Sunday ngayon at kahit wala akong class ay kailangan ko paring umalis para magtrabaho. Nagpapart time job ako sa isang simpleng cafe sa di kalayuan samin
Pero kahit na malapit lapit lang ay kailangan ko paring sumakay para makarating, nag aantay ako sa palagi kong pinag aantayan na may humintong kotse sa harapan ko aalis sana ako don sa kinakatayuan ko para lumipat ng pwesto kase walang hihintong tricycle sa harapan ko kung may harang. Makaisang hakbang pa lang ay bumukas yung bintana ng kotse At niluwa ang taong ayaw kong makita ngayon.
"Hope in."
ang kaliwa nyang kamay ay nakahawak sa bintana gamit ang siko samantalang ang kanan naman ay nasa manobela sa ayos nya ay muka syang artista, artistang may saltik! Naka suot din sya ng sunglasses. Pero bakas parin sa muka nya ang pagkaseryoso
"Hinde na, Ayoko!"Pagmamatigas ko saka umabante para umalis
"Don't make me reapet what I said woman."
"Hinde nga ako sasakay, at saka ano bang ginagawa mo dito?"Hinde ko lang alam pero pormal naman sya ngayon naiinis lang talaga ako sa kanya.
Hinawakan nya ang sunglasses nya at binaba ng kunti hanggang ilong lang, pilya naman syang ngumiti na kinataka ko.
"I assume You already know the answer to that question."
Kumunot ang noo ko at naalala yung sinabe nya nong nakaraang araw, namula ako at daretso syang iniripan.
"I mean may kailangan kapa ba huh? Wala kabang mga gagawin? Magtatrabaho ako ngayon at gusto ko walang istorbo."
Kalmado kong sabe
"Well! Glad you ask, I have something to do."
Ngumiti naman ako ng peke sa kanya."Kung ganon pwede kanang umalis ."Tinarayan ko sya pagkatapos
"Yeah! lets go."
Naguguluhan nako sa kanya gusto ko syang sapakin pero baka masira yung gwapo nyang mukha kaya lowkey lang tayo sa ngayon. bumuntong hiningan ako at pilit syang nginitian. Nakakainis tong lalaking to
"Mauna kana kase may gagawin kapa diba, maghihintay nalang ako ng ma-"
Diko natapos ang sasabihin ko ng pinutol nya ang dapat kong sabihin.
"Ill go wherever you will go."
Natulala ako sa sinabe nya kanta yun diba? bigla naman akong may naramdaman na kakaiba na diko maipaliwanag.
"So shut up and hope in your wasting my time."Sa sinabe nya ay umusok ang tenga ko.
"Diko naman kasalanan na nagsasayang ka ng oras eh dinaman kita kailangn pwede kana ngang umalis sa paningin ko."Nakakainis tong lalaking to
"Can I do some crime here?"Tinaasan nya ako ng kilay napatingin ako sa paligid at walang katao tao na realize ko na killer nga pala tong pinag mamalditahan ko.
Nagdadalawang isip man ay sumakay nalang ako para dina humaba pa ang usapan.
mga ilang minuto kami nakarating sa pagtatrabahuhan ko, naging ok naman ang byahe papunta dito kase tahimik lang sya at di nagsusuplado kung magsasalita.
lumabas ako ng kotse"Salamat."
"Ill be right back." Saad nya ng di ako tinitingnan saka nya pinaharurot ang kotse.
Ill be right back daw? Diko naman sya kailangan dito saka anong gagawin nya habang nagtatrabaho ako maboboard lang sya dito. umiling iling nalang ako saka pumasok nasa pinagtatrabahuan.
Bumungad naman sakin ang mga katrabaho ko halos babae silang lahat at ang mga lalaki naman ay nasa tatlo lang sumablay pa yung isa.
"Ganda ah! Halatang may nag aalaga."Pabirong sabe ni sheila isa sa mga ka close ko sa trabaho.
"Hay naku wagmoko mabolabola jan ah alam kong may kailangan ka."tumawa nalang sya sa sinabe ko
"Eh kase naman nevy palit tayo ng pwesto ako magseserve tas ikaw dito sa counter, pag ikaw kase dito sobrang daming pipila para naman trumaffic uli parang edsa."Inirapan ko sya at dinanakipagtalo kaya ngayon ay ako ang nasa counter.
Mayamaya pa ay may mga costumer na napumipila para magorder hangang sa diko namalayang dumami ng dumami sila at pansin kong puro lahat sila ay lalaki may mga dala pang rosas yung iba.
"Hi miss nevy Im your regular customers here."Saka nya binigay ang isang roses."Pa order ako ng pagmamahal mo este coffee with vanilla."Nginitian kolang sya saka tinanggap ang rosas at saka inasikaso yung order nya.
Ng matapos kung mailista ang lahat ng mga order nila ay nagbreak muna ako halos wala nakong bakanteng mahawakan sa kamay ko dahil sa kumpol na mga roses na dala ko na naging boquet na.
Naghahanap ako ng malagyan ng mga rosas para maitapon ko tong mga basura ng may biglang lumapit sakin na lalaki.
"I can help you with that, give me the rose."Walang pag aalinlangan ay binigay ko sa kanya saka sinimulang itapon yung mga basura ng matapos ay naghugas muna ako saka nilingon ang lalaki para pasalamatan.
"Salamat ah!"matamis ko syang nginitian saka tinanggap ang mga bulaklak ng binigay nya.
"No prob, Im kiven by the way, Im one of your admirers."Nagulat ako dahil sa daretso nyang pagkakasabe walang kaba ah nginitian ko nalang sya.
napatingin naman ako sa kamay nya na may hawak na bulaklak.
nilahad nya ito sakin pero diko matanggap dahil sa mga bulaklak na nasa kamay ko.
"Para sayo sana."Nahihiya nyang sabe " Pasensya na ito lang sa ngayon ang maibibigay ko."
"Cge lagay muna sa tenga ko."
Halatang dinya inaasahan ang sasabihin ko pero kalaunan ay ngumiti rin at inayos ang gumamela sa tenga ko.
Masaya naman na umalis yung lalaki ako naman ay pumasok na sa loob Ng biglang huminto dahil sa lalaking biglang sumulpot saharapan ko at tinitigan akong maigi.
"May hinahanap po ba kayo manong or dikaya ay-"Diko na tinapos ang sasabihin ko dahil bigla bigla nalang syang umalis.
Weird!
patapos narin ang trabaho ko madali lang natapos kase medyo marami rami kami ngayon palabas nako ng biglang mapahinto ng makita si laz na nakasandal sa kotse nya kumunot ang noo nya habang ang tingin ay nasa mga bulaklak na nasa kamay ko.
"Where did you buy that? its so ugly tsk."
Inirapan ko sya at saka taas noo akong tiningnan sya magkaharap kami ngayon umayos sya ng tayo kaya nakita ko na matangkad sya at hangang balikat nya lang ako.
"Paanong bibilhin eh cafe yung pinagtatrabahuan ko hinde hardin."Tinaasan ko sya ng kilay."Di malamang bigay to sakin."
"Buhay ka pa naman para bigyan ng mga bulaklak."
"Luh! Eh bakit patay lang ba ang binibigyan ng bulaklak."Tinarayan ko sya
Parang tanga!
"Give me that."kinunotan ko sya ng noo ng nilahad nya ang kamay nya.
"Ayoko nga bigay to sakin eh bumili kanalang."nilayo ko sa kanya ang mga bulaklak dahil pilit nya itong inaabot para kunin.
"I Hate it when I repeated What I say."
"edi wag mo ulitin, sira ka pala eh Hmp!"Nilayo ko pa ang bulaklak.
"ISA!"May pagbabanta nyang sabe
"Edi Dalawa!"Pang aasar ko tumigil sya sa kakaabot ng bulaklak.
"You should not take a flower to a random, just give me that, I will buy you the most beautiful flowers."Kalma nyang saad.
"Eh sa ayoko nga."Pinandilatan ko sya ng mata unti unti syang lumapit na syang kinaatras ko nagulat ako ng bigla nya akong hinawakan sa beywang , para akong na semento sa ginawa nya. napalunok ako ng yomuko sya ng kunti malapit sa tenga ko.
Ano bang ginagawa ng lalaking to?
"You should not accept some flower, especially when you have fiancee."amoy na amoy ko ang pabango nya napapikit ako ng hinawi nya ang buhok ko.
"Im your fiancee, And you should listen to me, Understood!"diko alam kung tatango bako o iiling, ano ba tong ginagawa nang lalaking to sakin. diko namalayan na nakuha nya na ang mga bulaklak umayos sya ng tayo.
"Now! Lets go."
para akong batang Sumunod sa utos nya, nakita ko naman ang pilyang mga ngiti nya
Tanginamers!