(AUBREY'S POV) Ilang linggo pa ang mabilis lumipas hanggang sa dumating na ang araw ng panganganak ko. Hapon iyon nang makaramdam ako ng halos walang tigil na pananakit at paninigas ng tiyan ko. Kaagad akong isinugod nina Manang Celia sa hospital at kaagad namang sumunod doon si Brendon. Ilang oras akong nag-labor pero salamat sa Diyos dahil nagawa ko namang ipanganak via normal delivery ang anak namin ni Brendon. Napaka-guwapo ng anak namin at namumula-mula pa. Ang tangos ng ilong at may kanipisan ang lips niya, na namana niya yata sa Daddy niya. Karamihan sa facial features niya ay halatang namana niya sa Ama niya at halos wala sa akin. Kaya kahit sino'ng makakita ay hindi maipagkakamali kung sino ang Ama. "Brent John Alcosta. That will be his name." nakangiti at proud na proud na t

