“We have to plan for our wedding. It’s better be civil para limited lang ang invited. Mom needs to be there, “ ani Trent habang nakaupo silang dalawa sa sofa. Mas lalong tumitindi ang pagdududa ni Cassandra sa relasyon nilang dalawa ni Trent kaya kailangan na nilang magpakasal sa lalong madaling panahon. “Yeah, I agree with that. Ikaw na ang bahala kung sino ang i-invite mo from your family. Ako, isasama ko sina Mommy at Zedd lang. And of course, Moondance and Fae.” Tumango-tango naman si Trent. “Ako na rin ang bahala sa mga ninong at ninang.” Hindi naman naging mahirap para sa kanilang dalawa ang mga prosesong kailangan nilang pagdaanan bago ang kasal. Lahat din ng requirements ay madali nilang naibigay. “I want you there in my wedding, although I know how you hate my future wife.

