(AUBREY'S POV) Dalawang araw akong nilagnat at dalawang araw ko ring hindi naramdaman si Brendon. Sinabi niya noon kay Manang Celia na uuwi siya, pero hindi ko siya naramdaman noong gabing iyon hanggang sa sumunod pang araw. Sa pang-apat na araw, bale pang-limang araw na ng kasal namin ni Brendon ay tuluyan na akong gumaling. Pati ang pananakit ng tahong at butas ng puwet ko ay nawala na rin nang tuluyan. Kaya naman maaga akong gumising at nag-agahan. "Nandiyan na si Sir!" biglang pasigaw na turan ni Manang Saling, pangalawa sa pinakamatandang kasambahay ni Brendon. Kaagad namang nagsitayo ng maayos ang mga kasambahay at nagsiyukuan habang ako naman ay natigilan sa paghakbang mula sa dining area. Natanaw ko nga rin agad si Brendon na kakapasok lang sa kabahayan at bahagya pa siyang

