03

1511 Words
Halos lahat kami sa classroom ay nagulat dahil sa pagpasok ni Ricci sa klase, medyo late na sya ng 10 minutes pero pumasok pa rin sya. Kahapon nga ay hindi ako nagpakita sa kanya, tapos ngayon naman ay sya na ang nagpakita. Agad na iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang magtama ang mga tingin namin. Kinabahan na ako nang papalapit na sya pwesto na kinauupuan ko. "Alis." malamig nyag sabi sa katabi kong lalaki na si Luigi. Agad naman syang umalis dahil na rin sa takot. Umupo sya sa tabi ko at tinignan ako, yumuko lang ako at hindi sya tinignan. "Look at me, now." malamig na sabi nya. Hindi ko alam kung sino ang nagpalingon sa akin at tinignan sya. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa mata nya, punong-puno ng yelo at napakalamig. "Are you avoiding me?" tanong nya, malamig ang pagkakatanong nya. Hindi agad ako nakapagsalita dahil parang matutunaw na ako sa titig nya. Inantay nya ang sagot ko pero parang alam nya na kung ano ang sagot ko. "So silence means yes?" Hindi na ako tumanggi sa sinabi nya, tama naman sya. Iniiwasan ko sya. "I'm sorry for what i said, i didn't mean it. I'm sorry okay. I'm sorry." hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan yon. Agad na natunaw ang puso ko at kinilig sa ginawa nya. Nagbuntong-hininga ako at ngumiti. "Di ako galit cci, okay lang." sabi ko sa kanya. Ngumiti sya na ngayon ko lang nakita. Magkahawak ang kamay namin buong klase, hindi nya binitawan yung kamay ko. Kaya hinayaan ko na lang. Dumaan ang break time hanggang sa mag-dismiss ay magkasama kaming dalawa. Sumama na ako sa kanya sa gym nang utusan nya ako na bumili ng food naming dalawa. Pumayag naman ako at sinunod ang gusto nya, bumili ako sa canteen at bumalik sa gym. Hindi muna ako pumasok nang marinig ko silang nagtatawanan at nag-uusap. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nilanat yung tawanan nila, kung paano sya tumawa. Kung paano sya nag-oo sa gusto ng teammates nya. Hindi ko na napigilang maiyak, pero sige papayag rin ako sa gusto nila. Sasali ako sa laro nila, sasali ako. Laro na hindi pa nagsisimula pero alam ko na talo agad ako. Pumasok na ako sa loob ng gym, tumahimik silang lahat. Nginitian ko sila at kumaway. "Hi guys." ngumiti ako sa kanila. Nag-hi rin sila. "Kanina ka pa ba?" tanong ni Ricci na parang kinakabahan. Umiling ako at ngumiti. "Kakarating ko lang." lumapit ako sa kanya at inabutan sya ng pagkain na binili ko. Dumating na yung coach nila kaya nagsimula na sila nang mahagip ng mata ko si Thea na kakapasok lang ng gym, at may mga pumasok pa. Agad na nilapitan ko sya. "Princess Thea, ginagawa mue dito?" tanong ko sa kanya. Tumawa sya at minura ako. "Gago, maghahasik lang ako ng kabangisan." tumawa ako ng malakas. Sira ulo talaga. "Sinundan ko lang si Prix Uy, ayun nga sya oh!" turo nya kay Prix. Katabi sya ni Coach at pinapakilala sya sa iba pang players. Tinignan ko si Ricci na nakangisi na at parang gusto ng manapak. Ganun din si Prix, gulo na talaga 'to. Nagsimula na ang training nila at nagpapagalingan silang dalawa, yun ang napansin ko. Nang makabanggaan silang dalawa at napaupo si Prix ay agad na tinaas ni Ricci yung dalawa nyang kamay. "Oops di ko sinasadya." ngumisi pa sya. Agad na tumayo si Prix at sinuntok si Ricci. Agad na napasigaw ako, ganun din si Thea na nagulat sa pagsuntok ni Prix kay Ricci. Gumanti ng isang suntok si Ricci kay Prix at dun na sila nag-gantihan ng suntok. Mas napuruhan si Prix kaysa kay Rye, inawat na silang dalawa ng mga teammates nila at galit na galit na rin si Coach. "Mga wala kayong disiplina!! Ikaw Ricci, ikaw ang nanguna. Nakita ko!" sigaw ni Coach. "I said sorry coach, hindi ko sinasadya." pagtatanggol nya sa sarili nya. "Sinadya mo yon gago!" sigaw ni Prix. Pinunasan ni Prix yung dugo sa labi nya, hindi ko mapigilang mag-alala sa kanya. Malakas ang suntok na pinakawalan ni Ricci sa kanya kanina. "I will suspend you Ricci in 1 week. No trainings, no basketball! That's final!" nagwalk-out si Coach dahil sa frustration. Napasabunot sa galit si Ricci. "Walang akong kasalanan, kasalanan mo yan." panggagatong pa ni Prix. Umalis na si Prix. Agad na nilapitan ko sya. "Ricci, are you okay?" tanong ko sa kanya. "Do you think i'm okay?!" sigaw nya. Napaatras ako sa pagsigaw nya. Lumabas na rin sya ng gym, pahuhupain ko na muna siguro yung galit nya. Lumapit ako kay Thea at tinignan ako. "You okay beb?" tumango ako. "Oks lang." Lumabas na rin kami ng gym. "Beb, naisip ko lang pwede ka pala sa Bagani." seryoso kong saad sa kanya. Napatingin sya sa akin. "Dahil ba maganda ako?" umiling agad ako sa sinabi nya. "Hindi. Kasi diba si Liza si ganda, si Enrique si lakas, si Zaijan si liksi, Matteo naman lakam tapos ikaw si Bangis. Pfft HAHAHAHAHA." tumawa na ako ng malakas, natawa na rin sya. "Gago ka sagad." natatawa nyang sabi. Natigilan kami sa pagtawa nang makita namin si Prix na nakaupo sa bench, nagse-cellphone. Dahil mabangis si Thea ay kinuha nya agad yung first aid kit nya at tumabi kay Prix. "Hey miss Thea." sabi nya kay bangis. "Can i treat your wound?" pag-ienglish nito. "Yea, ofcourse." so ayon ginamot na ni Thea. Tumingin sya sa akin at nagulat. "Hey!" kumaway lang ako at ngumiti. Napatingin sa amin si Bangis. At tumingin sa akin. "Hoy akin to!" sabi nya sa akin pero walang sounds yon na naintindihan ko. Tumawa lang ako. Di ko naman aagawin, may Ricci ako noh. "Una na ako, hanapin ko pa si Ricci." pagpapaalam ko sa kanila. Nagsimula na akong maglakad at hinanap sya, madali ko syang nahanap dahil nasa canteen lang sya. Agad na nilapitan ko sya. Umiinom sya ng tubig na nakakunot ang noo. "Ricci!" tawag ko sa kanya. Irita nya akong tinignan pero agad din na nagbago yon. Walang iritasyon o galit sa mukha nya at normal lang naman. Tinabihan ko sya at hindi naman sya tumutol. "Okay ka lang 'cci?" tanong ko sa kanya. "I'm not, i got suspended." sabi nito. "Bakit mo kasi inaway si Prix?" pagtanong ko sa kanya. "Bat mo ba sya kinakampihan?" saad nya, galit nanaman. "Di ko sya kinakampihan Ricci, nagtatanong lang ako. Bakit ba magka-away kayo, e magpinsan naman kayo." sabi ko sa kanya. Umiling lang sya. "Ayoko, at bakit mo alam na magpinsan kami?" mataray na sabi nya. "Thea told me, crush nya si Prix." defensive kong sabi. Mamaya kung ano pa isipin nya, alam nya namang sya lang ang nasa puso ko. Corny. "Tss." tumayo na sya, na hawak ang kamay ko kaya napatayo na rin ako. Hinayaan ko lang na magkahawak ang kamay namin. Nang makasalubong namin sila Brent, Aljun at Kib pati Jared. Tumama ang tingin nila sa magkahawak naming kamay. Nagkatingin silang apat except Brent na nakatingin lang sa akin, at parang natatawa sila apat pati si Ricci. Pinandilatan lang sila ni Ricci. Nakatingin lang sa akin si Brent na parang hindi nya nagugustuhan yung pagtawa ng mga kasama nya. Ako na ang bumitaw sa kamay ni Ricci. "M--May naiwan pala ako sa gym." tumakbo na ako at hindi na nakayanan na maging katatawanan sa kanila. Alam ko naman kung ano gusto nilang mangyari, kahit alam kong masasaktan ako, sasabay ako. Dahil pagkatapos na rin naman nito, wala na. "Hey Tana!" may sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako sa likod ko. Si Brent. Nginitian ko sya ng pilit. "Uy Brent, bakit?" nasa tapat na kami ng library. Nilapitan nya ako. "You okay?" tanong nya. Tumango ako at ngumiti at nagthumbs-up. "Chokey na chokey lang, bakit Brent?" ngumiti ako sa kanya, hindi sya nakumbinsi sa ngiti kong yon. "It's fake, i know." napapikit sya ng mariin. "Stay away from Ricci!" sigaw nya. Labis na lang ang pagkagulat ko sa pagsigaw nya. "I can't Brent, 'eto na lang yung paraan! Pagkatapos nito, wala na. Game over na, hindi ko na ulit sya makikita." halos nanghihina 'kong sabi. Nanghina na ang tuhod ko at buti na lang ay nasalo nya ako. "Alam mong masasaktan ka Tana! Itigil mo na hangga't maaga pa, ako na nakikiusap sayo. Masasaktan ka lang Tana, just please." halos magmakaawa na sya, i know he's doing this for my sake. But i can't back out, this is what i want. Paninindigan ko 'to. Umiling ako at pinilit na ngumiti. "Please, let me Brent. Let me, this is what i want. After this game, i stop. Forever. I promise. Please help me." Kahit tutol sa gusto ko ay tumango sya. Hindi nya gusto yung gusto ko. Ayaw nya akong masaktan, i felt relieved because someone still cares for me. "Promise me, if he hurts you. Call me, yun lang ang gusto 'kong gawin mo. I'm here." tumango ako at ngumiti. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Thank you Brent." he hugs me back. After this game, i'll stop. I promise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD