ko ang mga kapatid ko. Ako si Mike Dela Cruz, kaya ko nasabi yun dahil hindi ko na kaya ang ginagawa niya. Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng mag ina niya at simula nang mangyari yun ay pinalayas na niya ako sa kanila pero iniwan niya sa puder niya yung mga kapatid ko para pahirapan kami parehas. Pinaiwan niya para saktan niya pero sa tuwing magsusumbong ako sa pulis ay hindi naman nila ako pinapansin. Gusto ko lang makuha ang mga kapatid ko pero nabalitaan ko na ngayon linggo ay pupunta na sila sa cebu at doon titira. Hindi ko alam saan sa cebu, tuluyan na niyang ilalayo ang mga kapatid ko sakin. Hindi ako mayaman, baka hindi kita mabayaran agad sa liit ng sahod ko pero desperado na ako at gagawin ko ang lahat mabayaran ka lang at matulungan mo ko. Sana matulungan mo ko Biglang nagring ang phone ko. Umupo ako at sinagot ito. - [ heeey . Okay so He is Mike Dela Cruz , 29 yrs old currently a janitor pero dating taxi driver, dahil sa accident na nangyari 1 year ago nag iba na siya ng trabaho. Actually isa siya sa mga kliyente ni Charlene pero dahil sa lakas ng kapit ng pulis and lack of evidence hindi niya nakuha yung hustisya na inaasam niya. Iniisip ni Charlene na sa sobrang galit at desperation baka kung ano raw ang magawa ni Mike sa tito nito kaya iniwan niya yung email mo sa locker ni Mike ] F*cked up talaga ang justice system ditto sa Pilipinas kaya talagang hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari. "What happened 1 year ago?" [ Nagkaroon ng aksidente, may nangyaring banggaan ng truck at taxi, dalwa ang patay. Ang dahilan ng banggaan ay drunk driving . Yung truck driver yung lasing. Si mike and yung truck driver lang yung nakaligtas pero yung sakay ni Mike na mag ina namatay, yung ang asawa at anak ng pulis na si Antonio Dela Cruz. ] "What about the siblings?" [ naimbestigahan na yun ni Charlene at totoong binubugbog sila ng tito nila ang kaso ayaw nila magsalita magkapatid hindi alam ni Charlene kung anong ikinatatakot nila ] "So what should we do with him?" [ Sabi ni Charlene iparalyze----  oh my gosssh ! Another information just got in galing kay Nine. Positive daw sa drugs yung tito and this is bad. Nirarape daw nito yung elementary na kapatid ni Mike. Hindi pa alam ni Mike ito baka mapatay na talaga niya yung tito niya.. ] "Then, give this mission to Nine", total siya na rin naman ang nag iimbestiga. [ Ahmm. That's the problem , may inaasikasong personal issue ngayon si Nine kaya tinapos niya agad yung pag iinvestigate at busy naman si Charlene sa pag aasikaso ng mga kaso. Kaya ang tanging natitira na makakagawa ng mission ay ikaw. ] "Ano?!!--" [ You know nightmare pwede mo namang hindi gawin yung mission at ibasura nalang natin yung message niya. I'm sure Charlene will understand ]  Natataranta niyang sabi dahil alam niyang sisinghalan ko siya. Napasapo ako sa noo ko.  "Fine. I'll do it" ✖✖ Time check : 7:40pm  Mga 5 minutes darating na ang target dahil 7:53pm ang dating ng tren at ito na ang last trip kaya siguradong onti lang ang tao. Simple lang ang suot ko para 'di kahina hinala. Naka jacket ako tapos palda at sneakers.  Nakasuot din ako ng wig na may full bangs tapos salamin at yung mask ko sa bibig. Para madali kong mahanap ang target sinuot ko rin yung contact lens ko at hindi makakalimutan ang earpiece. Maigi kong minamanmanan ang bilihan ng ticket dahil dun siya manggagaling.  [ mukhang nandyan na siya !] Tinanggal ko ang salamin ko para mas malinaw na makita. Subject : Antonio Dela Cruz . Subject Found. Time check : 7:46pm  Ilang oras na lang at darating na ang tren kaya hindi ko inalis ang mga mata ko sa kanya. Bawat galaw niya ay pinapanood ko. Maya maya nagsipag tayuan na ang mga tao para umakyat sa platform na hintayan ng tren kasama ang target kaya umakyat narin ako at pumwesto ako sa likod niya. Narinig ko ang tunog ng tren hudyat na paparating na ito. Pagdating ng tren ay unahan sa pagpasok ang mga tao na ikinairita ko.  Ang luwag luwag naman pero nag uunahan sila pumasok. Dahil ayokong mawala ang target ay nakipagsiksikan din ako. Nang makapasok ako sa loob agad kong hinanap ang target at humanap ng tamang angulo kung saan open yung area at kitang kita siya, dahil maalog sa loob ng tren kailangan kong tumagilid para mabalance ang sarili ko.  [ sa may san andres  siya bababa two stations from there ] Got it. Pinalagpas ko muna ang dalawang stations at nang papunta na sa san andres station ay pumwesto na ako, nilagay ko ang aking kanang kamay sa pocket ng jacket ko kung nasaan ang poison dart gun ko at hinawakan ito. Good thing about technology, meron ng iba't ibang size ng posion dart gun ko, this was specially made for me kay mas naging convenient para saakin katulad ngayon ang dala ko ay ang maliit na dart gun ko para hindi masyado halata dahil public place ito. [ 2mins left ]  Tinignan ko yung target na walang kaalam alam. Pasimple kong pinagmasdan ang paligid ko para siguradong walang makakapansin. Maingat kong inilabas ang poison dart gun ko.  [ 1 min ] Bago pa siya makaalis sa pwesto niya ay agad kong pinindot ang baril ko. Nang tumama ang bala sa kanya ay napaatras siya at napahawak sa dibdib niya. Napaatras siya ng napaatras hanggang sa napasandal na siya sa pinto.  "SAN ANDRES STATION. SAN ANDRES STATION" , sigaw ng marshall.  Naglakad ako papalapit sa pinto at tumigil na ang tren  "AHHHHHH!" Napalingon yung marshall na katabi ko sa sumigaw, agad siyang napatakbo papunta kay Antonio. "Sir okay lang po ba kayo sir? SIR?!" Bumukas na ang pinto at lumabas na ako. Nakita ko naman ang ilang marshalls na tumatakbo. Nagkakagulo na rin sa loob ng PNR. Dire- diretso lang ako sa paglalakad at lumiko sa unang kantong Nakita ko dahil sabi ni Chloe nandoon daw nakapark ang kotse ko. Nang makita ko na ito ay nilabas ko ang susi ko at binuksan ito. Tinanggal ko ang earpiece ko at contact lens.  Napasandal ako at napaisip. Why do I feel weird ? Hindi ko naman siya pinatay kahit he deserves to die. Ang plano ay pagkatapos kong gawin ang mission, si Charlene na ang bahala dahil may plano siya. Sisiguraduhin niya raw na pagbabayaran ni Antonio ang mga kahayupang ginawa niya .  Tumunog ang phone ko at kinuha ko ito [ Nightmare ! Bat mo tinanggal yung earphones mo ! ] "Tapos nanaman ang mission ah" [ They're trying to hack our system again. Alam nilang ikaw ang gumawa nun kay Antonio dahil unfortunately nasa malapit lang na area si Detective Kyron at nang malaman niya ang nangyari agad siyang nagpunta doon. ] "So what?", walang pake kong sabi.  [ Anong so what ?! Mag kape ka nga minsan para kabahan ka naman !! Tandaan mo hindi basta basta si Detective Kyron. Number 1 ka na naman sa wanted list nila at malaki ang pabuya pag nahuli ka ]  Ano ba yan top 1 na naman ako sa mga wanted natalo ko na naman si Black. Speaking of, nasaan na kaya iyon at parang tahimik siya ngayon. Si Black kasi ay isang katulad ko na secret agent din, ang pinagkaiba lang namin ay may pinagtatrabahuhan siya hindi katulad namin, iba rin ang panuntunan nila sa pagpili ng kliyente.  "Hindi naman nila ako mahuhuli. Remember specialty ko ang pagtakas" Ang tagal ko na sa trabaho na ito, maraming beses na rin akong muntikang mamatay at mahuli pero ito pa rin ako alive and kicking, mukhang pumapabor saakin ang tadhana, kung mahuli man ako alam ko naman ang dapat kong gawin. [ But still you need to be careful, wag tayong pakampante. Okay? ] --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD