Chapter 2: Hannah Marie Adaipmil

1328 Words
Hannah's POV NANDITO na kami ni Tina sa classroom. Umatend na ako sa panghapon kong klase. Magkatabi kami sa upuan sa bandang likuran. Sa loob ng classroom na ito mapapansin mo na halos lahat may kaya sa buhay or should I say lahat sila may kaya sa buhay, maliban kay Tina. Nalaman ko na mahirap lang pala sina Tina, siya lang ang nandito sa Manila at ang pamilya niya ay nasa probinsya. Mataas ang pangarap niya sa buhay, ‘yon ay ang maiahon ang pamilya niya sa hirap. Nagpapart-time job pala siya sa isang restaurant bilang waitress, pang gabi ang duty niya. Kailangan daw niya ‘yon para sa pang araw araw na gastusin, umuupa lang pala sya ng tirahan dahil wala naman daw siyang pamilya dito. Bilib ako sa kanya. Bigla akong may naisip na magandang idea. "Uhm Tina” mahinang tawag ko, abala siya sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya. Siya lang yata ang seryoso sa pag aaral sa classroom na ‘to. "Bakit?" tanong niya nang makalingon sa’kin "Kung gusto mo sa apartment ko na lang ikaw tumira, para naman may kasama ako" suhestiyon ko ng nakangiti. "Naku Hannah nakakahiya naman sayo, ngayon pa lang kasi tayo nagkakilala, baka sabihin ng iba ginagamit lang kita" umiiling na sagot nya. Paano ko kaya sya mapapa-payag? Gusto ko talaga syang tulungan kahit sa simpleng bagay lang. "Ah alam ko na! Ganito na lang hati na lang tayo sa upa, para hindi ka na mailang, ok ba ‘yon?" pumayag ka na please. Lihim akong nanalangin na sana pumayag sya sa alok ko. "Sige na nga, kung di ko lang talaga kailangan ng malilipatan" malungkot na sabi niya. Napakunot ang noo ko. At binigyan syang ng natatanong na tingin. "Pinapaalis na kasi ako do’n sa inuupahan ko, di ko kasi nabayaran ‘yong huling upa ko kasi pinadala ko kila nanay yung sinahod ko no’ng nakaraang buwan" kwento niya nung mapansin niyang nakakunot ako. "Eh ‘yon naman pala edi sakin ka na tumira, kelan ka ba lilipat para matulungan kita sa paghahakot?"excited kong tanong. "Naku wag na, ako na lang, nakakahiya naman sayo at tsaka konti lang naman ang mga gamit ko,"sabi niya "Salamat talaga Hannah ha, wag kang mag alala magbabayad talaga ako ng upa at tutulungan kita sa gastusin" "Ano ka ba kahit wag na!" masayang sabi ko. This time siya naman ang nakakunot ang noo at nakatitig sakin, nag iwas ako ng tingin sa kanya. Sh*t na maglagkit, wala nga pala siyang idea about sa totoo kong pagkatao. Ang tanging alam lang nya ay isa din akong tulad nya na simple lang din ang buhay. "Uhmm ibig kong sabihin, saka ka na lang magbayad kapag nakaluwag luwag ka na" sabi ko at ngumiti siya sa’kin bilang sagot. Humugot ako ng malalim na hininga. Muntik na ako doon a. Sino nga ba ako? Ako po si Hannah Marie Adaipmil, 18 years old, 3rd year college, taking up Business Management. Kung tatanungin nyo ako kung ano pa ang pangarap ko sa buhay dahil sa karangyaang tinatamasa ko? Well, ‘yon ay ang maranasan kung paano mamuhay ng simple at normal. Ang labo ko ‘no? Yung iba gustong makaranas ng maginhawang buhay pero ako kabaligtaran nila katulad na lamang ni Tina, pangarap nyang makaahon sa hirap ng buhay. Bakit gusto kong maranasan ang simple at ordinaryong bagay sa mundo? Dahil ang Mommy ko, laki siya sa hirap pero di niya pinag sisihan na lumaki siya ng walang karangyaan, nagustuhan ko yung pagmamahal niya sa mga simpleng bagay. Ang daddy ko naman ipinanganak na may golden spoon sa bibig. Yes! Golden talaga dahill myembro siya ng Adaipmil Empire, ang pinakamayamang angkan sa lugar ng San Andress. I'm the daughter of Hermes Paul Adaipmil, the business tycoon and the owner of Empire Group of Companies. Sa tingin ng iba mabagsik ang daddy ko but no, absolutely not. My dad is different from the other businessman. Bakit? E’ kasi siya lang ang businessman na kilala ko na kumakain sa karinderya at isawan, that was because of my mom. Pinakita ng mommy ko kung gaano kaganda ang buhay kung susubukan nating mamuhay ng simple at wag masyadong intindihin ang halaga ng pera. And that's what I am doing right now, ang mamuhay ng simple. Ang mommy ko ang kauna unahang sumuporta sa’kin ng mapagdesisyunan ko ito bago ko pa kausapin si Daddy. Napakaswerte ko kasi may magulang ako na katulad nila. Samahan mo pa ng isang kuya na sobrang sweet mula ulo hanggang paa. Si Kuya Harold Mick nasa America siya ngayon nag-aaral ng medicine. Pangarap na nya maging doctor simula pa pagkabata. At mga pinsan kong mga lalaki na walang kasing ingay pero mahal na mahal ako, di nila alam itong ginagawa ko ngayon at ayoko din malaman nila dahil alam ko guguluhin nila ang plano ko. Wala na akong mahihiling pa. -------------------- Tina's POV I'm Tina Bautista, 18 years old taking up Business Management. Simpleng estudyante lang ako na nangangarap para sa pamilya ko. Tumahimik ang lahat at bumalik sa kanya kanyang upuan nang bigla na lang pumasok ang professor namin sa room. Alam kasi ng lahat na terror ang prof na ito. Tahimik lang naman si Hannah sa tabi ko ng sulyapan ko siya. Maganda siya nung unang kita ko pa lang sa kanya pero di niya yata alam ‘yon o talagang wala lang talaga siyang pakialam. Masaya ako kasi may kaibigan na ako bukod sa mga asungot na lalaki ng basketball team. "Be ready for graded recitation in this whole period" napuno ng ingay ang buong classroom ng sabihin ‘yon ng professor namin sa marketing. "And one more thing you shoul----" naputol ang dapat na sasabihin ni prof. "Yo!" nagpasukan ang ibang players ng basketball team. "Good afternoon prof.” bati ni Kevin isa sa mga players siya lang yata ang pinaka-matino, well at si Captain na din, pero minsan lang. "Yo! Ms.Manager" bati ni Tristan na nakatingin sa gawi ko with matching kaway pa. Tinanguan ko lang siya. Binigyan ako ni Hannah ng nagtatakang tingin. At ‘yong iba nag kanya kanya na ng upo di man lang bumati sa prof, mga bastos talaga kahit kailan. Bale pito silang pumasok si Kevin, Tristan, Jonathan, Elvin, Elmar, Anthony and Alfred. Labing tatlo silang lahat sa team kasama si Captain. Nung mapansin kong wala yung iba tinanong ko na si Tristan na nasa kanan ko, nasa kaliwa ko naman si Hannah. Magkakaparehas lahat ng schedule para kapag nagpractice ‘andun ang lahat. Well madali lang gawan ng paraan ‘yon dahil ang isa sa mga players ay anak ng may-ari ng school na ito. Malalaman nyo din kung sino siya sooner or later. "Asan si Captain?” pabulong tanong ko. "Ayun pinaparusahan ‘yong lima, na-late sa praktis kanina at may mga hangover pa" sagot ni Tristan na parang sinusulyapan si Hannah na nasa tabi ko. Di ko pa pala nasasabi sa inyo na ako ang manager ng basketball team ng Montereal University. Isa ito sa binigay sa’kin ni Dean na gawain bilang isa sa mga scholar, ang tumulong at tulungan ang mga players sa mga kailangan nila. Ang school ang sumasagot sa lahat ng gastos ng team. At dahil halos lahat ng player may kaya sa buhay walang problema sa kanila kung ano man ang pangangailangan ng team. Madami na din akong alam sa kanila, almost 3 years ko na din silang kasama kaya naman masasabi ko na kilala ko na talaga sila at kilala nila ako. High school pa lang magkakasama na sila, halos magkakapatid na ang turingan nila sa isat isa, nasa Montereal Academy pa lang sila noon, kung gaano nila kamahal ang isat isa ganun din nila kamahal ang basketball. Naging saksi ako sa paghihirap nila para lang makarating ng finals, at malapit na nilang magawa yun tatlong laban na lang kaya siguro naghahapit si Captain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD