Matapos ang ilang oras na kuwentuhan kasama ang mga dating kasamahan sa race, nagpaalam na silang dalawa ni Trent. "Ang possessive din masyado nitong si Trent. Gusto na agad iuwi ang girlfriend!" biro ni Danrick. Naiiling namang tumawa si Trent at itinaas ang gitnang daliri sa kaibigan. "Let's go?" He smiled at her. Marahan naman siyang tumango. Hindi naman siya uminomn nang marami dahil sesermunan na naman siya ng mommy niya. Ipinulupot ni Trent ang braso sa baywang niya habang naglalakad sila papalabas ng club. Damang dama niya ang init ng kamay nitong tumatagos sa manipis niyang damit. Paminsan-minsan iyong bumababa sa kaniyang balakang tuwing nakikipagsiksikan sila sa paglabas. "Did you really have to hold me that way? You're not my boyfriend," prangka niyang sabi sa binata na

