“I don’t believe that you really have a relationship with that girl, Trent! You were just using her so I won’t push you to marry Charmaine!” galit ni Cassandra. Tiim-bagang namang umiling si Trent sa kaniyang ina. “No, mom. That’s not true! I love Gwyn. At kung kinakailangang pakasalan ko siya para maniwala ka, then I will.” Pagak na tumawa ang kaniyang ina at nakahalukipkip na naglakad sa harapan niya. Nasa loob sila ng opisina nito sa mansion at doon nagpasyang mag-usap para walang makarinig sa kanila. Ayaw kasi niyang maapektuhan sina Thraia at Tyrone sa away nilang mag-ina. “Ikaw, magpapakasal? Oh, cut that crap, Trent. Kilala kita. Kung si Charmaine nga na matagal mo nang kilala at matagal mo nang nakakasama, hindi mo kayang pakasalan. Iyong babae pa kayang kailan mo lang nakilala

