Chapter two

1714 Words
Aaron's POV: "What happened?!" Galit kong sigaw kay Criza. Nandito kami ngayon sa hospital kung saan inooperahan si Gabrielle, ang asawa ko. "I don't know, Aaron! Maniwala ka naman sa'kin. She went into my apartment alone. May susi s'ya dahil doon s'ya nag-stay noong mga buwan na hinahanap mo s'ya. I kept it a secret because she begged me to! Nagulat na lang kami ni Wendy, pagbalik namin sa apartment, it was open and there, we saw her. She's already lying on the ground.." Mahabang paliwanag nito habang nakayuko at umiiyak. "She's my friend! It saddens me to see her like that! And I think.. she.. she took her own life." "A friend?" Tanong ko sabay tumawa nang mahina at tinignan s'ya ng seryoso."You call yourself her friend?" "Why?" Pinunasan n'ya ang luha at tinignan ako ng deretso sa mga mata. "Do you think you're better than me? You slept with me! You cheated on her with ME and yet you're still concern about her. We're the same, Aaron." Napatingin ako sa kamay n'ya nang hawakan n'ya ang braso ko at pisilin ito ng marahan. Criza was right. I am just like her. I cheated and hurt Gabrielle. "But Gabrielle wouldn't take her own life.." mahinahon kong sambit. "I know her." "You don't know her, Aaron. Nung nawala s'ya, ni hindi mo nga alam kung saan s'ya hahanapin. Lahat tayo may tinatago." "No. It makes no sense!" Sigaw ko sabay tinapik ng kamay n'ya sa braso ko. "She asked for a divorce. She wouldn't end her life that easily." "She asked for a divorce?" Napakunot ang noo ni Criza at maya-maya ay ngumiti ang dulo ng labi n'ya. Humakbang s'ya papalapit sa akin, "you're going to sign the divorce, right?" Tanong n'ya. Humakbang ako paatras, "I know what you're thinking, Criza. You're thinking I'd marry you once Gabrielle and I separated." "Hindi ba that's the plan?" Naguguluhan n'yang tanong. "There's no plan. That's all on your head! What happened to us is a mistake!" "Mistake?" Tanong n'ya sabay tumawa at tinignan ako nang masama. "One fck could be a mistake but a lot of fcks? I don't think so, Aaron. I saw you myself enjoying every pleasure I gave to you." "It's because you-" "What? Because I seduced you?" Kinuha n'ya ang sigarilyo sa bulsa at sinindihan ito. "That's a bllsh*t reason, Aaron. If you really love Gabrielle you wouldn't get yourself laid to me." "I will make everything right," madiin kong sambit. "Let's stop seeing each other." Tumalikod na ako at hinawakan ang door knob para lumabas sa kwarto nang pigilan n'ya ako. "No!" Sigaw n'ya sabay hawak sa braso ko. "You can't leave me, Aaron. Matapos lahat nang nangyari sa atin.." "I can leave and I will leave whenever I want. Wala akong responsibilidad sa'yo." Tinabig ko ang kamay n'ya at nang pihitin ko ang doorknob ay may sinabi s'ya dahilan para mapahito ako. "I'm pregnant. Ikaw ang tatay." Criza's POV: It's been 4 days already at nandito kami ngayon sa Hospital ni Aaron at tita Rita. Hinihintay namin ang pregnancy result ko. Aaron had no choice but to tell tita Rita about it dahil kami ang rason ng divorce na hinihingi ni Gabrielle. Surprisingly, Tita Rita likes me, unlike Gabrielle. "How many months are you pregnant?" Tanong ni Tita Rita habang nakangiti ito sa akin at nakahawak sa kamay ko. Mukhang gustong gusto na n'ya ng apo. "I'm not sure, Tita. Maybe going 2 months?" Sagot ko sabay ngumiti. "I cannot wait to see my apo! I hope lalaki at magmana kay Aaron." Tinignan ko si Aaron na nakatayo lang at nakasandal sa puting pader. Nakita kong napangiwi s'ya at nag-iwas ng tingin sa akin. Napataas ang kilay ko dahil sa inaakto n'ya. Bigla na lang naging ganito ang akto n'ya sa akin simula nang maospital si Gabrielle. Speaking of that girl, unconscious padin s'ya at walang sign kung kailan daw s'ya magigising. Malala ang injuries na natamo n'ya mula sa pagkalaglag sa limang palapag na building. I don't know paano pa nga s'ya nabuhay. "The results are ready." May doctor na lumapit sa amin, may hawak itong puting folder. Tumayo kami ni Tita Rita habang si Aaron ay nanatiling nakatayo parin sa gilid. Lahat ng atensyon namin ay nasa doctor ngayon. "Congratulations, Ms. Criza, positive ang result. You're pregnant." Napahiyaw si Tita Rita sa tuwa at niyakap ako habang ako naman ay napangiti na lang at tinignan si Aaron na mukhang binagsakan ng langit at lupa. Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ko. I'm not going to lose to you Aaron, hindi ako gamit lang na puwede mo itapon pagtapos mo gamitin. "I'll get going. May meeting pa akong aattendan," paalam ni Aaron. Hindi n'ya hinintay na magsalita man lang kami ni Tita Rita at mabilis na s'yang umalis. "I think it is for the best na sa bahay kana muna namin tumuloy. Para maalagaan at mamonitor ang baby," sambit sa akin ni Tita Rita. "Talaga po, Tita?" Gulat kong tanong. Matapos pa namin magkwentuhan ni Tita Rita ay nagpunta na kami sa malaki at magarang bahay nila. Kumain at nanood kami ng movies rito. Pinahanda na rin ang guest room para sa akin. Humiga ako sa kama at pinagmasdan ang kisame. "Everything that's yours will be mine, Elle.." mahinang sambit ko habang nakangiti. "Finally." Maya-maya ay pumikit na ako pero napadilat rin ako agad at napaupo sa kama nang makita ko ang itsura ni Elle nang malaglag ito habang nakatingin sa akin. Mabilis kong kinuha ang tubig sa side table at ininom ito. Napatingin rin ako sa kamay ko na nanginginig. It was these hands who pushed her.. Tumayo ako at sinuot ang jacket ko. Tumawag ako ng taxi at pinapunta ito sa hospital kung saan naka-confine si Gabrielle ngayon. Nang makarating ako rito ay dumiretso ako sa VIP room. Pumasok ako sa loob at agad na narinig ang machine na nagmomonitor sa lagay n'ya. Paglapit ko sa kan'ya ay nakita kong wala parin s'yang malay. "That's right, Elle.." hinawi ko ang buhok n'ya. "Stay like that forever and.. don't ever wake up." Elle has been a sincere friend since day 1. She's too kind and naive to the point na kinaiinisan ko na s'ya. She's pretty, kind, and smart kaya nahulog ang loob ni Aaron sa kan'ya. Noong pinaalam n'ya na buntis s'ya, I got furious. Lagi n'yang pinagmamayabang ang trato ng asawa n'ya at ang magkakaroon na sila ng pamilya. I was bitter that time. I asked Wendy for some antidote para makunan si Elle and my plan succeed. Nagka-away silang dalawa. Elle even left Aaron at nag-stay sa apartment ko. I tried to flirt with Aaron sa office for months pero nabigo ako. I accepted the fact na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko, or maybe, there's someone even better than him for me. Just when I was about to give up, doon kumagat si Aaron. I couldn't help myself, I couldn't stop myself from wanting Aaron again. We slept together once hanggang sa naulit nang naulit iyon. Tuwing uuwi ako sa apartment at makikita si Elle ay awa na lang ang nararamdaman ko sa kan'ya. I've even been a good friend to her. I gave her small hints and clue about sa amin ni Aaron pero masyado s'yang manhid at t*nga. She didn't noticed those. Huminga ako nang malalim at nagsimula nang maglakad papalabas ng room. I want to see Aaron. I want him to realize I'm way better than Elle. "Ci-Criza.." Nanlaki ang mga mata ko at natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Elle. "Ikaw.. ba 'yan?" Kumabog ang dibdib ko nang malakas. No.. Hindi na dapat pa bumalik si Elle.. Mas mabuti pang wala s'yang malay at nakaratay lang dito sa hospital. "Where's Aaron?" Nang banggitin n'ya si Aaron ay agad akong lumingon sa kan'ya. Nakadilat s'ya pero hindi n'ya magalaw ang katawan dahil lasog lasog ito. Sinabi nang doctor na hindi na makakalakad si Elle at kailangan ng support ng spinal cord n'ya dahil sa natamo n'yang injury. Para saan pa na mabuhay s'ya? Hindi ba magandang mamatay na lang s'ya kaysa magdusa sa kalagayan? "He's.. still at work.." nagsimula na akong maglakad papalapit sa kan'ya at bawat hakbang ko ay nakikita kong may namumuong takot sa mga mata n'ya. "C-Crizia.." tawag n'ya sa akin nang huminto ako sa gilid n'ya. "Kamusta ka?" Tanong ko sabay ngumiti. "Ikaw yung.. tumulak sa akin.." nakita kong may luhang tumulo sa mata n'ya. "This was not on the plan," walang gana kong saad sabay hinawakan ang oxygen na nakakabit sa kan'ya. "You shouldn't have woke up, Elle. You're better off dead." Tuluyan kong inalis ang oxygen, hindi ko na pinatagal pa ang usapan dahil mahirap na at baka may makakita sa amin. Sinubukan n'yang pigilan ako at hinawakan sa kamay pero masyado s'yang mahina lalo na sa lagay n'ya ngayon. "I pity you, Elle.." mahinang sambit ko habang pinapanood s'yang nahihirapan huminga. "Criza.. don't do thi-this..." umiiyak n'yang pagmamakaawa. "It's too late now to back off." Hinawi ko ang buhok n'ya at ngumit. "This is for the best dahil wala na rin naman nang pag-asa ang lagay mo." Yumuko ako at tinapat ang labi sa tainga n'ya. "Everything's that yours will be mine now." Sunod kong ginawa ay inalis ko sa saksakan ang machine n'ya para hindi ito gumawa ng ingay. Pagbalik ko kay Elle ay nakapikit na ito at hindi na humihiga. Napalunok ako at tinignan kung may cctv camera ba dito sa loob pero mabuti na lang ay wala. Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili. Nang marinig kong may bumubukas ng doorknob ay agad akong napalingon roon, "sht." Mabilis akong pumunta sa balcony. Sinara ko ang pinto at sumilip sa loob. Nakita kong may isang babaeng pumasok, hindi ko makita ang mukha n'ya dahil nakasuot ito ng hoodie at face mask. Nang makalapit s'ya kay Elle ay narinig kong umiyak ito. Kailangan ko nang makaalis rito bago pa ako mahuli. Lumingon ako sa kanan ko at may nakita akong emergency exit stairs. Mabilis akong nagtungo rito at habang bumababa ay hindi ko maiwasang mapaisip kung sino ang babaeng bumisita kay Elle. Alam kong wala namang ibang kaibigan o pamilya si Elle bukod sa akin... sino kaya iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD