(BRENDON'S POV) Nang magising ako ay nakahiga ako sa isang kama at nasa loob ng isang marangyang kuwarto. Agad ding nagsilapitan sa akin ang mga bodyguards ko sa pangunguna ni Dante. Napaupo ako sa kama sabay sapo sa ulo ko dahil kumikibot-kibot ito na parang minamartilyo. "What happened? Nasaan ako?" Tanong ko sa kanila habang tinitiis ang pananakit ng ulo ko at nakapikit ng mariin na nakayuko. Ilang segundong wala akong narinig na sagot mula sa mga tauhan ko kaya tumingala na ako sa kanila. Lahat sila ay nakayuko at magkasalikop ang mga kamay sa harap nila. "What? Hindi ba kayo magsasalita?" nauubusan ng pasensiya kong asik sa kanila. My head is already aching and yet they're giving me more headaches by not answering me! "Eh, boss... Nandito pa rin po kayo sa loob ng bar... Nagp

