(A shoulder to cry on) “ARWA, hindi mo kailangang matakot sa akin. If you wanted to tell me something, sabihin mo lang. Alam ko naman na pinsan mo ako. You can rely on me,” ani ni Karen habang sinusundan siya ng tingin. Gabi na ngunit nanatili pa ring nasa suite na tinutuluyan niya ang pinsan. Himalang hindi man lang ito pinuntahan ng asawa. Napatulog na niya si Gideon ngunit hindi pa rin mawala sa kanyang sistema ang takot at kaba na nararamdaman. “Wala naman akong dapat sabihin.” “Nararamdaman kong may bumabagabag sa iyo, Arwa. Please just tell me. Hindi ako mapapalagay ng nakikita kang ganyan.” Ganoon na ba siya ka-obvious at kahi sa harap ng pinsan niya ay hindi na niya maitago ang sariling nararamdaman? Humugot siya ng isang mahabang hininga saka nilingon ang pinsan niyang tila

