Halos mabuwal ako nang bitiwan ako no'ng lalaking may hawak sa'kin. Parang lalabas iyong puso ko sa lakas ng kabog. Wala akong ibang nagawa kundi pagmasdan ang papalayo nilang bulto habang karga-karga no'ng isa ang walang malay na si Jella. Gusto ko mang humingi ng tulong ay nag-alaka naman akong baka may ibang madamay dahil sa tingin ko ay hindi magdadalawang-isip ang mga ito na gamitin ang mga baril na dala nila oras na may pumigil sa kanila. Hintakutang napasigaw ako nang may biglang yumapos sa'kin mula sa likod. Nalunod lang nang malakas na tugtog ang sigaw ko at ikinapasalamat ko lang din iyon dahil nalingunan kong si Felan ang taong nasa likuran ko. Maluha-luha akong yumakap nang mahigpit sa kanya. Para akong batang inapi na nakakita ng kakampi. Felan is here, everything

