Nagdaan ang mga araw Yung gabing yun ang huling pagkikita namin dahil busy ako sa nalalapit na exam namin at ganun din siguro sya sa ibang bagay si nico namn ay paminsan minsan kunalang din na nakikita nakahinga naman ako ng maluwag ngayon kase bukod sa sabado ay holiday rin kaya umagang umaga ay natutulog pako inaantok pako ng kinakatok ng ina ko ang pinto ko ng di ako sumagot ay pumasok nalng ito na natataranta.
"Nevy!! Hoy nevy gising!"Inalog alog nya ako
"Ano ba ma! inaantok pako holiday ngayon kaya pagbigyan muna ako."Nagtabon ako ng kumot pero hinila nya ito.
"Ano ba! Gumising ka may naghahanap na pogi sayo sa labas!"Saad nya na binaliwala kulang, baka kase si nico.
"Baka kaibigan ko lang yun ma."Inaantok kong sabe
"Hinde eh hinde, sabe nya boyfriend mo daw."saad nya na kinurot pa Ko napa aray naman ako sa sakit."Ikaw bata ka dimo sinasabe sakin na may boyfriend kana."Napakamot naman ako sa ulo ko at pikit matang bumangon Para pagsabihan ang ina ko.
"Ma baka inaantok pa kayo wala akong boyfriend saka ang hanep ng panaginip nyo gwapo huh! wala pong ganon."Saka ako bumagsak sa kama at natulog ulo, ays minsan nanga lang mag holiday napatayo naman agad ako ng marinig ang dragon na boses ng ina ko.
"Ano ba NEVY LENA, pag ikaw di bumangon tatadyakan kita!"Sigaw nya napabalikwas naman ako ng bangon umupo ako sa kama at nagkamot ng ulo.
Lumabas naman sya sumunod din ako Ng makababa ay agad kong pinagsisihan ang hinde pag intindi sa sinabe ng mama ko Tumayo si laz ng makita kami daretsu naman agad ang tingin nya sakin napakurap kurap ako di makapaniwalang nandito sya napalunok ako ng titigan nya ako mula ulo hanggang paa.
Doon kulang na realize na para akong bruha na kakalabas lang ng mental sa sobrang hiya ko ay dali dali akong umakyat sa kwarto ko at tiningnan ang mukha sa salamin. Jusko sobrang gulo ng buhok ko ang tamlay ng mata ko dahil galing sa pagkakatulog tapos naka damit pantulog pa ako.
Napapikit ako ng maalala ang tingin nya saakin, putek nakakahiya, Dali dali ko naman na inayos ang mukha ko pero nakapajama parin ako inosente akong naglakad pababa, kainis sana nag text sya na pupunta sya para nakapaghanda ako.
Nakita ko naman agad sya na ini entertain ni mama namula ako ng tumingin agad sya sakin umupo naman ako sa tabi nya at Napuna ko kaagad ang bago nyang haircut naka undercut sya na mas bumagay sa mukha nya t*ngina bakit mas lumala ang gwapo nya naharap naman si mama sa kanya na parang tanga na ngumingisi.
"Good morning babe!"Napalunok ako ng sinabe ni laz yun lumapit pa talaga sya sa tenga ko" Ganda mo kanina ah."nakanguso kong tiningnan si laz na nakangisi na parang ng aasar tinaasan ko sy ng kilay pero mahina lang syang tumawa Sigurado ako na aasarin at pagtatawanan ako nito kainis naman tong lalaking to bakit kase sya pumunta dito kilig na kilig naman ang ina ko na tinitingnan kaming dalwa.
"Pasensya kana at di ako nakapaghanda hinde kase nagsabe itong si nevy na may pogi pala syang boyfriend."Ngiting aso ng ina ko."Pero hayaan mo at lalabas muna ako para bumili ng makakain natin."Tinapik ako ng ina ko."Ikaw naman asikasuhin mo tong bisita mo."Sabe nya na hanggang paglabas ay abot langit ang ngiti Ng wala na ang mama ko ay mabilis akong umalis sa tabi nya.
Tinignan ko naman sya na ngayon ay serioso na ang mukha." Anong ginagawa mo dito?"Tanong ko pero taas kilay nya lang akong tiningnan.
"I am here to take you."Napanganga naman ako sa sinabe nya nagtataka rin.
"I assume you already know the answer if I say someone is investigating us."Seriosong sabe nya nang makita ang pagtataka ko napaisip naman ako at agad pumasok sa isip ko ang ibig nyang sabihin pero may kunti akong di naintindihan.
"Sasama ako sayo?"Tinitigan nya ako.
"Hinde lang sa sasama ka sakin, You need to live with me for a while."
Napanganga ako sa sinabe nya umiling iling naman ako.
"Hinde, hinde pwede, hinde ko maiiwan ang mama ko dito saka mangangako ako hinde ako magsusumbong."pagpumilit ko pa pero simple lang syang umiling.
"Thats the purpose why I am here, also you have no choice."Saad nya nag aalala ako dahil ayw kong iwan ang mama ko dito lalo na at mag isa lang sya saka pwede naman siguro na hinde na lang bakit kailangan pa na manirahan kasama nya hinde naman kase ako magsusumbong eh.
"Pero kase-"Aangal pa sana ako ng pinutol nya ito gamit ang ma authoridad nyang boses.
"No buts."
Hinde nalang ako nakipagtalo.
"I will ask permission to your parents, but unfortunately i just saw your mother."mariin nya akong tiningnan."Where is your father?"
Bumuntong hininga ako.
"Wala akong ama."Tinagilid nya ang ulo nya para tingnan akong mabuti
"Pano ka naman nabuo kung wala kang ama?"Pilosong sabe nya Na umawang pa talaga ang labi nya inirapan ko nalang sya, bata palang ako ng mamatay ang ama ko hinde ko nga sya nakita o maramdamn man lang ang pagmamahal ng isang ama kwenekwentuhan lang ako ng ina ko tungkol sa kanya.
bumalik kami sa pagkakaupo nang dumating ang ina ko na may dala dalang pagkain alam kong inutang nya to wala kaya kaming pera.
"Pasensya na at natagalan ako."Sambit ng mama ko habang inaayos ang pagkain.
Para naman akong nakuryente ng biglang yumuko si laz at may ibinulong sa tenga ko.
"I forget to bring foods, I was in hurry, but dont worry I have something for you."Napalunok ako hinde ko alam nakikiliti ako sa bawat paglapit nya sakin kaya sa bawat pag salita nya ay wala akong masyadong naiintindahan.
Bakit ba kase sya bulong ng bulong?
mga ilang sandali bago natapos ang pagkain sinabe ni laz saakin na sya lang daw ang kakausap sa mama ko pero diko alam ang sinabe nya at mabilis nyang napapayag ang mama ko kaya wala akong magawa kong di ang mag impake tinutulungan naman ako ng ina ko si laz ay nasa labas lang nag aantay.
"Ma naman walang magbabantay dito sayo."Saad ko baka kase magbago Pa ang isip nya.
"Ano kaba matanda na ako kaya ko ang sarili ko."Tiningnan nya ako."saka e enjoy mo ang pagkadalaga mo pero wag na wag mong pabayaan ang pag aaral mo, saka nakikita ko na mabait yang si laz."Umirap ako mabait? alam kong pogi sya pero hinde sya mabait may mabait bang pumapatay?
"Ngayon kalang nagka boyfriend."saad pa ng mama ko cge ma ipamukha mo sakin yan, pero kase wla naman akong boyfriend."Kaya sulitin mo pero wag ka munang magbibitbit ng bata huh."Saad nya na kinaawang ng labi ko ano bayan bata agad.... iniisip ko pa lang na gagawin namin yun ni laz ay tumatayo ang balahibo ko, naku hinde hinde mangyayari yun.
"Mama naman hinde naman kase ako maninirahan sa bahay ni laz habang buhay eh."Nagkamot ako sa ulo ko binigat nya na sakin ang bag na may laman ng mga gamit ko.
"cge na wag muna pag antayin yung gwapo mong boyfriend."Tinulak tulak nya pa ako palabas pero nag alala ko lang syang tiningnan.
"Ano kaba nevy wag mokong alalahanin, saka nandyan naman ang uncle mo don nalang muna siguro ako cge na nag aantay na si laz don sa baba."Saad nya wala akong magawa kundi ang sundin sya lumabas ako ng bahay dala dala ang bag nakita ko naman sya na nakasandal sa isang motor.
ngumuso ako ng titigan nya ako.
"Stop pouting you look like a pupper fish."Parang may usok na lumabas sa tenga ko ng sabihin nya yun.
"anong sabe mo!!!"Narinig ko naman ang sinabe nya naiinis lang talaga ako pero napahinto ako ng makita ang ngisi nya, para akong hinahaplos.
"You do...., really like to repeated everyword I say."Namamangha ko syang tiningnan binasa nya ang labi nya gamit ang dila tapos ay ngumiti.
"Want me to repeated it?"Nang aasar na sabe nya inirapan ko sya pero tumawa lang ang gago.
"Tara nanga."Nakabusangot na mukha kong sabe naasar nya ko don ah. tumalikod sya sakin inambahan ko syang susuntukin pero mabilis kong binaba ang kamay at peke syang nginitian ng humarap sya sakin.
Umawag lang ang labi nya at may ina bot saakin Napanganga ako at kina limutan yung sinabe nya kanina ng makita ko ang kumpol na libro na nakabalot parin kasama dun ay isang red heart shaped binigay nya sakin tinanggpa ko naman.
"I forget to bring that inside."Sabe nya at naalala ko naman yung sinabe nya na"I have something for you."
Masaya ako dahil may bago na naman akong book collection ni OD saka may chocolate pa mabilis rin kaming nakarating sa mansion dahil katabi lang naman ng baranggay namin kagaya ng dati ay sumalubong ang apat at katulad ng dati ay yun parin ang mga expression nila
hinatid nila ako sa magiging kwarto ko at muntik pakong mahimatay ng makitang parang library ito di ako makapaniwala bukod sa diko akalain na dito muna ako titira ay diko akalain na ganun kaganda ang magiging kwarto ko.
Mga ilang oras ay diko na nakita sila laz, devon at raceh, si zailou ay natutulog kaya si luca ang kadaldalan ko ngayon sa sofa. mahilig syang magbiro kaya wala akong magawa kundi ang tumawa nagulat ako ng may tumikhim sa gilid ko.
Nakita ko naman ang seriosong mukha ni laz na nakatingin sakin tumatawa naman si devon at si raceh ay ngumingiti lang.
Nakarating na pala sila tumayo ako at hinarap si laz na mukhang galit napano to?
nginitian kosya pero dinya ako pinansin saka umalis nang di ako nililingon.
Nagtaka naman ako pero diko nalang pinansin may kunting kirot akong naramdaman sa puso ko pero binaliwala ko ito kinagabihan din ay di sya lumabas ng kwarto para kumain di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko at bigla nalang na nasa harapan na ako ng pinto nya sa kwarto nagdadalwang isip pa ako kung kakatok ba ako o hinde napalunok ako at aalis nalanh ngunit biglang bumukas ang pinto at hinila na ako ng tao na nasa likod.
Naramdaman ko nalang ang likod ko na nakasandal sa malamig na pader madilim pero alam kong nasa harapan ko lang sya tumatama ang hininga nya sa leeg ko. nakikili ako at parang may humahaplos sa puso ko at sabay pa ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko.
Napalunok ako.
"l-laz"nauutal na sabe ko dadagdagan ko pa sana ang sasabihin ko nang magsalita sya sa pagod na boses.
"You don't like him right?"Naramdaman ko ang kamay nya sa magkabilang gilid ko "Answer me."Sabe nya sa malamig at madiin na boses ng di ako sumagot.
Umiling iling naman ako.
"You know he is a playboy right, so stop flirting with him."dagdag pa nya na ibinulong sa tenga ko nakikiliti ako sa ginagawa nya diko na talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko halohalo ito pero isa lang ang maipapaliwanag Ko masaya ang nararamdaman ko habang ginagawa nya ito.
"eh hinde naman kase...., nag uusap lang naman kami kanina."ngumuso pa ako para itago ang mga ngiti ko
"I dont believe you."
Palihim akong umirap.
"Eh di wagka maniwala."Suminghap naman sya kaloka tong lalaking to diko mabasa.
"Dika bumaba para kumain kanina, Dika ba nagugutom?"Sabe ko ng maalala na yun ang pinunta ko dito
"Just.....,just stop flirting with him."Saad nya bumuntong hininga ako, pano koba ipapaliwanag sa lalaking to na di naman kami naglalandian.
Binaliwala nya pa Talaga yung sinabe ko
"hinde nga ka-"angal ko pero Nagulat ako ng maramdaman ko ang hintuturo nya sa labi ko at pinapatahimik ako.
"Flirt with me!"
Natameme ako sa biglang sabe nya mahina lang ito pero dinig na dinig ko simple lang ito pero parang tumatambol ang puso ko at parang may mga nagwawalang paruparu sa tyan ko.
huh? Tama naman yung narinig ko diba?