Xevier's POV NAKAHANAY na kaming lahat dito sa gitna ng court para kamayan ang team na makakalaban namin sa practice game. "Girlfriend mo pala si Hannah, maganda siya, malambot ang kamay. I'm sure malambot din ang labi niya" narinig kong sabi ng captain ng kalaban naming team kay Shield, magkatapatan sila kaya sigurado ako na siya ang captain. Nasa kanan lang ako ni Shield at kitang kita ko kung paano nag-igting ang panga niya sa galit. Mukhang may balak ang captain ng kabilang team na sirain ang laro ni Shield gamit si Hannah. Bumalik na kami sa bench namin. First five kami. "Go! Jaguars! go!" ganito talaga kami tuwing may laban kahit practice game lang. "Chill lang buddy, wag kang pa-apekto" sabi ko na lang sabay tapik sa balikat nya dahil iba na ang aura niya. Pabalik na kami sa

