gulong gulo ang isip ko pero naisip ko rin na baka natatakot din sila, pero bakit naman sila papatay kung takot sila, kaya alam kong may rason kung bakit.
Nakaupo ako sa sofa dito sa mansyon nila, dipa ako pinauwi Wala narin naman akong gagawin dahil wala nakong class maliban nalang sa mga report na gagawin ko.
"I know you are confused about what is happening."
Napatingin ako kay zailou na papalapit sakin May dala syang pagkain sa kamay nya mukhang chocolate, ngayon nya lang ako nilapitan.
umupo sya sa tabi ko, Diko akalaing may ganito ka inosente ang kayang pumatay.
"Naguguluhan lang ako, pero naiintindihan ko na baka takot lang kayo na baka magsumbong ako."sambit ko na dimakatingin sa kanya.
"hmm, partly."Sabe nya mukha syang seryoso nga
yon
"Eh ano ba kase talga? anong kinalaman ni prof?"
"Basta!"Sabe nya na kinsinghap ko"Baka magalit si laz eh."Dagdag nya, pake ko naman sa lalaking yun.
Magsusungit lang yun sakin, may saltik pa naman yun
"Eh kase nagtataka lang ako bakit kasali si prof, Yun lang."pagpupumilit ko."ayaw kulang naman kase na nacucurios ako."
"Ditalaga pwede eh pasensya kana."Tumigil nalang ako sa kakatanonh saka tumahimik na.
"Hystt, sge nanga sasabihin kuna."Napabaling naman ako ng daretsu sa kanya, naguguluhan.
"Ganto kase yun."nakapuot nyang sabe, gusto kong pisilin yun pisnge nya." Alam mo na ang sarap nitong chocolate, gusto mo?"
Serioso akong nakikinig sa kanya ng sinabe nya yun, Ano bayan nakakabitin.
"So Ano yung sasabihin mo?"Usisa ko pa sa kanya.
"Sasabihin kulang sana na ikaw lang ang bibigyan ko nitong chocolate, ayoko magbigay sa kanila dahil inuubusan nila ako kaya secret lang natin to ah."Napasinghap ako mukhang wala syang planong sabihin kaya tumahimik nalang ako at pinagmasdan sya.
"Alam mo rin ba na ang ganda mo daw."
Tumaas ang kilay ko."Daw? May nagsabe? sino?"
"Maraming nagsasabe kasama na don si A-"
Naputol ang sasabihin nya ng may tumikhim mula sa pinto.
"Zai, raceh is calling you."Sambit ni laz na nakapamulsa habang nakasandal sa pintuan, nailang ako ng titigan nya ako pababa pataas habang naka kunot ang noo.
"ganun ba."Nakapuot nyang sabe napangiti naman ako ilang taon na kaya sya mukha syang bata pa, Nabigla ako ng lumapit sya sakin at may binulong.
"Bibigyan kita mamaya wag mong sabihin sa kanila ah."
Ngumiti lang ako at tumango. nagpaalam muna sya sakin bago lumabas kaya ngayon ay kami nalang dalwa ni laz ang naiwan.
Nailang ako dahil panay ang titig nya.
"Bakit?"basag ko sa katahimikan, umayos naman sya ng tayo.
"kakain na."Tumalikod sya pagkasabe nya yun tumayo narin ako at nagsimula ng maglakad, diparin sya umaalis kaya nauna na ako Pero napahinto rin dahil sa tanong nya.
"Do you like him?"Napabaling ako sa kanya ng naakunot noo.
"Sino?"Nakapamulsa parin sya.
"Zailou?"Kumunot ang noo ko
"Hinde! Pano mo naman naisip yan?"
"Your looking at him, like something."tumaas ang isang kilay nya ng sinabe nya yun.
"Hinde noh ang dumi ng iniisip mo."
"then why are you looking at him like you want to kiss him tsk."Umawang ang labi ko.
"Luh di ahh, inaamin ko na nagagwapuan ako sa kanya pero yung sinasabe mo malayo sa iniisip ko."Inirapan ko sya at tinalikuran, di porket ganun ako makatingin ay gusto na agad, eh paano ba kase ako tumingin?
"And Im not?"mahinang sabe nya na narinig ko pero diko maintindihan nilingon ko sya pero malayo ang iniisip nya.
"may sinasabe ka?"Umiling naman sya agad at nagsimula ng maglakad sumunod naman ako
Pagkarating sa kusina ay umupo na ako katabi ko si zailou saka si lucario sa kabila kaatbang kunaman si laz na walang pinagbago ang expresyon sa mukha katabi nya din ang dalwa si raceh saka devon.
"How's your school nevy?"Sumubo muna ako ng pagkain bago ko sinagot ang tanong ni raceh.
"Ok naman."Ngiti kong sabe napatingin ako sa pagkain ko na nilalagyan ni lucario ng pagkain.
"Ah! eh masyado nang marami, saka busog nako luca."Angal ko ng makita ang bundok na pagkain sa pinggan ko.
"You should eat more Luto ko yan, kamusta?"
"Ikaw pala nagluto nito ang sarap ah."Napatango tango pa ako dahil tutoo naman kase diko akalain na sya nagluto nito akala ko kase may mga kasambahay sila.
Sa sinabe ko ay mas dinami nya pa ang paglagay.
"let her luc, your spoiling her."napatingin ako kay laz na nasa harapan ko nakakunot ang noo."She's not even a disabled tsk."bulong nya.
"Ano kaba naman, ngayon kulang naman sya ginanito spoiled na agad kalma kalang."ngumiti ngiti pa si luca habang sinasabe yun, si laz naman ay parang naiinis na iwan habang tinitingan ang pinggan ko.
Baka gusto nya ring magpalagay kay luca.
"Ok na ako luca salamat saka busog nako eh pero talagang masarap ka magluto."Sambit ko.
"Ok fine, but I am also delicious."bulong nya nanarinig ko dahil magkatabi lang kami umiling iling nalang ako sa naisip, Tumigil din sya kakalagay at kumain ng kanya ako naman ay inubos na ang pagkain napatingin naman ako kay laz na nakasandal na sa upuan habang tinitignan akong kumakain, dina nya ginagalaw ang pagkain nya, nakakailang sya.
tiningnan ko naman si zailou na tahimik lang na kumakain napansin nyang tumingin ako kaya ngumiti sya habang puno pa ang bibig.
Pero nawala din ang paningin ko sa kanya ng tumikhim si laz nang nilingon ko sya ay nakatingin sya sakin tinaasan nya ako ng kilay.
Problema nito? Halatang may saltik talga.
Madilim na ng lumabas ako ng mansyon nila, uuwi naako dahil hinahanap nako ng ina ko hinatid ako ng apat sa labas kasama si laz na nasa bulsa parin ang kamay. napatingin ako kay luca na iwinasiwas ang susi.
"Ako na maghahatid kay nevy."
Napalingon ako kay laz na biglang napasinghap dala dala parin ang nakakunot nyang noo, serioso? Ang gwapo nya kahit nilulukot nya ang mukha nya kung dilang talaga sya nagsusungit nako iwan kulang.
"huh!? Ang akala ko ba si devon ang maghahatid sa-"Tiningnan nya muna ako mula ulo hanggang paa.
"Sa kanya."Napalunok nyang sabe saka umiwas ng tingin, See! ganyan kalala ang saltik nya.
"Busy si devon kaya ako na muna maghahatid sa kanya."Tiningnan pa ni luca si devon na ngayon ay ngitingiti na habang tinitingan sa laz na parang iwan.
Problema nila?
"No, No! I will!"Napatingin ako kay laz na ngayon ay naguguluhan habang ang apat naman ay parang ginaganahan sa nakikita.
"Cge na ihatid muna sya luca."Sambit ni devon na nakangiti, nasa tabi nya si zailou na kumakain."At ikaw naman laz diba may gagawin pa kayo ni raceh?"
"I can do that later!"Angal ni laz
"Lets go nev."Tawag ni lucariou saka na una sa kotse, sumunod naman ako.
"ingat kayo."Saad ni zailou, nagsibalikan naman sila sa mansyon
"Tara na Alquero."Nilingon ko muna si laz na tinatawag ni devon, wala syang imik habang nakatingin sakin, tinaasan ko sya ng kilay, bumuntong hininga sya sa ka umirap at pumasok na sa mansyon nila.
Sumakay nalang ako sa kotse, hinatid ako ni lucario sa bahay namin hinde makapasok ang kotse sa ilalim
kaya naglakad kaming dalawa sinabihan kupa na wag nalang pero disya nakinig.
Dina naman ako natatakot dumaan don lalo na nung nalaman ko kung sino ang mga killer, Simula ng nangyari yun ay wala nang mga nangyayari sa brgy namin nagulat nga ang ina ko dahil himala daw at wala na.
Nagpasalamat ako kay luca at nagpaalam, saka pumasok sa bahay namin bago ako umakyat sa kwarto ko ay tiningan ko muna ang ina ko na mahimbing na itong natutulog.
pumunta muna ako sa banyo para magbihis ng damit pangpatulog saka ko nilugay ang mga buhok ko, mataas ang buhok ko gusto kuna nga itong paputulan kaso ayaw naman ng ina ko kaya hinayaan kunalang.
Pinatay ko ang ilaw at humiga na para matulog ng biglang tumunog ang cellphone ko kinuha ko ito at nakita ang mensahe sa isang numero na naka lagay na sa cp ko.
Sino to?
tiningan ko ang mensahe nya at basi sa nababasa ko ay kilala kona kung sino.
["So! What did you two... talk about huh?"]
Nagtytype ako ng erereply ng makitang nagsend na namn sya ng mensahe.
["Hes a playboy, dont take he's Flirt seriously."]
Luh! advance.
["Anong flirt flirt ang pinagsasabe mo?"]
Umupo nalang ako kase nakakangalay.
["You know what Im talking about."]
["Luh! Ganun lang talga siguro sya noh, marunong sya makipag socialize, dikagaya mo."]
["Hmm, why? Whats wrong with me?"]
Kinagat ko ang labi ko at nag type.
["Wala! Wag kana magtanong."]
["Tell me."]Ano ba naamn to gusto ata nya ng real talk.
Bumuntong hininga ako at nag type
["ah basta! Nakakainis ka, ang samasama mong timingin, ang suplado mupa, Ano bang pumasok sa kukuti mo at nakikipag usap ka ngayon."]
["Anong gusto mo kikindatan kita."]
Yun nanga ba ang sinasabe ko eh alam ko kahit na nasa cp lang kami naguusap ay umiirap to.
["Hyst kalimutan muna matutulog nako goodnight."]Nilagay ko na ang cp sa gilid at humiga na tumunog uli to hudyat na may mensahe pero hinayaan kuna bahala sya jan.
Ng pipikit ako ay biglang tumunog ang cp ko sa ibang tuno nagulat ako ng makitang tumatawag si laz. kinuha ko ito at sinagot ngunit di ako nagsalita.
"Which do you prefer?, tell me."napalunok ako ng marinig ang inaantok nyang boses kinagat ko ang labi ko bago sumagot.
"Anong ibig mong sabihin."tumahimik sya saglit naririnig ko naman ang pagbuga nya ng hangin.
"Nevermind,......are you sleepy?"Sa sinabe nya ay umupo ako.
paano ko sasabihin sa kanya na nawala na ang antok ko.
"Kunti."Saad ko mas lalo kupang kinagat ang labi ko ng marinig kong mahina syang tumawa.
"Nilalagnat kaba?"Nakapuot kong sabe naninibago lang kase ako.
"Im not, Why makes you think that?"
Dikase sya nagsusuplado kaya nakakapanibago.
"Tapos muna yung gagawin mo?"
Bumunotong hininga sya.
"Kind of."Sandali kaming natahimik naiilang ako at nakakapanibago rin dinaman kase sya ganto iwan ko kung anong nakain nito.
"Inaantok nako laz."
"ok, lets sleep.."saad nya binaba ko na ang cp saka pinatay ang tawag. tumunog naman kaagad ito hudyat na may nagmensahe.
["Goodnight shorty."]