"Max" "Max!" Napatingin ako sa humawak sa braso ko at agad ko itong winaksi. Masakit pa kasi ang katawan ko sa nangyari kahapon medyo nabugbog ako. Napakunot noo naman si Connor sa ginawa ko. "Kahapon pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot" Sinabayan niya ako sa pagpasok. Binabati siya ng mga empleyado pero wala siyang pake tsss. "Busy ako , may ginawa akong importante" Walang gana kong sabi at sumakay kami ng elevator . Sasakay din sana yung ibang empleyado kaso tinignan niya ng masama kaya napaatras ang mga ito. Kami lang tuloy ang tao sa loob pero okay na rin nakakairita kapag maraming tao " You look pale . Are you sick?" Akmang hahawakan niya ang noo ko nang tinignan ko siya ng masama kaya agad niya g binaba ang kamay niya. "Pagod ako kaya wag kang magulo" Saktong bum

