Gwyn will be competing in the DC Sports Car Racing Championship. Kapag nanalo siya roon, magkakaroon siya ng opportunity na magkaroon ng free training para magkaroon ng chance na lumaban sa iba’t ibang International Car Racing Competition. Bukod pa roon ang mga offer na mag-endorse ng iba’t ibang car brand. Pinagpapawisan ang kamay ni Gwyn nang isuot ang kaniyang gloves. Ilang beses silang huminga nang malalim habang nasa harap ng salamin. “Kaya mo ‘to, Gwyn.” “You ready?” Pumulupot ang braso ni Trent sa baywang niya. “Uh-uh. I’m confident. Mahusay ‘ata ‘yong coach ko.” She chuckled. Napangisi naman si Trent at mabilis na umiwas ng tingin nang tingnan niya ang repleksyon nito sa salamin. “Always remember na kahit manalo ka o matalo ka, nakasuporta pa rin lagi sa ‘yo ang Aces. Ala

