“Gwyn, I’m really sorry. Matagal ko nang alam pero hindi ko rin sinabi sa ‘yo,” sinserong sabi ni Danrick na bumisita sa kanila nang umagang iyon. Tulog pa silang lahat pero naroon na ito at naghihintay. Humalukipkip siya sa harap ng kaibigan. “Ano pa bang hindi n’yo sinasabi sa ‘kin? Baka naman may sinisikreto pa kayong dalawa?” She raised her brows at him. Mabilis namang umiling si Danrick na parang basang sisiw sa harapan niya. “Wala! Wala na. Grabe naman, ‘tol. Para namang ‘di tayo magkaibihan n’yan. Alam mo naman ‘yong dahilan kung bakit namin ginawa ‘yon, ‘di ba? Nailigtas ka namin sa mga baliw mong ex-friends.” Inirapan niya ito. “Sige. Patatawarin kita kung matatalo mo ko sa race.” Nanlaki ang mga mata nito at nalaglag ang panga sa sinabi niya. “W-What? Are you serious abo

