LEXIE was deliciously sore all over. Aiden was a playful lover. Di gaya noong una siya nitong inangkin, wala nang sakit. Wala na rin ang desperasyon. It was pure fun this time. It was how making love should be. Pero hindi siya nagtanong dito kung ano ang posisyon niya sa buhay nito. Natatakot siya na baka sa huli ay maibulalas niya ang nararamdaman dito. Masaya na siyang manatili sa tabi nito. Na siya ang babaeng kapiling nito. Pero wala si Aiden sa tabi niya. She suddenly felt cold. Nang tingnan niya ang digital bedside clock ay alas sais na ng umaga. Maybe he went out for a morning swim. Hindi man lang siya nito niyaya. Matapos maghilamos at magsepilyo ay lumabas siya ng kuwarto. Bukas ang TV. Natigilan siya nang ipakita sa CNN news ang pananalasa ng bagyo sa Central Luzon kung saan

