"Hindi ko alam ang gagawin ko ng mga oras na iyon." Hindi alam ni Melinda ang mararamdaman matapos ikuwento ang nakaraan. Nagbalik sa kanyang ala-ala ang takot at lungkot sa pagkamatay ng kanyang anak na si Matthew. Hindi kasi niya akalain na ang pagtira sa bahay na iyon ang magiging sanhi ng pagkawala nito. Alam kasi ni Melinda na maraming naninirahang ligaw na kaluluwa sa bahay na iyon dahil ito ang mga narinig niya nang bilhin niya ang bahay na iyon para sa kanilang mag-ina. Pero hindi siya naniwala sa mga sinasabi ng karamihan hanggang sa unti-unting nagbago ang pakiramdam niya habang tumatagal. Minsan nga ay nakakarinig siya ng mga batang nagtatakbuhan sa itaas ng kanilang bahay pero hindi niya pinapansin sa pag-aakalang mga pusa lamang iyon, ngunit sa tuwing pupuntahan niya

