"Magaling..." Isa na namang tagumpay para kaya Matthew. Isang nakakapanindig-balahibong pangyayari na naman ang nasaksihan ng lahat. Gumuhit sa mga labi nito ang malademonyong ngisi at matalim na tingin sa biglang pagtalon ng isang mag-aaral sa gusali. Kamatayan ang siyang naging sagot sa kanyang problema. Kamatayan din ang siyang nagpalaya sa kanya. Ngunit hindi kailanman matatahimik ang kaluluwa niya. Mananatili itong nasa lupa na at hindi matatahimik. Siya namang pagbukas ng pinto ng rooftop kung saan naroroon si Matthew. Iniluwa ng pintuang iyon ang pamilyar na mukha. "Wesley?" Hindi makapaniwala si Jacob sa nakita. Prenteng-prenteng nakatayo lang si Wesley sa kinatatayuan at tila walang pakiealam sa kinahantungan ng isa nilang kamag-ara

