Angela
When I was six, I noticed how fascinated I am with books. I habitually hold books everytime I wake up and read them over and over again. Every lines makes me feel thrilled and excited, kahit pa naka ilang beses ko na itong basahin. At hanggang ngayon, mahilig pa rin akong magbasa. I'm a certified bookworm, ika nga nila.
Kapag malungkot ako, nababagot o hindi kaya ay walang ginagawa palagi akong nagbabasa. Siguro this is my way of running away from anything that exists. I love reading books with fantasy and romance genre, hindi ako medyo fan ng drama kasi madrama na nga ang buhay ko sa reyalidad, dadagdagan ko pa ba?
Habang nagmumuni-muni ay naalala ko ang bagong bili kong libro sa Pretty Pages. Kinuha ko iyon at sinuri habang naghihintay ng jeep.
"MARTIN"
bulong ko habang dinadampi ang aking mga daliri sa book cover. Martin ang title ng libro na babasahin ko, tungkol ito sa isang lalaking naghahanap ng pag-ibig. O di'ba, hindi nyo kaya 'yon. Akala nyo ba tayo lang ang single?
"MARTIN,
Martin dreams of finding a woman that he will love for the rest of his life. And the question is, who is she?"
Yun na 'yon?
Binuklat ko nalang 'yon pagkatapos basahin ang maikling sypnosis. Hindi kagaya ng mga librong nabibili ko, this book smells old, and has pictures in every pages of it. Ang kalahati nga lang ng libro ay walang laman.
WALANG LAMAN??
Binuklat ko ulit 'yon at napansin na mga blank pages lang ang ang kalahati ng libro. Napatayo ako at napabuntong hininga. 400 bili ko dito ah?!
Agad akong bumalik sa Pretty Pages para palitan ang libro. Allowance pa na bigay sa'kin ni mommy ang pinang bili ko rito, 1 week akong 100 pesos lang ang pera para lang dito.
"Good morning welcome to Pretty Pages."
Agad akong pumunta sa isang Bookstore clerk at ipinakita ang libro. Napatulala naman ako at narealize ko rin bakit Pretty Pages ang pangalan ng bookstore na'to. Pogi rin ng clerk.
"Magpapalit sana ako ng libro? Binili ko to dito, ito 'yung resibo."
Lumapit s'ya sa'kin at pinagpag ang mga kamay.
"Ano'ng libro ba 'yan?"
Iniabot ko iyon sa kanya,kinuha nya iyon at nang makita nya ang hawak ko,ay nakita kong palihim itong napangiti sabay tingin nya sa'kin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay binalik sa'kin ang libro.
"Hindi pwede papalitan 'yan e. May policy kasi si madam, bawal palitan ang libro once nailabas na sa bookstore."
Eh?
"Nagbibiro ka ba kuya? Sige naman na oh, palitan nyo na 'to. "
Tumalikod s'ya at nagpunta sa may register area, naupo at humarap sa akin habang nakangiti.
"What's your reason.Why are you returning such beautiful book?"
Binuklat ko ang libro sa harapan nya at pinakita ang blangkong pahina roon. Halos kalahati ng libro ay blangko.
"400 bili ko dito, tapos kalahati ng libro blank pages lang. Sayang naman 'yung pera ko di'ba kapag 'yung libro na binili ko hindi naman complete 'yung story?"
Tumayo s'ya at lumapit sa'kin. Tapos ay may inilagay s'ya sa kamay ko.
"Trust me, Martin is worth it."
Hinawakan nya ako sa balikat at pinaharap sa pinto ng bookstore at dahan dahang tinulak palabas. Paglingon ko ay nakangiti s'ya sa'kin sabay lock ng pinto at paglagay ng close sign.
Napahawak nalang ako sa noo ko at napapikit. Sayang na sayang ako sa allowance kong 500.Ilang minuto rin akong nakatayo sa harap ng bookstore at nagisip isip bago napatingin sa kamay ko hawak ang libro at sa kabila naman ay isang bookmark? Binigyan nya pa talaga ako ng bookmark??
Bumalik nalang ako ulit sa sakayan at nag hintay ng masasakyang jeep. 4pm na rin kasi at sigurado akong hinahanap na rin ako sa bahay.
——
I was sitting at the bar counter with a shot glass in my hand, when my phone rang.
I laughed a little when I saw who it was.I answered it and drank the liquor from my glass.
"Where the hell are you?"
This guy and his cold voice.
"In a place where I can touch ass for free." I chuckled.
"Galit si Arianna, ang aga mo raw mag sara."
I laughed and winked at the woman who passed by.
"Tell her that there's no reason for me to keep the store open. I'm a busy man. Una na ako, pat her head for me."
"Gross."
I just shook my head and poured liquor into the glass.
"Should I hope for some good days from now on?"
I whispered.
——
Angela
Pagka-uwi ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto para magmukmok. Pag nalaman nanaman ni mommy na binili ko ng isang libro ang allowance ko ay sesermonan nanaman ako n'on. Napahiga nalang ako at napatingin sa hawak kong libro. Babasahin ko nalang 'to at itatago. Wala naman akong magagawa e. Agad kong binuklat ang libro at sinimulang basahin iyon.
"Martin loves drinking and reading books, his way to escape the reality. He's already 25 and still can't find someone that can stay with him through thick and thin. He has brown eyes, thick eyebrows, pointed nose. He's the real definition of handsome and lonely."
Napataas ang kilay ko sa binabasa. Bakit parang diary 'to ng isang babae tungkol sa senior crush nya na malungkot?
"Martin loves to eat sweets and loves hugs, don't be fooled by his cold gaze and aura, because he's the sweetest man. He knows how to treat woman right."
"Trust me, Martin is worth it."
Naalala ko ang sinabi nung Bookstore clerk sa'kin kanina.
"Worth it talaga s'ya kung totoo s'ya."
Bulong ko at nagpatuloy nalang sa pagbabasa. Tungkol lang kay Martin ang libro, at kahit na hindi ko maintindihan kung ano ang mensaheng gustong ipaabot ng nagsulat nito ay hindi ko rin mahinto ang sarili ko sa pagbabasa.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ay naagaw ng bookmark ang atensyon ko. Isa iyong bookmark na may pangalang Martin. Inipit ko iyon sa huling pahina ng libro at nagpatuloy nalang sa pagbabasa. May mga litratong nakalagay sa bawat pahina, at tungkol 'yon lahat kay Martin. Wala naman akong pakialam kay Martin at ang weird ng librong 'to, pero hindi ko maintindihan kung bakit gusto ko pa rin itong basahin.
"Wala na?"
Inis na sabi ko nang mapansing wala na palang kasunod 'yung binabasa ko. Blank paper nalang. Isinara ko nalang 'yon at dumapa sa higaan ko.
"Angela, kain na!"
"Pababa na po!"
Agad akong nagbihis ng pambahay at bumaba sa kusina, nakita kong naghahain na si mommy ng pagkain at si Tito Sam naman ay nagbabasa ng dyaryo. Pangalawang asawa na ni mommy si Tito Sam, at sa totoo lang ay hindi ako malapit sa kanya. Siguro dahil hinahanap ko pa rin ang presensya ng papa ko, dahil sa kanya ako nasanay.
Naupo ako at hinayaan si mommy na maglagay ng pagkain sa plato ko. Habang si Tito naman ay kumakain na. Hindi nya ako tiningnan at binati pero okay lang naman 'yon dahil ilang taon na rin naman na ganito ang sitwasyon namin sa bahay.
"Kamusta school nak?"
Nakangiting taong ni mommy sa'kin.
"Ayos lang naman po."
Sagot ko at nagsimula na akong kumain. Hanggang doon lang ang paguusap namin ni mama. Tahimik na ang lamesa pagkatapos n'on hanggang sa matapos kami kumain. Nauna akong umalis sa lamesa at bumalik sa kwarto ko. Hindi naman ako nalulungkot sa buhay ko ngayon pero paminsan minsan ay napapaisip din ako kung ano kaya ang buhay namin kung nandito ang papa ko?
Napaupo ako sa kama at nagsimulang magisip isip. Simula noong maghiwalay si mommy at papa ay hindi na kami nagkakaroon ni mommy ng oras para magusap. Minsan konting kamustahan lang tungkol sa school, hanggang doon nalang 'yon. Hindi ko rin alam kung bakit hindi na ako pinapansin ni Tito Sam, siguro ay dahil nawalan na rin ito ng gana na kulitin ako para ituring s'yang kapalit ng papa ko sa buhay ko, sa buhay namin.
Ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin ako makatulog. Wala na rin akong mabasang libro dahil lahat ng libro ko ay nabasa ko na. Napatingin ako sa libro na nakapatong sa kama ko.Wala na rin akong mabasa dito dahil wala naman laman ang ibang pahina. Habang nakatingin sa libro ay naisipan ko nalang sulatan ang mga blank pages, ng tungkol naman sakin.
"Hindi tayo compatible, Martin."
Sabi ko habang nakangiting pinagmasdan ang mga hindi namin pagkakatulad ni Martin.
"Gusto mo ng matamis, ako naman ayaw ko no'n. "
Bulong ko habang sinusulat ang mga gusto kong bagay sa tabi ng mga gusto ni Martin. Minsan ay natatawa ako dahil iniisip ko kung totoong tao si Martin, siguradong hindi kami magkakasundo.
Sa sobrang enjoy ko sa pagsusulat sa libro ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Itatago ko nalang ang libro na 'to bukas, at bibili nalang ng bago next week.