One week before the wedding, Moondance kept insisting that there must be a Bachelorette party for Gwyn. Pero siya naman iyong tanggi nang tanggi. Ayaw kasi niya na magkaroon pa ng selosan sa kanilang mag-asawa bago ang church wedding nila. Isa pa, hindi na sila mga dalaga’t binata. “Alam mo, Dance, bumawi ka na lang sa kasal mo. Ako pa ang mag-o-organize para sa ‘yo. Hindi ‘yong ako ang pinipilit mo, e, alam mo namang seloso si Trent.” Kapansin-pansin naman ang pamumula ng mukha ni Moondance. “Sige na nga. Kung ayaw mo, ‘wag na lang natin pag-usapan, pwede? ‘Wag mo ‘kong dinadamay sa kasal-kasal na ‘yan. Mas bata pa ako sa ‘yo.” Tumawa si Moondance. Nagpasya na lang siya na imbitahan sa isang dinner ang mga kaibigan niyang babae mula sa Domino Centro at sa showbiz. Mahaba ang nagin

