Cheena's POV "NAY!" napalingon ako sa nagsalita, si Tina ang anak ko. Niyakap ko siya at di ko napigilan ang lalong pag-iyak sa sitwasyon namin ngayon. Hinarap ko ang kasama ng anak ko. God! Kamukha niya si Paul, ngumiti siya sa’kin. "Inay si Hannah nga po pala kaibigan ko, siya po ang tumulong sa’tin para ma-operahan agad si itay" sabi ni Tina sa’kin. Bakit may pakiramdam ako na may ibang mangyayari sa araw na ‘to? "Hannah siya naman ang inay ko si Cheena." nakipagkamay sa’kin si Hannah. Tiningnan ko siya mabuti. Akmang magpapasalamat ako sa kanya nang may biglang tumawag sa kanya. "Miss Adaipmil!" isang lalaki ang tumawag sa kanya na nakasuot ng black coat. "Kuya Gab, Hannah na lang kasi itawag mo sa’kin.." narinig ko pang sabi ni Hannah hanggang sa unti-unting huminto paligid

