KABANATA 82

1207 Words

(Unusual feeling) MATAMAN niyang sinuri ang kabuoan ng bahay nang makapasok sila. Ang dating maliwanag na tahanan ay tila bahagya ng dumilim. Hindi dahil sa hindi ito nalilinisan, kung hindi dahil sa lungkot na agad na mararamdaman sa kahit na sino mang pumasok. “Nakatulog na si Gideon, Arwa,” ani ni Karen. “Saan ba ang dati mong kwarto? Ako na muna ang magbabantay sa kanya.” “Samahan ko na po kayo,” aya ng matandang kasambahay. “Malinis ang silid niya dahil walang araw na hindi ipinalinis ni Sir Domingo iyon. Marahil iniisip niya rin na kahit anong oras ay uuwi ka, Arwa.” Tumango siya. “Sige po, pakisamahan na po muna si Karen doon.” Maingat niyang ibinigay ang anak sa pinsan niya saka sinundan ang matanda. Nakakalat lang sa palibot ng villa ang mga security na kasama nila. “Hello,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD