(Harley)
Mula sa nakabukas na bintana ay tanaw na tanaw ko ang mga tao na nasa labas ng malawak na hardin na pag-aari ng mga Ferrer. Medyo maingay ang mga ito sa labas at halos lahat ay mabilis ang mga kilos. Busy ang mga ito sa pagkakabit ng mga palamuti na gagamitin sa pre-wedding photoshoot namin maya-mayang konti. We agreed to make it simple since we don't have enough time for a fabulous pictorial.
Luminga-linga ako sa loob ng malaking masyon at sa mga taong nakapaligid sa akin. Hinagilap ang anino ni Blamore ngunit mukhang wala rito ang mokong.
"Saan naman kaya pumunta iyon?" pipi kong tanong. Habang pinagmamasdan ko ang aking sarili sa harap ng malaking salamin sa harapan ko. Kakatapos lang kasi akong ayusan ng glam team ko. Yep! Nabuhay na ulit sila ngunit ngayon lang at sa araw ng kasal ko. Pagkatapos nito ay tuluyan ko na rin silang pakakawalan. Wala na akong pambayad eh. You know naman. Hawak pa rin ni Lolo Martin ang lahat ng kayamanan ko.
Hindi ko mapigilan na mapangiti sa nakikita ko sa salamin. Hindi sa nagbubuhat ako ng sarili kong bangko 'ha, ay talagang maganda ako ngayon. Bagay na bagay sa akin ang suot kong kulay puti na cocktail dress. Lampas tuhod ang haba at flutter type naman ang manggas. Puting stiletto naman ang pinares ko na sapatos. Habang nakalugay naman ang mahaba at alon-alon kong buhok.
"Ms. Harley? Hello! Hello!" masiglang bati ni Cyrel. Isa sa pinakasikat na baklang photographer sa Pilipinas. Well, iyon ang tingin niya sa sarili niya. Not to me.
Siguro, kapag may ranking hanggang 1000, marahil ay nasa top 999 siya. Pwede na rin, right? At least hindi siya ang pinaka-kulilat.
If you asked me why I still choose him, well… wala na kasi akong ibang choice. Siya lang kasi iyong available. Kaya pinagtiyagaan ko na.
"Ready na po ba kayo?" tanong pa nito. Nang medyo malapit na siya sa kinaroroonan ko.
I look at him and give him my bored look.
"Nakikita mo naman siguro na handang-handa na ako, right?" pagtataray ko. "Siguraduhin mong maganda ang pagkuha mo sa mga larawan ko 'ha?! Iyong tipong magte-trending nationwide at kaka-inggitan ng buong mundo." mando ko.
Tumango naman siya at ngumiti ng pilit. "Of course, madam. Kayo pa ba? No worries, I'll do my very best." anito. "By the way, you look stunning today. Parang naging triple ang kagandahan ninyo at fresh na fresh ang mukha." komento nito.
Palihim ko siyang pinaikutan ng mata. Echosera din kasi ang isang 'toh eh. Ramdam ko naman na binobola lang ako nito eh.
"Syempre naman." sang-ayon ko. "It's already given that I'm really pretty. Unlike you." Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Mukhang over-stress ka! Tingnan mo ang mata mo, mapagkamalan ka ng Panda sa itim ng eyebags mo."
Mas lalo pa akong naasar sa kulay pink niyang buhok. Hindi naman kasi bumagay sa kulay ng balat niyang matingkad na kayumanggi.
"Aray! Ang sakit nyo naman magsalita, madam." anito. Napahawak pa sa kanyang dibdib.
Umirap ako. "At least, nagsasabi ako ng totoo." Mukhang hindi na rin ito natuwa dahil nawala na ang plastik nitong ngiti sa kanyang mga labi. Pweee! Paki ko! Hindi ko iyon kasalanan kung wala akong kapintasan sa katawan.
Bumuntong hininga ako at sumulyap sa kinaroroonan ni Nilda. Nasa bandang gilid ito ng malawak na living room. Kausap nito si Milo. Hindi ko mapigilang magsalubong ang kilay ko habang nakikita silang dalawa. Masaya ang mga ito na nag-uusap. Hmmmm, hindi kaya ako ang pinag-uusapan ng dalawang ito?
Nagsimula na akong humakbang palapit sa kanilang dalawa ngunit mukhang hindi ramdam ng mga ito ang aking presensya. Para lang akong hangin sa tabi nila. Patuloy pa rin ang mga ito sa pag-uusap.
Kaya't umigham ako para kunin ang atensyon nilang dalawa. Halos sabay naman silang lumingon sa akin.
"Yes, Madam? May kailangan po kayo?" gulat na tanong ni Nilda.
Umirap ako sa kanya. "Sayo wala! Tumabi ka nga," ani ko. Lumayo naman siya ng bahagya kaya magkaharap na kami ngayon ni Milo. "Pero sa kanya," sabay turo kay Milo. "meron."
Ngumiti naman ng bahagya si Milo sa akin. Mukhang okay na kami. Hindi na rin kadi mainit ang dugo ko sa ginawa niya sa akin noong nakaraang buwan. Iyong pinasuot niya ako ng jologs at mahabang bestida.
"Bakit, Ms. Harley? Anything I can help you with?" formal na tanong nito.
Pinag-krus ko ang aking mga braso habang awtomatikong umangat ang isa kong kilay. "Nasaan na ba ang masungit mong amo? Bakit ni anino niya ay hindi ko makita dito?" tanong ko.
Napakamot si Milo sa kanyang ulo. Luminga-linga rin ito sa paligid. "Nasa loob pa yata ng kwarto niya, Ms. Alvarez. Kanina kasi may kausap pa siyang investor kaya nauna na akong bumaba. You want me to go and check on him?" offer nito.
Umiling naman ako. "No need. Maybe I'll just go by myself and check on him."
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot at tuluyan na akong umakyat ng hagdan patungo sa kinaroroonan ng kwarto ng masungit na iyon. May nakasalubong akong isang katulong. Saglit itong huminto at ngumiti sa akin. Tse! I really hate when people smile. Parang nasisira ang araw ko.
"Magandang araw po, senyorita." bati nito.
Bahagya ko naman siyang sinulyapan. Tiningnan ng maigi. Ang dami niyang kapintasan sa mukha kaya lagot siya ngayon sa akin.
Huminto ako saglit at tinaasan siya ng kilay. "Alam mo, kanina maganda ang araw ko at nang dahil nakita kita kaya hindi na. Pwede bang sabihan mo yang mga tigyawat mo na mag-family planning. Nang hindi naman sila dumami." sabay irap. Ipinagpatuloy ko na ang paghakbang.
"Maldita! Madapa ka sana!" bulong nito.
Akala niya hindi ko narinig ngunit dahil ayokong magsayang ng oras at laway ko kaya pinalampas ko na muna. Bukas na lang ako maniningil. Humanda ka talagang bruha ka!
I already saw Blamore's door room. Itinuro na ito kanina ni Lolo Claude sa akin nang dumating ako dito kanina. Ito raw ang kwarto ng mokong na iyon noong kabataan days pa niya. Iyong wala pa siyang sariling bahay.
Hindi na ako kumatok at kaagad ko ng binuksan. Ayoko kasi magasgasan ang kamao ko. That's why.
Naka-upo ito sa upuan habang nasa harapan ng laptop nito ang mga mata. Busy ang daliri nito sa pagtitipa at seryoso ang mukha. Goodness! Ang busy body niya talaga.
"Can you please knock on the door next time before you enter someone's room?" ani niya. Hindi pa rin niya inaalis ang mata sa harap ng laptop. I ignore it of course. Kailan ba ako nakinig. Duh! I only follow my own rules.
"I knock, okay. Hindi mo lang narinig." pagsisinungaling ko. Humakbang ako palapit sa kanya. "Hinahanap na tayo ng photographer. Are you ready?" tanong ko. Bahagya naman niya akong sinulyapan at binalik rin ang mata sa ginagawa.
"Just give me a couple of minutes and I'm done."
Kumibit balikat ako. "Ok, then I'll just wait for you here." sagot ko. Iginala ang mata sa loob ng kanyang dating silid. The room is quite neat and boring. Walang masyadong dekorasyon maliban sa painting na nakakabit sa bandang uluhan ng kama.
Dumapo ang tingin ko sa malaking estante kung saan nakalagay ang mga libro at mga laruan na sasakyan. Medyo naintriga ako kaya nilapitan ko iyon.
Hanggang sa bumaba ang tingin ko sa isang picture frame na nakataob sa ibabaw ng maliit na mesa. Sumulyap ako sa kanya at tila nasa trabaho pa rin nito ang kanyang attensyon.
Napa-iling na lang ako. "What a work freak!" pabulong kong sabi. Dinampot ang picture frame at tinitigan iyon ng mabuti.
It was a family picture consisting of a parent and the baby. Kalong-kalong ng tatay ang bata habang nakayakap naman ang nanay sa kanyang mag-ama. They look so happy. Nakangiti ang mga ito at tila isa talaga silang masayang pamilya. The man looks familiar to me. Hawig ito ni Blamore kaya marahil ito ang daddy niya noong bata pa ito. His mother is gorgeous too. Artistahin rin ang mukha. Given na rin na cute ang bata since it was Blamore.
"Rule #6!" ani nito mula sa likuran ko. Napasinghap naman ako sa ere dahil sa gulat. Madalim ang anyo nito habang nakatitig sa mga mata ko.
"Ano ba! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" singhal ko.
Tiningnan naman niya ako ng masama. "Don’t touch my personal stuff without my permission. You forgot about that?" dagdag pa nito. Marahas nitong hinablot ang picture frame na hawak-hawak ko.
Humugot ako ng isang malalim na hininga at sinamaan siya ng tingin. "I was just curious. At ano ba sa inaakala mo, nanakawin ko yan? Hmmmp, hindi naman yan gold." Sabay na pinag-krus ko ang aking mga braso. "Shall we? Baka kanina pa naghihintay ang photographer natin." aya ko na.
"You go ahead. Susunod na lang ako." seryoso pa rin ang mukha nito.
"No! Sabay tayo." I insist.
Tinapunan niya ako ng masamang tingin. Duh! As if hindi na ako sanay sa tingin na ganyan. Inirapan ko rin siya at nilabanan ang nakamamatay niyang titig.
Mukhang nakuha naman siya sa tingin at nauna na itong humakbang palabas.
"Wait!" pigil ko. Huminto naman siya na may kunot sa kanyang noo.
"Ano na naman ba?" angil nito.
Hindi ko na siya sinagot. Bagkus hinawakan ko ang kanyang kwelyo at inayos iyon. Natupi kasi ng bahagya.
"Okay! Done!" Ngumiti ako at nauna ng naglakad. Nakasunod naman siya sa akin.
"Finally! Here they are." sigaw ni Cyrel. Nang makita kaming dalawa na pababa. Umirap lang ako habang walang reaksyon naman ang mukha ni Blamore.
"I'm sorry to keep you all waiting." hingi ng despensa ni Blamore. "Should we start now?"
"Yes, sir Blamore. Right away po." malanding sagot ni Cyrel. Kinuha na nito ang camera niya. "Pwesto na po kayong dalawa doon sa sofa." turo nito.
Tumalima naman kami at sabay na naupo.
"S–sir and Ms. Harley? Pwede po ba kayong magdikit naman. Mukha kasi kayong magkagalit eh." utos nito sa amin. "Magtinginan po kayo 'ha."
Sumunod naman kami. Umurong kami pareho at magkadikit na. Nagkatinginan sa isa't isa.
"How about ang ngiti po?" si Cyrel. "And…show me some emotion. Iyong tipong in-love kayo sa isa't isa."
Tiningnan ko ng masama si Cyrel. Ang hirap kasi ng pinapagawa niya.
"Come on lovers!" hikayat nito sa amin. "Give me a perfect picture that shows how you really adore each other."
Tiningnan ko sa mata si Blamore. "Look at me raw. Iyong tipong nagagandahan ka sa akin." utos ko sa kanya.
Bahagya naman itong ngumisi. "Sorry, pero mukhang napakahirap naman iyon na gawin."
Inirapan ko siya. "Whatever!" kibit-balikat ko. "Ako na nga lang mag-aadjust." wika ko.
Hinawakan ko ang kanyang kamay na parang magkaholding hands kami at inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Ngumiti ng napaka-ganda.
"Iyan! Good job, Ms. Harley." sigaw ni Cyrel. "Isa pa pong pose. Dumistansya po kayo ng konti, sir Blamore tapos titigan nyo po si Ms. Harley. Iyong tipong naaliw kayo sa kanya. Tapos, kayo naman Ms. Harley. Mangalumbaba lang po kayo, iyong tipong nagpapa-cute."
Para naman kaming temang na dalawa at sinunod naman namin.
"Umayos ka 'ha!" banta ko sa kanya. Sa mahinang tinig. Iyong kami lang dalawa ang nakakarinig. "Napapagod na ako sa kakangiti rito." maktol ko.
"Bakit ikaw lang ba?" angil din niya. "I am really doing my best. Bakit hindi ka na lang tumahimik at gawin yang pinapagawa ng bakla na yan sa atin at matapos na 'to."
Umirap ako at hinanda na ang ngiti sa aking mga mata. Sumulyap ako sa kanya at nagkatinginan kami ngunit kaagad akong natigilan.
Bigla kasi siyang ngumiti. God! Nanaginip ba ako? He was really smiling. Napa-awang ang labi ko habang titig na titig sa mukha niya. In a sudden, I was out of my mind. It feels like we are in a paradise and butterflies are everywhere.
"Ayan! Good job po." si Cyrel. "Okay, next location sa garden na po tayo."