Hinde na talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari sakin, kagabi ko pa sila nakilala tas pagkabukas ay may fiancée nako, grave ano ba tong nangyayari sa buhay ko.
Bakit ba nangyayari ito?
Hinde pa ako nakakamove on sa papel na pinirmahan ko wala akong magagawa tinakot nila ako eh may pirma narin si laz doon..
"Bakit kailangan namin mag panggap? wala naba talagang iba?"
"Dont push yourself, as if I want to marry you."problema nito?
"Dont pressure your self, come on sit down."Nilingon ko yung si gentleman naka dikwatro sya ng upo, ang gwapo din nang isang to mabait pa.
"Hinde nako magtatagal dito may pasok pa ako at late nako."bigla yun sumagi sa isipan ko dipa pala tapos ang klase ko.
"Nah dont worry about it, laz will handle it."Nakangiting sabe nong may pagkababaero nilapitan nya ako. yung si suplado ay nakasandal parin at pinipikit ang mata.
"Im lucario Raisen ortega by the way you can call me luca, ganda mo."
kumindat sya at inabot ang kamay sakin, pilya sya kung ngumiti, maganda ang ngiti nya na nakakaattract at gwapo din sya ang kilay nya ay yung may hiwa ata yun? iwan? na mas lalong bumagay sa kanya isama pa ang maliit na hikaw sa gilid ng labi nya.
nagmumukha talga syang playboy.
Inabot ko ang kamay ko sa kanya.
"Nevy, nevy lena claver."Tumango tango sya at bumitaw
"Nga pala Im Devon black masamayor, nice to meet you nevy." Singit nong gentleman. devon pala pangalan nya? will! ang ganda pero mukhang di bagay sa pagkagentleman nya. pero ok lang bagay naman sa muka nya.
"Ah!! Ako, ako." mabilisang sumingit samin yung kyut."I'm also Zailou jenzen santos, nice to meet you too hehehe."Napanganga ako sa kakyutan nya para syang bata hahaha...
"Im Jared raceh cenna, its nice to meet you nevy "Nilingon ko yung lalaking nagbabasa ng libro, nakatuon ang attention nya sa binabasa
Kaseng gwapo nila ang pangalan nila.
ang huli kong nilingon ay ang lalaking nakasandal sa pader. Nakakunot noo nya ring akong tiningnan, nabanggit nila ang pangalan nya kanina pero nakalimutan ko dahil sa haba non.
"tsk, you dont need to know it."umirap pa sya, umirap rin ako at binaling ang atensyon sa tatlo na nasaharapan ko dahil yung isa ay nakaupo lang at walang pake sa mundo.
"ah! that is laz, Lhazarus vandier alquero."sambit ni devon tinanguan ko sya.
"Isang certified babaero."Taka kong tiningnan yung mas mukhang babaero si lucario. bigla naman syang umilag ng may bagay ang lumipad patungo sa kanya, binato sya ni laz yung si suplado na pinaglihi sa sungay ni lucifer.
"Wag mokong igaya sayo, gago!"
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa ng tinamaan sya sa pandalawang bato, nahagip ng mata ko si laz na nakatingin rin sakin at bigla ring umirap. Attitude talaga.
mga ilang minuto akong kasama silang lima, pero tanging si devon at si lucario ang nakikipag usap sakin minsan ay sumasabat yung si kyut si Zailou. napapangiti ako minsan sa kanya dahil para syang bata lalo na pag nagbabangayan sila ni lucario sama mo pa yung inaagawan nya ng pagkain si zailou, certified pa baby sya.
Si Raceh naman ay nagbabasa lang nang libro, certified bookwork sya at walang pake sa mundo.
Si laz nakasandal parin sya, diba sya nangangalayat? Minsan ay nahuhuli ko syang nakatingin sakin pero umiiwas din pag tinitingnan ko pabalik, certified may saltik sya.
Ng maghapon ay hinatid ako ni devon si amin diko na nakita sa laz nang araw nayon at mabuti na dahil mag susuplado lang yun, parati panamang nereregla yun.
pero ang diko talaga maintindihan ay yung bakit kailangan naming mag panggap? I mean my contrata pagpapanggap bayon? syaka Pwede namang gawin nalang nila akong katulong pero shempre dapat may sweldo muka namang mayayaman yung mga yun.
Isa pa sa nagpapagulo sakin ay bat sila pumapatay? dinaman sila nakakatakot
tingnan ngayon ngalang ako nakakita ng killer na gwapo teka baka naman mga gangster sila? oh dikaya ay mafia? Pero ano ngabang dahilan.
Magsusumbong bako? No! Delikado nga pala buhay ko. pero di ako makapaniwalang sila ang mga pumapatay sa baranggay namin.
like!! kong titingnan si zailou para syang bata I mean kyut sya, magagawa nya bang pumatay? also devon napaka gentleman nya si lucario playboy sya pero mukang wala sa vocabularyo nya ang pumatay. Si laz naman ay hinde ko alam.
But then may kasabihan naman daw na.DONT JUDGE THE BOOK BY ITS COVER.
Pero kahit ano man ang dahilan nila di dapat sila pumatay.
"napapansin kong Palagi nalang kayong pumupunta kina uncle pahinga muna kayo ma."Sambit ko sa ina ko Kinaumagahan ng sinabe nya saking pupunta na nanaman sya kina uncle.
"Nakapagpahinga na ako anak, kailagan lang talaga ako ng uncle mo."Kinuha nya ang bag nya."kahit na wala nang nababalitaang namamatay sa ating bayan ay kailangan mo paring mag ingat."tumango ako.
nitong dalwang araw ay walang nababalitaang namamatay sa bayan namin. na kinataka ko pero masaya din dahil wala nang nakukuhang buhay. pero dalwang araw pa naman pero nakakapagtaka nga ngayon lang talga walang bangkay nakita.
"Aalis na ako anak"Tumango ako at sinundan sya na paalis.
Kumain nalang ako at nag ayos saka pumunta sa school.
Nang makarating sa school ay nakita ko ang mga kababaihang nagsitilan sa diko din alam kong bakit pero diko nalang pinansin.
"Oyy nevy!!"Napatingin ako sa tumawag sakin isa sa mga kaklase ko."Bakit?"
"Nabalitaan muba?"Usisa nya tiningnan ko naman sya na may nagtatanong na mga mata.
"Ang alin?'
"Ang gwapo ng Bagong prof na naka assign satin."tumili pa sya umawang ang bibig ko. Diko alam diko kita ehh.
nginitian kolang sya at dumaretso na sa upuan.
patungo ako sa room
nang mahagip ng mata ko ang tatlong lalaking nagtutulukan.
"Kaw nanga!"Rinig ko.
"Ayoko nahihiya ako."Sabe nong lalaking tinutulak nila bale tatlo sila.
"Hystt ako na!"Napalunok ako ng lumapit yung lalaki.
"Hi! nevy right?"Tumango ako. Nahihiya pa sya.
"Ahh ako nga pala si james." tumango ako at nginitian sya
"Uhmm pwede ba na-"Naputol ang sasabihin nya ng may tumikhim sa likuran namin.
Napanganga pa ako ng tumingin dahil sa itsura nya.
bakit parang lahat ng bago na nakikita ko eh gwapo.
"ah! ikaw po pala prof."Nakayukong sabe nong lalaki makisig na nakatayo naman yung klenton daw.
"hinahanap kayo ni sir garcia."Sabe nya sa malamig na tinig napatingin naman sya sakin kaya yumuko ako dali dali namang nagsi alisan ang mga lalaki.
"You are?"napatingin ako sa kanya.
"uhmm claver sir!"
ngumiti sya kaya lumabas ang mga dimple nya. ang gwapo nya at makisig pa.
"Im klenton."ngumiti ako at tumango saka tinaggap ang kamay na nilahad nya
ngayon kulang sya nakita sa paaralan na to pero basi sa mga sinabe ng mga binata kanina ay isa itong professor pero diko alam kung anong subject.
"won't mind if I walk you to your clas room?"Kinagat ko ang labi ko at tumango sumunod ako sa kanya ng magsimula syang maglakad. Ang gwapo shet..
Nag usap lang kami haggang sa marating ang room ko. nagulat pa ako ng pumasok sya at nagsitayuan ang mga studyante para batiin sya. yun pala ay sya ang bagong professor namin.
Sya pala yung gwapong pinag uusapan nila.
"Class dismissed."
Tumayo na ako ng matapos ang klase, psychology pala si sir klenton ang ganda nya magturo halos detailed lahat. Wala naman si nico ngayon dahil may inaasikaso.
Habang naglalakad palabas ay nakita ko ang mga tao na nagkakagulo. nagtaka ako kaya sumingit ako.
Napanganga ako ng makita ang pinaglihi sa sungay ni lucifer nakasandal sya sa kotse nya at halata na bagot na bagot na habang tinignan ang relo nya. Dahan dahan naman akong tumalikod, ng makaalis sa kumpulan ng mga tao ay dali dali akong nagtago sa gilid ng pader.
Bakit sya nandito? ano ang ginagawa nya dito? Wala akong pake kong sino ang pinuntahan nya dito pero ayaw kong magpakita sa kanya.
Napasinghap ako dahil walang ibang daan, bakit kase nasa daan sya? kung dadaan ako don ay makikita nya ako.
"Why are you hiding?"Napatiklop ako sa bibig ko ng may nagsalita sa likod ko ng tiningnan ko ito ay ang kunot noo na mukha ni prof klenton ang nakita ko.
"Huh? Ahh wala,wala po prof!"
"really?"taas kilay na tanong nya pa.
"yes Prof."
Tumango tango sya."Your class done?"
Tinutukoy nya yung panghuling klase ko
"Yes po pro-"pinutol nya sasabihin ko.
"call me klenton plss, just call me prof if were in the classroom "
Nginitian ko sya."Yes k-klenton."
Nahihiya ako dahil diko sya masyadong kabisado at ngayon lang kami nagkakilala.
"your much beautiful when your smiling."Namula ako ng sinabe nya iyon. napaka Makisig ni klenton at di mapagkakaila na gwapo pa.
Halos nasa kanya na ang mga ideal ng mga babae. May trabaho sya plus gwapo pa hinde malulugi ang babaeng magiging asawa nya.
" thank you klenton."Lumabas na naman ang dimple nya ng ngumiti sya.
"By the way where are you going?"
"Bibili lang nang makakain."Sagot ko.
Tumango tango sya.
"Well!"Umayos sya."I gotta go, see you around then."tinalikuran nya ako. namumula parin ang mukha ko ng umalis na sya.
"Why are you blushing like an i***t woman?"
Napaigtad ako ng marinig ang nakakainis na boses nayun sa likod ko.
Nilingon ko si lhazarus.
"None of your business."Inirapan ko sya. kahit san talga naka aggulo ang mukha nya. ay diparin nagbabago ang expression.. Palaging masungit.
Nakataas ang kilay nya nakakunot noo pa at nakaawang ang bibig.
Diko alam na pwede palang ipagsabay ang mga yun.
"Why are you with that man?"Inis na sambit nya tinaasan ko sya ng kilay.
"Pake mo ba!"Sinimangutan ko sya.
nagtaka ako ng nilahad nya ang kamay nya sa harapan ko.
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Give me your phone number."Nagulat ako sa sinabe nya."bakit?"
"Just give me your damn phone number."
Nagtataka ako pero di ko sya pinakinggan.
"Ayoko nga at isa pa ano bang ginagawa mo dito?" namulsa naman sya at umayos ng tayo.
"What do you think well your...FIANCE doing here?"
Napanganga ako sa sinabe nya. Diko alam pero parang nagkakarerahan ang puso ko ano daw?? diniin nya pa talaga ang salitang Fiancé
Fiance? FIANCE daw?