"Ricci naman e! Pansinin mo naman ako." pagmamaktol ko, kanina nya pa ako di pinapansin nakakainis.
"Shut the f'ck up Tana, you're so annoying!" iritado nyang sabi, sinundan ko lang sya. Kanina pa sya naglalakad at kanina ko pa sya sinusundan at hindi ko alam kung bakit ayaw nya akong pansinin.
"Ginawa ko naman yung project na pinagawa mo ah, tapos ginawan kita ng assignment. Bakit hindi mo ako pinapansin?" bumilis ang lakad ko dahil ang bilis nya na maglakad at ang haba pa ng biyas nya dahil 6 footer sya samantalang ako ay 5'5 lang.
"Stop following me, can't you just see? I don't like you, nakuha ko na ang gusto ko sayo so stop bothering me." nabasag ang puso ko sa sinabi nya.
"Gagawin ko lahat ng g--gusto mo, wag mo lang akong palayuin sayo. Ako na lahat gagawa ng assignment mo, ng projects mo. Lahat ng i-uutos mo gagawin ko." desperada kong sabi.
Tumingin sya sa akin at hinarap ako, tumaas ang sulok ng labi nya. "Okay." ngumisi sya, ngising hindi ko nagustuhan pero wala ng atrasan.
Gustong-gusto ko sya, nang makita ko sya ay tinamaan na agad ako sa kanya. Alam kong hindi nyo paniniwalaan pero ang lakas-lakas ng dating nya, kaya nga ng magpagawa sya sa akin ng assignment at projects ay sobrang saya ko.
Hinayaan nya lang na sundan ko sya at nakarating kami sa gymnasium.
"May training ka?" tanong ko sa kanya.
Tumango sya, binigay nya sa akin yung bag nya. "Hawakan mo muna." sabi nya at iniwan ako. Kinilig ako ng konti pero hindi ko na lang pinahalata. Inamoy ko ang bag nya, ang bango-bango.
"Sino yan pre? Bago mo?" rinig kong tanong ni Jared.
Nagdribol sya at shinoot ang bola. Tumawa sya. "She's nothing, she's not even my type." malakas na sabi nito, nagtawanan sila ng teammates nya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, ang sakit.
Pero hindi, hindi ako susuko. Dapat masanay ako sa ibabato nyang salita sa akin, dapat hindi ako masasaktan sa sasabihin nya. At dapat ngingitian ko lang lahat. Tama yun ang dapat gawin.
Pinanood ko na lamang ang training nila, magaling si Ricci sa basketball dahil na rin siguro kay Mr. Rivero na father nya.
Gustuhin sya ng mga babae, linggo linggo ata ay iba ang naging girlfriend nya. Kung umabot ng isang buwan yan ay isang himala na lang talaga, dahil mangyayari ang himala dahil sa akin. Hindi lang isang linggo kundi isang dekada na magiging kami, in the future. Syempre minsan kailangang mangarap, dahil sabi ng tatay ko, abutin natin ang ating nga pangarap at ang pangarap ko ay si---
"Aray!!" napahawak ako sa ulo ko at nakaramdam ng hilo. Natumba ako sa sahig at napahiga.
"Gago ka pre, bat mo ginawa yon?" rinig kong sabi ni Jared.
Malakas ang impact ng pagkakatama ng bola sa ulo ko, at sya ang nagbato. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa yon.
"It's unintentional, i didn't mean it.." rinig kong sabi ni Ricci.
Tumayo ako kahit nahihilo pa ako. Nag-thumbs pa ako, at nginitian sila.
"Okay lang ako, wag nyo akong intindihin." sabi ko sa kanila.
Tumawa si Ricci. "See? She's okay. C'mon dude, don't mind her." tinignan pa ako ni Cordova, ngumiti lang ako sa kanya at nagthumbs-up.
Umupo ako sa upuan at sinapo ang ulo ko, parang umiikot ang mundo ko at parang naalog ang loob ng utak ko. Ang lakas ng pagkakabato nya sa akin. Sana ay sa katawan man lang at bakit sa ulo pa.
Nahihilo na talaga ako at hindi ko na kaya.
"Ricci, pwedeng umuwi muna ako?" pagpapaalam ko sa kanya. Tumingin sya sa akin pati na rin yung mga teammates nya.
"You said you will obey me, and if i say no. You're not going home, stay still until we finish our training. And buy us some water in the canteen please." inabot nya ang pera sa akin at hindi na ako pinansin.
Kahit hilong-hilo na ako ay nginitian ko sya at lumakad palabas ng gym, napatigil pa ako at napahawak sa pinto ng gym bago makalabas. Tinahak ko ang papunta sa canteen at bumili ng maraming tubig, nahirapan pa akong buhatin yon dahil marami ang binili ko dahil na rin sa marami sila.
Nang makarating na ako sa gym ulit ay binigay ko na sa kanila ang tubig, ibinigay ko ang sukli kay Ricci ngunit hindi nya ito tinanggap at sa tingin ko ay ayaw lang nitong mahawakan man lang ang kamay ko na parang may sakit akong nakakahawa.
Hinawakan ko na lang muna at bumalik sa pwesto ko kung saan ako nakaupo, kinuha ko ang gym bag nya at kinapa kung may bulsa at meron. Kumuha ako ng papel sa bag ko at binalik ang sukli. 500 ang binigay nya sa akin. At 400 na lang ang natira. Nilagyan ko ng note yung papel.
Eto yung sukli cci:)
Pinasok ko na sa bulsa ng gym bag nya yung pera at pagkatapos ay pinanood ulit sila. Nahihilo pa rin ako pero iniinda ko na lang at hindi na pinapansin.
Humiga na muna ako at ginawang unan ang bag ko, idlip na muna.
Nagising ako nang may kumalabit sa akin, si Cordova. Napabangon agad ako. Nahihilo pa din ako, mas lalo pa ata akong nahilo hindi dapat pala muna ako bumangon.
"Anong oras na Jared?" tanong ko sa kanya.
"It's already 5pm, tayo ka na dyan para makauwi ka na." sabi nito.
"Na saan si Ricci?" tanong ko sa kanya.
"Nauna na, sundan mo sya. Kakalabas nya lang." nang marinig ko yon ay agad na kinuha ko ang bag at lumabas ng gym, nahihilo talaga ako.
Nakita ko pa ang likod nya kaya naman agad na tumakbo ako sa kanya.
"Ricci!" tawag ko sa kanya, nang mapantayan ko na sya ay sinabayan ko na lang syang maglakad.
"Sorry nakatulog ako, kamusta pala ang training nyo?" tanong ko. Hindi nya ako pinansin at ang pokus nya ay nasa cellphone nya.
"Give me your number, so if i have needs i'll just call you." binigay nya sa akin ang cellphone nya. Tinype ko ng number ko. At ibinigay nasa kanya.
"You said you will do everything right?" tumingin sya sa akin at nakataas ang sulok ng labi nya.
Tumango ako at ngumiti. "We have a test tommorrow, so you will answer my test and make it perfect. Understand? Now get the fck out of my sight." malamig nitong sabi. Napayuko ang ng sabihin nya iyon.
Pero agad na nginitian ko sya. "Sige, ba-bye cci!" kinawayan ko sya at naglakad palabas ng school. Tumulo ang luha ko at agad na pinunasan.
Nag-antay ako ng jeep na masasakyan at bakit walang dumadaan, wala namang strike ngayon. At bakit kailangan pang umulan?
Naghanap ako ng masisilungan nang makakita ako ng waiting shed agad na pumunta ako don at tumakbo. Pinunasan ko ang sarili ko dahil basa na ako.
Nang may dumaan na kotse at bumusina, bumaba ang bintana at nakita ko sa loob si Ricci kasama si Jared.
"Hop in, ihahatid na kita." sigaw nya. Nag-alinlangan pa ako pero tumakbo na agad ako palapit sa kotse nya ng biglang syang humarurot palayo, narinig ko pa ang tawa nya. Hindi agad nagsink-in sa akin ang ginawa nya kaya tuluyan na akong nabasa sa ulan.
Bakit kailangan nyang gawin yon? Tila nahilo na ako at nawalan na ng malay.
__
"Anak may nakakita sayo kagabi na wala kang malay sa daan, anak anong nangyari?" nag-aalalang sabi ni Papa.
Umaga na at ngayon na lang ako nagising. "Pa sino naghatid sa akin dito?" tanong ko.
"May tumawag sa akin na gamit ang cellphone mo kaya ibinigay ko ang address natin, buti na lang at walang nangyaring masama sa iyo. Sa susunod mag-iingat ka ah? Tsaka hindi ka muna papasok ngayon, inaapoy ka ng lagnat." hindi na ako tumutol pa. Nanghihina ako at parang gusto ko na lang matulog na matulog.
Iniwan ako ni Papa sa maliit 'kong kwarto, may basang bimpo na napatong sa aking noo.
Hindi pa rin ako makapaniwala na ginawa yon ni Riccu pero hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya, walang magbabago.
"Ate wat hapen tu yu?" Tuyu?
Kilala ko na kung sino.
"Anong problema mo Lana?" pagsusungit ko.
"Ay em asking yu, wat hapen tu yu?"
"Wag mo sabihing ulam natin ay tuyo?" sabi ko sa kanya.
Tumawa sya. "Ganon na nga, pero may itlog naman. May nagtext nga pala sa cellphone mo." iniabot nya sa akin yung cellphone ko.
Agad na kinuha ko yun.
From: 09001112222
Where the fck are you? We have a test today!
Para akong binuhusan ng malamig na tubig, may test nga pala kami ngayon. Pero hindi ko na talaga kaya tumayo man lang dahil nanghihina na ako.
To: Ricci bebi luvs so swit
Nawala sa isip ko Ricci sorry, hindi ako makakapasok ngayon. Babawi ako bukas.
Isinend ko na ang message sa kanya, kinakabahan ako sa irereply nya. Sana wag syang magalit sa akin.
From: Ricci
B¡tch.
Nagkandapira-piraso ang puso ko dahil lang sa isang salita na sinabi nya. Naiinis ako sa sarili ko, bakit kailangan pang magkasakit ako ngayon. Kung kailan may test kami ngayon. Hindi na ako nagreply sa message nya dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Inalalayan ako ni Lana makabangon dahil hindi ko kaya at sobra sobra na ang pagkahilo ko. Lumabas kami ng kwarto habang inaalalayan ako paupo sa upuan dahil kakain na kami.
Tama nga sya, tuyo at itlog. Halos isang linggo na naming ulam ito, pero wala naman akong magagawa. Pag mahina ang kita ni Papa sa pagdyi-jeep nya, sabayan mo pa ng Traffic at pagtaas ng presyo ng gasolina.
"Grabe ang traffic kagabi at napunta lang lahat sa boundery ko yung kinita ko pati sa gasolina kaya 'eto lang muna ang ulam natin, pero bukas promise sinigang naman." nginitian kami ni Papa. Ngumiti na rin kami sa kanya. Nagsimula na kaming kumain.
Kaya ako nakapasok sa eskwelahan ko ngayon at mahal ang tuition don ay dahil sa scholar ako. Sponsor lang at kailangang pangalagaan, sayang rin kung hindi ko tatanggapin.
Kinakabahan na ako para bukas dahil alam kong galit ang sasalubungin ko bukas. Kung sana ay hindi nawala sa isip ko na may test pala kami ngayon ay pumasok ako kahit nanghihina ako at inaapoy ako ng lagnat.
"Anak uminom ka ng gamot pagkatapos mo kumain." iniabot sa akin ni Papa yung gamot na galing pa sa Generika.
"Sige pa."
Tinapos ko na ang pagkain ko at ininom ang gamot, bumalik na ulit ako sa aking kwarto. Sana ay gumaling na ako bukas.