Akala ko ay maaaliw ako habang napapaligiran ng mga party people. Di ko alam na darating pala ang araw na maging nakakabagot tumambay sa gitna ng maingay na bar. Parang ang boring at mas gusto ko pang umuwi at magmukmok sa bahay. Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit gusto kong puntahan si Felan. Namimiss ko ba ang gagong iyon? Naiinis kong inihilamos ang kamay sa mukha ko bago muling tumunghay sa mga nagkakasayahan sa dance floor. Natatanaw ko mula sa kinauupuan ko si Mitch at iyong ibang mga modelong kasama naming nagpunta dito. Nakakainggit, parang ang saya-saya nila. Habang pinapanood ko ang pagpalit-palit ng kulay ng mga ilaw ay di ko mapigilang muling naalala ang isang partikular na pangyayari noong 17 years old pa lang si Felan at 22 years old naman ako. Wala sa sarili akong n

