"Miss Maria, ang dami dami mong sinabi! Napagod akong makinig sayo! Basta iyong dapat na bonus ko ibigay mo! Kung hindi isusumbong kita kay Madam Dyosa! Sasabihin ko ikaw iyong dahilan kung bakit naudlot iyong magiging apo na niya sana. Isusumbong ka nun sa byanan mo! Wala ka na namang pagkain!" Sabi nito kay Auntie. "Parang ako iyong napagod sa pakikinig sa kanilang dalawa. Tingin mo?" Tanong ko pa kay Attorney. Napangiwi pa ako. "Ano bang ginagawa nyong lahat dito? Hindi ba at sabi ko bawal pumasok ang mga babae sa bahay ko?" Seryosong tanong ni Attorney sa kanila. "Bakit si Daisy siete? Nagmamake out pa kayo sa sofa? Dapat nag lolock kase kayo ng pinto! Hindi ka ba Dennis makapag antay kay Daisy? Kakalipat lang niyan sa kabilang bahay binabanatan mo na?" Nakangising sabi ni Ekang. "

