10. Homecoming

4249 Words
"Girl, ang creepy talaga nang pagkamatay ni Ronel noh?" "Oo nga, e. Tapos alam mo yung flappy bird niya? Omg, girl! Missing in scene! Napagtripan ata ng killer!" "Di ba criminology student sya? Supposed to be dapat maalam siya sa self defense" "Safety first. You have always to keep that in your mind" "Gwapo pa naman yun!" "Patay na nga, pinagnanasahan niyo pa!" "But here's the big deal, dito pa talaga sa school natin nakita yung bangkay" "Jay, stop that! Wag mo na ngang ipaalala! Naiinis lang ako pag naiisip kong hindi na ko pwede mag-transfer sa ibang school, e!" "What if may serial killer pala dito sa school natin? Ang exciting, right?!" My internal eyes rolls. I know it's exaggerated pero nakakabwisit, e! Ano'ng logic 'yon? Ano'ng nakaka-excite kung may serial killer dito sa school namin? Nag-iisip ba sila? Geez. Ako papatay sa kanila, e! Tinapunan ko ng tingin yung mga nag-uusap at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Umagang-umaga panay ang usapan ng lahat at iisa lang ang topic nila, ang pagkamatay ni Ronel. But seriously, sobrang creepy at nakakapagtaka talaga na sa school grounds namin nakita yung katawan niya. I mean, paanong wala man lang nakakita kung paano napunta doon yung bangkay? Ano'ng nasa isip ng killer at bakit sa mataong lugar niya pa iniwan yun? I'm thinking that the killer liked to be caught. Or else, nagbibigay siya ng threat. But for who? For what? And why? Ipinilig ko ang ulo ko. Ba't ba nag-iisip ako ng kung ano-ano? Dun na lang tayo sa basic. Baka napagtripan lang siya ng kung sinumang adik d'yan sa tabi at trip lang ilagay yung bangkay niya dito sa school grounds. Ganoon. Nang matanaw ko na ang girl's dormitory, sinilip ko ang phone ko saglit. Kanina ko pa tini-text si Bry pero walang kahit isang response kaya napabuntong-hininga ako. Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad hanggang sa marating ko ang dorm room namin ni Shamii. Wala pa ring pasok ngayon pero dahil sa alam kong wala namang inuuwian si Shamii, nag-decide akong bumalik na agad ng school instead na tumunganga mag-isa sa bahay. Ewan ko ba, bigla kong na-miss ang presence ng bruhang 'yon. Isa pa, mas better na dito na lang ako sa dorm kasi may kasama ako. Nakangiti kong binuksan ang pinto pero agad itong nawala nang makita kung sino ang mga nasa loob. "Elle.." Lumapit si Shamii sa'kin at hinawakan ako sa braso. Umupo kami pareho sa kama ko pero hindi pa rin maalis ang tingin ko sa dalawang kutong-lupa. Sina Andrei at Hajjie, nakaupo sa kama ni Shamii at nakangiti habang nakatingin sa amin. "What are they doing here? Hindi ba bawal ang boys dito?" Diretsong tanong ko. Ngumiti ng tipid si Shamii pero bago pa siya makasagot ay sumingit na si Andrei. "Don't worry, sweetheart. Sa shortcut kami dumaan" Nakangiting sabi nito at itinuro ang balkonahe. Ayan na naman siya sa tawag niya sa'kin, e. Sarap niyang batuhin ng unan kaya naman binato ko agad siya ng isa, kaso nasalo niya naman ito. "Chill, Elle. Sinigurado naman namin na walang nakakita sa amin" Segunda naman ni Hajjie. Instead na pansinin sila, binalingan ko ulit si Shamii. "Ba't ba kasi sila nandito?" Tanong ko ulit. Tumingin muna siya sa dalawa at humarap ulit sa'kin. "Umakyat sila dito para pag-usapan ang nangyari noon kay Nathalia. And Andrei said, na matagal na nila kong minamatyagan ni Hajjie dahil akala nila may kinalaman ako sa nangyari" Tuloy-tuloy na sabi nito kaya tiningnan ko agad ng masama si Andrei. "What makes you think na may kinalaman siya doon, huh? Hindi niyo ba alam na may trauma pa 'tong babaeng 'to hanggang ngayon, dahil sinisisi niya sarili niya dahil sa nangyari na 'yon?" Inis na tanong ko. Napayuko si Shamii na nasa tabi ko at nakita ko namang sumeryoso ang mukha ng dalawa. "We're victims too, Elle" Panimula ni Andrei. "Namatay ang girlfriend ko nang araw din na 'yon. Yung araw na namatay si Nathalia" Dagdag nito. "Ganoon din ang kapatid ko. Kasama rin siya sa namatay nang araw na 'yon" Singit naman ni Hajjie. At lalo lang akong nainis dahil sa mga reasons nila. "So what kung biktima rin kayo? I feel sorry for your loss pero hindi lang kayo ang nawalan, okay? That's not a valid reason para paghinalaan niyo yung taong katulad niyong biktima rin" Hinawakan ni Shamii ang balikat ko para pakalmahin ako. Yumuko ang dalawa sa sinabi ko pero agad rin namang nag-angat ng tingin sa'kin si Andrei. "Sorry about that. Hindi namin sinasadya. Nalaman kasi namin na kaya namatay si Nathalia dahil akala ng mga pumatay sa kanya, siya si Shamii. Because of that, nag-conclude kami ni Jie na baka may kinalaman siya doon at set-up niya lang yung nangyari noon kaya minatyagan namin siya. Kaya nga kami nandito para kausapin si Shamii, e. Pasensiya na talaga" Tuloy-tuloy na sabi nito. Medyo kumalma ako dahil sa narinig. Kung tutuusin kasi kung ako ang nasa posisyon nila, for sure ganoon din ang gagawin ko. I feel like a hypocrite right now. "Naintindihan ko" Tipid na sagot ni Shamii at napabuntong-hininga na lamang ako. Tiningnan ko ulit ang dalawa pero this time, wala na ang inis sa mukha ko. For some reasons, bigla akong nakaramdam ng awa para sa kanila. But at the same time, nararamdaman kong hindi lang iyon ang gusto nilang pag-usapan. "Why do I suddenly feel that you want to talk 'bout something else rather than that?" Biglang sabi ko. Nagtatakang tumingin sa'kin si Shamii, samantalang yung dalawa namang lalaki ay parang natahimik lalo. "Actually, tama ka" Tumingin ng diretso sa'kin si Andrei at napalunok ito. "Bago ka lang dito kaya alam kong hindi ka aware sa mga nangyayari dito sa school. May mga nangyayaring kakaiba dito" Agad akong napatingin kay Shamii at makahulugan kaming nagkatinginan. "What do you mean? May alam ba kayo?" "Not really, Elle. Aware kami sa mga nangyayari dito sa campus pero until now malabo pa rin ang lahat" Sagot ni Hajjie. "There's something that happened before, katulad ng case ni Ronel" Dugtong ni Andrei at agad kumabog ang dibdib ko. "A girl's dead body was found inside this school, right?" Singit ko. Nanlaki naman ang mata nila ni Hajjie dahil doon. "I know that because Shamii told me. Alam ko ring after that, sinabi sa lahat na car accident yung cause of death nang babae" Sabi ko pa habang inaalala ang kinuwento sa'kin ni Shamii. "Yes. And we found that very suspicious. Tapos ngayon, naulit na naman 'to. Pero magkaiba, e" Napakunot ang noo ko dahil sa narinig kay Andrei. "Paanong iba?" Tanong ni Shamii. "Parehas silang dito sa campus nakita but the difference is, yung sa babae dati, we assumed that is a foreplay. We saw her body that time at mukha talaga siyang patay. Pero nang pumunta kami ng burol noon, naka-lock yung kabaong niya at walang sinumang nakakita ng laman nun dahil ayaw nila itong ipakita. Hindi ba nakakapagtaka 'yon? Kasi usually, nakabukas naman ang kabaong pag lamay" Dugtong pa ni Andrei at napaisip naman ako. "Wait. What made you think na foreplay lang yung nangyari before? Dahil sa closed casket? Normal lang din naman 'yon kung ang nag-decide eh yung pamilya mismo. It doesn't make sense" Kunot-noo kong tanong pero ngumisi lang si Andrei sa'kin bago sumagot. "I just know. Saka ko na lang sasabihin kung bakit. Let's just focus on Ronel" Kahit na nagtataka nagtanong na lang ulit ako. "What about Ronel? Kilala niyo ba siya?" "Maliban sa tropa siya nila Felochie, wala na kaming alam sa kanya. But here's the thing, we're sure na connected 'to sa nangyari sa babae noon. Bukod kasi sa parehas sila na dito natagpuan yung bangkay, nangyari pa 'to kahapon which is the same date kung kailan namatay yung babae last year." Agad akong kinilabutan dahil sa sinabi ni Hajjie. "L-Last year?" Paniniguro ko at tumango naman sila. Napatingin ako kay Shamii at agad na nagtanong. "So, first death anniversary ng babae na 'yon kahapon?" Tumango rin si Shamii. "Seriously guys, I'm starting to have goosebumps right now" Napailing si Andrei sa reaksyon ko bago muling nagsalita. "We don't know how to explain this, ang hirap mag-conclude pero iisa lang talaga yung naiisip ko. Nararamdaman kong warning lang yung nangyari sa babae noon, para lang lumabas na connected 'to sa nangyari kahapon. At itong nangyari kay Ronel, I think it's the start. I feel like someone threatening the school" "Paano mo naman nasabi?" Hindi mapigilang tanong ulit ni Shamii. "Isipin niyo na lang yung babae before, sa closed area siya natagpuan. But this time, nasa open space ang bangkay kung saan maraming makakakita, right? It's pretty obvious na sinadya 'yon makita ng lahat" Natigilan ako nang banggitin niya ang closed area. Naalala ko yung gabi na binato ni Tim ang kamay ko. "Saang closed area yung sinasabi mong natagpuan yung babae?" Tanong ko kay Andrei. "Sa may likod ng Science building. Ginawa na yung storage room, e" Sagot nito at nagkatinginan agad kami ni Shamii. For sure parehas kami ng iniisip ngayon. "Bakit?" Tanong ni Hajjie pero umiling na lamang ako. Hindi ako sigurado sa sasabihin ko kaya mas mabuting wag na lang akong magsalita. "Anyway, ito yung totoong ipinunta namin dito. Gusto naming malaman kung willing ba kayong tumulong sa amin para maliwanagan sa lahat ng 'to" Diretsong sabi ni Andrei pero bago pa sumagot si Shamii, inunahan ko na ito. "Please don't agree with that. Hindi natin kailangang maging involved sa mga nangyayari dito. We can live here just like the other students na normal na nag-aaral lang" Hindi nakasagot si Shamii pero nakikita ko sa mga mata niya na hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. OhG?! Ano bang gusto niya? Madamay at mapuntirya ng kung sinumang mamamatay-tao dito? "I think Shamii wants to help us" Muli akong napatingin kay Andrei at sinamaan ko agad ito ng tingin. Si Hajjie naman, tahimik na lang na nakaupo habang nakangiti ng tipid. "Look, sapat na samin yung informed at aware kami sa nangyayari dito sa school. Hindi mo na kailangang isama pa kami sa bagay na alam naming ikakapahamak namin. Ayaw naming ma-involve sa kahit anong gulo. You can leave now--" "You're already involved in this, Elle. Pareho kayo ni Shamii" Napahinto ako sa pagsasalita ng marinig iyon kay Andrei. "Wait, what?" Naguguluhang tanong ko. "A-Ano'ng ibig mong sabihin?" Pag-singit ni Shamii. "Malakas ang kutob ko na ang lahat ng 'to ay may kinalaman sa pagkamatay ng girlfriend ko, ng kapatid ni Jie, at ni Nathalia" Seryosong sagot nito kay Shamii bago ako binalingan ng tingin. "At ikaw, narinig ko na ang pangalan mo noon na binanggit ni Angel bago siya namatay" "The hell?! Are you making up stories para lang mapilit na involved ako sa past niyo?!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko't nasigawan ko siya. "I hope so. Pero hindi ako gumagawa ng kwento. Binanggit ka na sa'kin ng girlfriend ko noon. Lagi ka daw kasing nababanggit ng kaibigan niya--na hindi ko naman kilala. So, are you feeling involved now?" Hindi ako makapagsalita. Imposible yung sinasabi niya dahil ngayon lang ako nakarating dito. At isa pa, sabi ni Mom, sobrang bata ko pa nang last time na mag-stay kami dito sa Pilipinas. Imposibleng makilala ko sila that time, wala naman akong kaibigang babae. Pero bakit pakiramdam ko nagsasabi siya ng totoo? Hindi na nila ako hinintay na magsalita pa dahil nagpaalam na sila at bumaba na mula sa balkonahe namin. Natauhan na lamang ako nang lumapit sa'kin si Shamii at hinawakan ako sa braso. "Stop overthinking. We can do this, Elle.." Sabi nito bago ako niyakap. Wala sa loob na napayakap ako pabalik sa kanya. Kahit na sobrang labag sa loob ko na gawin 'to, sinisigaw ng utak ko na kailangan kong malaman kung ano ba talagang nangyayari sa school na ito. I guess I really have to do this s**t. Ayoko sa ganitong pakiramdam na natatakot ako. If it's true that someone is threatening the school, I'll make sure I don't get in trouble. Lalo na ang mga taong nakapaligid sa'kin. -- I'm here now at cafeteria, nakaupo sa usual place namin ni Shamii dahil kasalukuyan akong naghihintay sa kanya. Siya kasi ang bumili ng foods namin. "Ba't ba ko pumapayag na paghintayin lagi ng bruha na 'yon?" Inis na bulong ko sa sarili. Muli kong sinulyapan ang cellphone na hawak ko but still, wala pa ring response si Bry. "Hi" Natigilan ako nang mapansin kong nakatayo si Naomi malapit sa'kin. "Bumalik ka na rin pala agad. Okay lang ba na dito ako umupo?" Hindi ako sumagot sa tanong nito. I just nod and let her sat beside me. Instead of wondering kung bakit siya tumabi sa'kin, naisip kong tanungin na lamang siya about kay Bry. Since hindi nagpaparamdam sa'kin yung mokong na 'yon, baka alam niya kung nasaan ito. Magkausap sila kagabi, e. "Ahm, Naomi?" She smiled as she looked at me. "Bakit?" "Is it possible na may sinabi sayo si Bry kung babalik na ba siya dito sa school or hindi?" Diretso kong tanong. Hindi naman siya nagulat sa pagtatanong ko pero natigilan siya. "Why? Hindi daw ba?" Tanong ko ulit. "Not really. I mean, sabi niya kagabi baka daw hindi siya makabalik ngayon. I didn't asked him why, pero parang may binanggit siya na may pupuntahan daw siya. Sorry, hindi ko masyado narinig, e. Call kasi kami nagkausap last night before we bid goodbyes. Bakit kayo? Hindi ba kayo nagkakausap?" Tuloy-tuloy na sabi niya. Napakunot ang noo ko. Ba't sinabi ni Bry yun sa kanya ng hindi sinasabi sa'kin? Ang unfair ha! "Is there something wrong?" Tanong pa nito at napataas ang kilay ko. Sarcastic akong ngumiti bago sumagot. "Not at all. Medyo nainis lang ako sa tono ng pananalita mo. Parang iniinis mo ako sa fact na nagkausap kayo, while kami hindi. Before you think of something else, I'll make it clear to you, okay? Wala siyang gusto sayo" I straight-forwardly said. Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko but after some minutes, nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan iyon ng poker face. Akala ko sasagot pa siya pero tumayo na ito at walang pasabing lumipat sa ibang table. My sentences stung my mouth. What the hell? Bakit ko sinabi 'yon sa kanya? Minsan talaga ang insensitive ng bibig ko! Awkwardly, I glanced at her place. Nakonsensya ako bigla. Wala naman siyang ginawa kundi maging nice sa'kin pero ginanun ko siya. Nakakainis kasi si Bry, e! Kung hindi dahil sa kanya hindi ako mai-insecure kay Naomi! Yes, nai-insecure ako sa kanya and that's because of Bry. Nagseselos ako. Pakiramdam ko kasi mas binibigyan na siya ng atensyon ni Bry kesa sa'kin. It sucks, indeed. Ang sakit sa ego. Pero parang sumobra naman ata ako para magsalita ng ganoon sa kanya. Gusto ko sanang mag-sorry sa nagawa ko but it's really not my thing kaya natahimik na lang din ako sa pwesto ko. "Ano'ng nangyari?" Napatingin ako kay Shamii na kakarating lang dala ang mga in-order niya. Kinuha ko agad yung sa'kin at nagkunwari na lamang na walang naririnig. "Earth to Elle!" Parinig nito kaya napairap ako. Bored ko siyang tiningnan bago pansinin. "Bakit ba?" "Nakita ko kayo nung girl, nag-usap kayo. What's her name again? Naomi 'di ba? Yung isa sa mga dyosa sa classmates mo?" Sagot nito at agad nagsalubong ang mga kilay ko. "What? No!" "Ano'ng no ka d'yan? Nakita ko kaya. Nagtaray ka na naman siguro kaya umalis bigla sa tabi mo yun, noh?" Natatawang sabi pa nito. Eto talagang babaeng 'to lakas lagi mang-asar, e! "Shut up, Shamii. What I mean is, hindi siya dyosa--and don't you dare disagree with that. Or I'll unfriend you" Banta ko pero tumawa lang ulit siya. Grabe talaga! Sobrang immune na siguro 'to sa ugali ko kaya ang lakas ng loob mambwisit. Magrereklamo pa sana ako sa pagtawa niya pero natigilan ako nang bigla kong makita yung epal. "Omg! Totoo ba 'to? Palapit dito sa'tin si Timothy?" Rinig kong sabi ni Shamii habang pinapanuod kong maglakad si epal palapit sa amin. OhG! Ba't ang gwapo niya?! Wait. Inisip ko bang gwapo siya?! No scratch that! Napailing ako ng makalapit si Tim at umupo sa tabi ko. Tiningnan ko siya ng masama but honestly, natutuwa akong makita na nandito siya. Pero bakit ganoon? At the same time naiinis din ako sa pagmumukha niya? Nababaliw na ata ako. Tipid na ngumiti si Shamii nang ma-realize niyang katabi ko na si Timothy. Kinilig pa ito dahil ngumiti pabalik sa kanya si epal. Instead na pansinin ang kaharutan ng kaibigan ko, tiningnan ko ulit ng masama si Tim pero tiningnan rin ako ng masama nito. "Ano?" Sabi nito na parang iritado pa. Ba't parang siya pa yung galit? "Who says you can sit here, huh?" Sarcastic na tanong ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Aba! "Masama ba makiupo?" Sagot nito. Nagulat na lamang ako nang kinuha niya ang saging na nasa plate ko at sinimulang kainin ito. Hindi ba siya aware na pagkain ko yung kinakain niya?! "You know what? Ang kapal mo! Sige lamutakin mo lahat 'yan, tutal mukha ka namang unggoy!" Bwisit na bwisit na ako pero tinitigan niya lang ako habang nakangiwi. "Ang panget mo talaga" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at automatic ko siyang nasuntok sa braso dahil sa inis. Ang walanghiya! Tinawanan pa ako! "Seriously? Uupo ka sa tabi ko para sabihan lang ako ng panget? Hindi ako pinalaking maganda ng parents ko para lang laitin mo!" Narinig kong tumawa si Shamii dahil sa sinabi ko kaya nailipat ko ang masama kong tingin sa kanya. And like Tim, wala rin itong epekto. Patuloy pa rin itong nagpipigil ng tawa. "Talaga ba?" Pang-aasar pa ni Tim kaya bumalik ulit sa kanya ang masamang tingin ko. Umirap ako at napahawak sa magkabilang beywang ko. "FYI ah? Hindi mo kinagwapo 'yan! Mukha ka kayang malaking ilong na tinubuan ng katawan at mukha!" I hissed. Akala naman niya magpapatalo ako! Babanatan ko pa sana siya ng panlalait pero bigla siyang lumapit sa'kin at bumulong sa tenga ko. "That's the reason why you're always staring at me, right?" Pagkasabi niya nun ay umayos siya ng upo at inosenteng nagsimula ulit kumain. Napaawang nang bahagya ang labi ko. And actually sa isip ko nagwawala na ako. OhG! Anong sinasabi niya? Hindi naman yun totoo! "Ewan ko sayo! Feeling gwapo!" Sabi ko na lamang para matapos na at nagsimula nang kumain. He burst out laughing after I said that line, or baka dahil nagpatalo na ako. Maging si Shamii ay tawa na lang din ng tawa. Pinilit kong mag-focus sa pagkain na nasa harap ko at wag na lamang sila intindihin pero sadyang umiinit na ang katawan ko dahil sa sobrang inis. Hindi na ako nakapagpigil at ibinagsak ko nang malakas ang dalawang kamay ko sa lamesa. Agad nagtinginan ang ibang estudyanteng chismosa sa'kin at maging sina Tim at Shamii ay napatahimik din. "Bakit ba ang taray mo?" Tanong ni Tim sa'kin kaya mas lalo lang akong nairita. I'm giving my death glare right through his freaking face nang biglang kumunot ang noo niya na parang siya pa ang iritado between sa aming dalawa. "Kagabi ka pa kamo nagsusungit. Tumigil ka na nga!" Sabi nito kaya naman sarcastic akong tumawa. Naalala niya siguro yung pagsigaw ko sa kanya kagabi with matching panghahampas pa. "Mr. Nose! Muntik na akong malaglag sa motorbike mo dahil sa bilis ng pagdra-drive mo last night! Sinong hindi maiinis huh?!" Sigaw ko. Buti na lang talaga at muntik lang 'yon! Kung hindi, kakatayin ko talaga siya pag nagkaroon ako ng sugat kahit isa! Agad nagbulungan ang mga tao sa loob ng cafeteria pagkarinig sa sinabi ko. Maging si Naomi na tahimik lamang na nagbabasa kanina ay napatingin din sa direksyon namin. Ilang beses akong napamura ng palihim nang ma-realize ko kung bakit ganoon ang mga reaksyon nila. Shit! Ano na lang iisipin ng mga usi dito? Na magkasama kami ni Timothy kagabi? In just a snap, binatukan ko si Tim at umalis na ako ng cafeteria. Grabe nakakahiya! Na-carried away ako sa pagsagot! "Wait lang!" Rinig kong sigaw ni Tim at sinundan pa talaga ako. Hindi ba talaga siya titigil?! Mapagkakamalan kaming mag-jowa sa ginagawa niya, e! Imbes na pansinin, mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Napahinto lamang ako nang bigla siyang umakbay sa'kin. Syete! Naabutan ako ng ilong bwisit. "Wag mo nga kong akbayan!" Inis kong tinanggal ang kamay nito sa balikat ko. "Yung totoo? May regla ka ba?" Diretsong tanong nito na para bang natural lang iyon itanong. What the f*ck? Seryoso ba siya sa question niya?! "Kailan ka pa naging interested sa menstrual cycle ko? Yuck huh!" I rolled my eyes at him. Namula bigla ang pisngi ko at tumawa naman ang gago habang tinatapik pa ang balikat ko. "Dont worry. Ibibili kita ng isang pack ng sandwich mamaya" Kumindat siya sa'kin at agad ko naman siyang hinampas. Akala ko mababadtrip na siya sa pagiging brutal ko, pero imbes na magalit sa'kin ay tumawa lang siya ng tumawa. Abnormal talaga ang lalaking 'to! Gusto ko siyang ingudngod sa semento at sigawan na wala akong regla pero hell! Never kong gagawin yun, noh! "Laki ng ilong mo, letche!" Inis na sabi ko na lamang. "Sus! Napikon ka lang eh" Tiningnan ko ito ng masama. "Ang kapal kasi ng mukha mo. Tapos ano yung scene kanina sa cafeteria huh? You did that on purpose, right? Nakakahiya! I just answered you and practically said that I'm with you last night!" "Haha! Wala akong kasalanan do'n huh!" Imbes na sumagot ay inirapan ko na lamang ito at mas binilisan pa ang paglalakad. Ang kaso, sunod pa rin ng sunod ang epal. "Tim, ano ba? Get lost!" "Ang sarap mo talagang asarin panget" Tawa nito. "Pwede tigilan mo kakatawag sa'kin ng panget? When it's pretty obvious na ikaw naman yung panget sa ating dalawa? Just go and talk to yourself instead" Asar na sabi ko, but again, tinawanan niya lang ko. Magre-react pa sana ako sa kanya pero natigilan ako nang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko. OhG! Baka si Bry na 'to! Dali-dali kong kinuha ang cellphone pero agad napakunot ang noo ko ng bumungad sa akin ang isang text message. Unknown number? Sino naman 'to? "Oh, ba't natahimik ka?" Napalingon ulit ako kay Tim. "Alam mo ba kung nasaan si Bry?" Diretsong tanong ko. Naghintay ako sa isasagot niya pero wala siyang masabi. "Sinabi mo ba kay Bry na hinatid mo ako sa bahay kagabi?" Tanong ko pa ulit at bigla siyang natawa. "Oo. Parang tanga nga, e! Sabi idiretso daw kita sa inyo. Akala niya siguro dadalhin kita sa hotel" Bigla akong natigilan sa sinabi niya. Dahil ba sa concern si Bry? Or sa idea na dadalhin niya ako sa--AY! s**t! Ano ba 'tong pinag-iisip ko! "Asshole. Nasaan ba si Shamii? Ba't mo iniwan yun? Go back there!" Sabi ko na lang saka ko siya inirapan. Hindi na talaga nakakatuwa yung ganitong epekto sa'kin ni Tim. Hays! "Nagpaalam ako ng maayos. Sabi naman niya babalik na raw siya sa dorm, e" Sagot nito. Nakonsensiya tuloy ako, bigla ko na lang iniwan si Shamii doon. Hindi na ako nagsalita pa at tinuon na lamang ang tingin sa dinadaanan namin nang biglang humarang sa harapan ko si Tim. "May problema ba?" Tanong nito pero umiwas lang ulit ako ng tingin dahil hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Nilagpasan ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad kaya naman sumunod ulit siya sa'kin. "Hoy, ano nga?" Pangungulit nito kaya napabuntong hininga ako bago magsalita. "May alam ka ba about dun sa Ronel? You know, the guy..." Alanganing sabi ko. Hindi ko malaman kung bakit out of nowhere kong itinanong iyon. It's really creeping me out but I can't help myself to think about it. At lalo lamang iyon lumala dahil sa mga narinig ko kina Andrei kanina. "Wala masyado. Ang alam ko lang, tropa siya nila Felochie. Then, tatlong araw siyang nawala bago nakita ang bangkay niya dito sa school natin" Diretsong sagot nito at tiningnan ako nang nagtataka. "Curious ka, noh?" Tumango ako. "A little bit. But anyway, mas nag-aalala ako kay Bry. Ba't kaya wala yun? Hindi man lang nagsasabi!" Pag-iiba ko ng topic namin. "Bakit? First time bang wala siyang kahit anong response sayo?" "Actually, ang normal kasi sa kanya is yung mangulit sa'kin. But now, he doesn't" Sagot ko at biglang kumurba ang isang ngiti sa mga labi ni Tim. "Okay lang 'yan, nasanay ka lang na clingy siya. Naninibago ka lang" Then suddenly he wrapped his arms around my shoulders again. Nagulat ako pero hindi ko siya pinigilan. "Don't worry. For sure, okay lang yung alien na 'yon. Hatid na kita sa dorm niyo" Sabi pa niya. Wala sa sariling napatingin ako sa kabilang side ng balikat ko. Nakaakbay siya sa'kin pero hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng kahit kaunting ilang. It's like I'm comfortable with him as I'm comfortable with Bry. Ewan ko ba. Natahimik na lang ako. Siguro nga nago-overthink lang ako. Siguro nga okay lang talaga si Bry at masyado lang akong demanding sa response niya. We're almost in the girl's dorm when suddenly I felt my phone vibrate once again. I glanced at it's screen and saw that I got a new message. Nag-text na naman yung unknown number. Napataas ang kilay ko ng basahin ko ito. 'Welcome back, sister'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD