Chapter 5
Ali is nervous as hell. Hindi nya ini-expect na ganito ka bongga ang charity ball. Hindi pa naman siya sanay sa mga ganito. Well, Rain and Sky are different. Ayon pa sa mga ito, siya na yata ang pinakaboring na babae sa buong mundo. Sayang lang daw ang kanyang ganda dahil sa tuwing bakasyon nila ay nagkukulong lang siya sa kanyang condo unit. Her friends introduced her to the world of fashion! She bought lots of bikinis, cute and sexy dresses, make-ups at pagdaan ng panahon, unti-unti na niyang natututunan kung paano mag-ayos ng sarili.
"Relax. You're with me" Dinig niyang sabi nito. They're holding hands na para bang magkasintahan. Diba dapat sa braso siya nakakapit? At least iyon ang nakikita niya sa mga movies. This is a ball afterall.
"Yes. I'm relaxed. Sorry, hindi lang ako sanay sa ganito." Tumango lang ito sa kanya at bahagya siyang nginitian.
"Let's go greet some of my friends and business partners."
Pagkatapos nilang maglibot para batiin ang mga kakilala nito ay sa wakas natapos din ito. Ayon rito, hindi pa nito nakikita ang iba pang mga kaibigan. Naupo sila sa kanilang table. Muntik na siyang mabilaukan habang umiinom ng tubig nang makita si Rain kasama ang isang napakagwapong lalake. Pasimple siyang umubo.
"Hey bud! I'm surprised to see you here. I know you don't like attending parties like this." Nagyakapan ang dalawa kaya tumayo na rin sya. Pinandilatan siya ni Rain.
"Ali, this is Greig Matthews. He is my friend and one of my business partners. Bud, this is my date, Ali." Nakigpakamay ito sa kanya at ganoon din siya rito.
"Pleasure to meet you, Ali. By the way this is Rain, my date tonight. Babe, this is my friend Evander Black." Pakilala nito sa kanyang malditang kaibigan.
Ngumiti ito ng matamis kay Evander at inilahad ang kamay. Gusto niyang suntukin ang pagmumukha nito. Bago paman tanggapin ni Evander ang pakikipagkamay nito ay inunahan na niya ito.
"Nice to meet you." She heard him chuckled. Nilingon niya si Evander at nakita niyang nakangiti ito na para bang aliw na aliw ito sa kanya pati na rin ang kaibigan nitong si Greig Matthews.
Binitawan niya si Rain at inirapan. Bigla naman siyang hinalikan ni Evander sa pisngi. She froze for a second. Why did he do that? Napatitig siya rito.
Uupo na sana sila nang may dumating pang isang gwapong lalake.
"Hey there, Alex. Hindi pa nagsisimula, naglalasing kana." Nakangiting yumakap si Greig rito pati na rin si Evander.
"Bud, I'm not drunk. Wag niyo naman akong ipahiya sa magagandang babaeng kasama niyo. "Hey, ladies! I'm Alexander Griffith. Ang pinakagwapong matalik na kaibigan ng dalawang 'to." Pakilala nito sa kanila.
Napangiti siya. Confident. Well, totoo naman talagang gwapo ito pero si Evander ang pinakagwapo sa kanilang tatlo.
"Who's with you bud?" Tanong ni Evander rito.
"I'm alone. You know me. Dito na ako maghahanap ng kadate." Tumawa ito. Pati siya ay natawa na rin.
Nang magpaalam si Alexander ay nagsimula na maikling programa. The charity ball is for the battered children. She felt bad. Children deserves to be loved and she is thankful to the people who supports them including Evander. She wants to donate too kaya naman ay sekretong hiningi nya ang impormasyon ng mga ito pagkatapos ay pumunta siya sa comfort room. Nakita niya si Rain doon. Agad na yumakap ang kaibigan sa kanya.
"b***h, he's smokin' hot. How did you met him?" Nakangiting tanong nito sa kaniya.
Natawa ng mahina si Ali. "Long story. How about you?"
"In the club of course. Saan pa ba? Alam mo namang clubs lang ang mga pinupuntahan ko. Well, he is handsome and hot so we hooked up." Kinindatan siya nito.
"Did you —"
"Silly, of course not. Just kissing duh!! Mauna na ako doon, baka hinahanap na ako nun." Tumango lang siya at sinundan ng tingin ang matalik na kaibigan.
EVANDER'S POV
Halos mabaliw is Evander kakahanap kay Ali. Halos sampung minuto na niya ito hinahanap. He asked Rain, Greig's date if she saw her pero umiling lang ang dalaga. Umuwi na ba ito? Iniwan ba siya nito? f**k!
He went to the ladies comfort room at nasalubong niya roon si Ali. "Oh s**t —" He felt her body stiffened when he wrapped his arms around her tightly.
"I thought you left." He cupped her beautiful face and kissed her lips. It was just a quick kiss pero naghatid iyong ng libu-libong boltahe sa kanyang katawan. Hinaplos niya ang namumulang pisngi nito at muli itong siniil ng halik sa mga labi. Wala siyang pakialam kung lumabas man sa dyaryo at mabalita man sa TV ang paghahalikan nila. He needs to taste her lips and he'll do it again and again.
He kissed her fervently and roughly and she kissed him back with equal ferocity. It feels so good. It feels like her lips was made for him. Only him for him.
Habol ang hiningang tinapos ni Evander ang halik. Her eyes were sparkling with desire? Napakagat-labi siya nang hinaplos nito ang sariling labi na para bang hindi ito makapaniwala sa nangyari. That was a cute and innocent gesture. He kissed her temple and then held her hands. Hinila niya ito pabalik sa kanilang table.
"We'll talk later." Tumango ito.
"Mr. Black! What a pleasant surprise! Good to see you again!" It was one of his investors.
"Good to see you again, Mr. delos Santos. Please send my regards to your beautiful wife." He smiled.
Nagpaalam siya kay Ali na kakausapin muna ang mga business partners. He doesn't want to leave her alone because he is worried. Baka hindi nito nagustuhan ang paghalik niya rito. Paano nalang kung bigla itong umalis?
He excused himself for a minute and called his bodyguard Peter.
"Wag na wag mo siyang hayaang umalis dito. Sundan mo siya lagi kung saan siya pumupunta." Bilin niya rito.
"Yes sir." Sagot ng kabilang linya.
Now, kailangan nyang makisalamuha sa lahat ng kakilala niya kahit na iyon ang pinakaayaw niya sa lahat. Gusto na sana niyang umuwi para masolo si Ali pero hindi pupwede. Damn! He wants to taste those sweet lips again!
ALI'S POV
"I saw that. How's your first kiss?" Tanong ni Rain habang may malawak na ngiti sa mga labi. Nag-init ang kanyang mukha. She can still feel his lips on hers. The kiss was electrifying.
"That - that was intense — Rain anong gagawin ko? Gusto ko siya! Gustong-gusto ko siya!" Nagpapanic na tanong niya sa kabigan. Tumitig ito sa kanya at tinapik ang kanyang magkabilang balikat.
"Go for it! He's a good catch. Hindi naman yan malalaman ni Commander. Well, kung malalaman man niya, patay tayo dyan. Be careful. We need to protect the secrets of our organization or they will kill you and of course, Evander will be killed too."
"I will protect him. I will never let anyone harm him." Wala sa sariling sabi niya.
"Do you like him that much?" Seryosong tanong nito.
"Yeah. I think so. He makes me feel — special. I am happy. Well, ito pa naman ang pangatlong beses na magkasama kami — i shouldn't feel this way right? It's too fast right?" Sinulyapan niya ang binata sa nasa hindi kalayuan at nang magtagpo ang kanilang mga mata, her heart instantly hammered inside her chest.
"Love moves in mysterious ways." Dinig niyang sabi ni Rain. Gulat na napatingin ulit siya rito. Sinabi ba nitong love? In love siya? Agad agad? Hindi ba pwedeng like muna? Pinili nalang niyang manahimik.
"Okay lang ba sayo na halikan siya ng ibang babae?"
Umiling sya. Hindi niya alam kung anong magagawa niya kapag may babaeng humalik rito. I mean, it kinda hurts imagining him kissing other girls right?
"Is it okay with you na magkagirlfriend ito ng iba? Aagawin siya ng ibang babae sayo." Napatuwid siya ng upo. Bigla yatang umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo dahil sa sinabi nito.
"Shut up. I will kill you! Stop it!"
"Base sa reaksyon mo, that's definitely a no. Then, there's your answer." Kumindat ito sa kanya at nginitian siya ng makahulugan. "I need more wine. Maglilibot-libot muna ako habang abala pa ang ka date ko sa ibang babae. I'll teach him a lesson later." Mahina itong tumawa bago tumayo. That was scary. Sigurado siyang tototohanin nito ang sinabing 'teach him a lesson later'. Sa kanilang tatlong magkakaibigan, Rain is the hot headed one. Sky is the neutral. Ito yata ang pinakamabait sa kanilang tatlo. At siya naman? Hmm. Hindi niya alam.
"Hey, peace lover tayo diba?" Sabi niya rito.
Tinawanan lang siya nito. Namamaril ito kaya delikado ito kapag nagagalit. She won't shoot him in the balls, right? Uhh, i hope so.
Ali sighed.