YRA**
Napamulat ang aking magandang mata dahil sa mga naririnig kong mga maingay sa paligid ko dahan dahan ako nag angat nang katawan at tinignan ang paligid ko na pinag mumulan nang ingay ganun nalang ang panlalaki nang aking singkit na mata nang makita ko ang mga katulong na maingat na nilalagay ang mga damit ko sa maleta ko na dako ang tingin ko sa tatlong maleta na nakatayo sa gilid nang pintuan.
"Goodmorning madam, kanina pa po nila kayo inaantay sa labas" greet sakin nang isa sa katulong mag sasalita pa sana ako nang inalalayan ako nang dalawang maids papunta sa restroom at alam ko naman na pinapaligo na nila ako..
Pero anong nanyayare bakit halos lahat nang damit ko sa maleta ko? pinapalayas naba nila ako nila mama at papa huhuhu hindi naba nila ako mahal?
Dali-dali ako tinapos ang aking paliligo nadatnan ko ang dress na floral sa higaan ko pero nilagpasan ko yon at binuksan ang kabinet ko ganun nalang ang pang lulumo ko nang makita kong walang laman na kahit isa ang aking kabinet tumingin ako sa side kung saan ko nakita kanina ang mga maleta ko takte wala na din..
Bumuntong hininga ako at pilit sinout ang floral na dress actually maganda siya pero hindi ito ang tipo ko soutin. Sigurado din akong hindi akin to dahil sa dami kong damit kahit isang floral na design wala ka makikita.
"Madam pinapatawag kana po nila seniorito at seniorita" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa biglang pag sulpot nang maid namin.
"Ate may lahi kang kabute?" tanung ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa living area.
"haha wala po madam" natatawang sagot niya na ikina kunot-noo ko sa kanya bakit kailangan tumawa wala naman nakakatawa sa tanung ko ts.
Hindi ko nalang pinansin si yaya baka mahawa pako sa pagiging weird niya.
Nang makarating kami sa living area nakita ko ang mga men and black na dala dala ang maleta ko kaya agad ko sila hinabol.
"HEP HEP MGA MIB! saan niyo dadalin ang gamit ko" naiiyak na inaagaw ang maleta ko sa kanila pero hindi nila ito binibigay sakin nakita ko naman si womanizer na gulat na nakatingin.
"HOY WOMANIZER TULUNGAN MOKO! NINANAKAW NILA GAMIT KO" sabay hatak sa laylayan nang sout niyang tshirt. Humagalakpak naman siya nang tawa habang nag patangay sakin.
"Sige isakay niyo at mauna na kayo" malamig na utos niya sa mga lalaki mabilis ang mga ito kumilos hahabulin ko sila sana nang may humawak sa kamay ko.
"Where are you going lunatic girl?" napakalapit naman ng muka niya na usog tuloy ako bibira na sana ako nang salita nang marinig ko ang boses ni mama.
"Oh nandito kana pala henz, tara sa living area muna tayo" nakatingin lang ako kay mama habang naglakad to pabalik sa loob nang mansion nagtataka kase ako bihis na bihis si mama ngayon nagulat nalang ako nang may kumaladkad sakin.
"Bitawan mo nga ako!" sighal ko sa kumag na ito binitawan niya din pero ang king ina hinatak ako paupo sa tabi niya bubulyawan ko sana siya nang mag salita si mama.
"Bagay na bagay talaga kayo nang anak ko henz" tila kinikilig si mama sa sinabe niya napabusangot naman ako kay mama minsan talaga walang sense ang sinasabe ni mama eh,
"Ma tao ako. tao ako at itong katabi ko hayop so asan ang bagay don?" nakabusangot na sabi ko sa kanya na ikina asim nang muka nilang tatlo.
"HAHAHHA! that's way i love you sis give me a hug" akmang hahawakan niya ako nang sinapok ko siya.
"Pakers ka! may kasalanan ka sakin Yrico akala mo nakakalimutan ko na ah!" Nakita ko ang pamumutla niya at paulit ulit nang pag lunok niya dahil sa sama nang tingin ko sa kanya.
"yra sit down and you two Yrico saka nyan kalokohan niyo hindi na kayo nahiya dyan sa bisita natin" pangangaral ni papa samin.
"BWISITA KAMO" sabay na ani namin ni kuya kaya nag high five kami habang lihim na tumawa
"Tumigil kayong dalawa" suway ni mama na ngayon galit na. Agad naman kami umayos nang upo ni kuya.
"Yra i mo-move ang wedding" agad ako napapalakpak dahil sa na rinig ko sa sinabe ni papa may chance pa ako mapabago ang isip nila about sa wedding thingy na gusto nila pero agad din nawala ang ngiti ko nang makasalubong ko ang matatalim na tingin nila mama sakin kaya agad ako umayos nang upo at pinipigilan ngumiti.
"Dahil may kailangan kami asikasuhin sa canada kaya nag desisyonan namin na pag ka panganak mo nalang ang wedding" tumango ako kay dad habang nakangiti.
"At dahil kasama ko ang mama at kuya mo kila henz kana muna titira para may aagapay sa pag bubuntis mo" mama added na ikinalumo nang aking pag katao. Ang sayang naramdaman ko kanina bigla nag laho dahil sa sinabe ni mama parang gusto ko na mag layas ngayon o kaya mag panggap na hindi ko narinig ang sinabe ni mama.
Dahil ang makita ko nga lang siya kumukulo na ang dugo ko paano pa kaya mag sama kami sa isang bahay baka ikulong ko siya doon sa room niya habang pinag pla-planuhin ko kung paano ko siya papatayin.
Naka busangot lang ako sa buong habilin ni mama hanggang nasa byahe na kaming dalawa netong kumag na nag dadrive tsk.
Tahimik lang ako sa byahe habang pinaplano kong paano ko papatayin tong kumag na to.
Ano kaya kong sunugin ko ang bahay niya habang natutulog siya mamaya?
O kaya lagyan ko nang ahas yong room niya.
Pwede din naman lasunin ko nalang siya diba mas madali yon? Kaso kailangan ko pa ba mag effort mag luto tsk kakapagud din yon ah...
Na hinto ang masama kong plano nang masubsub ang muka ko dahil sa biglang preno nang driver na katabi ko!
"ANO BANG PROBLEMA MO! PAG AKO NAKUNAN DITO ITUTULOY KO TALAGA NA PATAYIN KA" bulyaw ko sa kanya agad ko naman tinakpan ang bibig ko dahil sa sinabe ko patay! Nadulas ang bibig ko huhuhu help me lord! Nanlilisik ang kanyang mata na nakatingin sakin ngayon at nagsalubong ang makapal niyang kilay.
"Anong sabi mo?" he asked in cold tone o to the m to the g! im so f*****g dead.
"Hehehe sabi ko nga hindi ako makukunan eh, " pilit na ngiti na sabi ko sa kanya dahil sa lamig na tingin niya sakin huhuhu yong totoo taong yelo ba siya? Baka naman isa siya sa member nang avengers hindi niya lang inaamin.
*BOGS!
Kalabog nang pag sara nang pinto kaya dali-dali lang ako sumunod sa kanya nandito na pala kami sa bahay niya well maganda siya napansin ko kanina mula sa gate na pinasukan naming mga 5 minutes bago kami mismo nakarating sa naka tayong malaking bahay nasa harap ko.
Maganda ang style nang bahay kung bahay nga ba matatawag.
"Hindi ka mahirap kaya wag ka umaktong baguhan sa ganitong bahay at kumpara sa mansion niyo kalahati lang to kesa sa inyo" seryoso na sabi niya habang hinahatak niya ako papasok.
Ang ganda ang linis tignan white kase ang paint nang mansion pati ang loob kulay puti kaya lalong ang ganda pag pasok palang kita ko na ang stairs na nasa left side gawa sa glass yong railings nang hagdan pa zigzag ang style nang hagdan niya.
Humakbang ako kita ko yong dalawang mahabang white couch at dalawang small center table sa center meron dalawang love seat na talagang bumugay sa combination na kulay which is white and red. Tinignan ko yong kitchen ganun nalang ang pag hanga ko ang Makita ko ang combination nang kulay it's gold and red.
"ts you look stupid" rinig kong sambit niya pero hindi ko siya pinansin dahil nagagandahan ako sa nakikita ko hindi naman sa ignorant ako ah pero ito kase yong gusto kong style nang bahay.
"Good afternoon ma'am" napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa gulat ko ngumiti ako sa kanya baka mamaya sabihin nila maldita ako eh pero totoo naman hihi pero papakabait muna ako.
"Tara na hahatid kita sa room mo para makapag pahinga nako" sabay hatak na naman niya sakin sinipa ko nga siya masakit na kaya ang wrist ko dahil sa kahahatak niya sakin.
"isang hatak pa womanizer sinasabi ko siya di ka sisikatan nang araw" matalim na tingin ko sa kanya akala niya ah!
"Puta ang sakit!" ika-ika siya pero dahil sa mabait ako inalalayan ko siya.
"Sabihin mo nga sakin may sayad kaba? O maluwag ang turnilyo mo?" mga tanung niya nakakairita habang paakyat kami grabe hinihingal ako ang bigat nang kupal na to.
"Hoy tinatanung kita" sighal niya nang ilapag ko siya couch nandito sa ikalawang palapag ang ganda grabe nang bahay na ito.
"Saan ang room ko?" tanung ko sa kanya gamit ang malambing na himig ko sa kanya. Kumurap kurap siya bago niya ako tinapunan nang gamit na gamit niyang death glare.
"Diba nag tatanung ako sayo" sighal niya sakin kaya napa busangot ako sa kanya at padabog umupo sa sofa na nakaharap niya.
"Ano ba kase yon" inis na sabi ko sa kanya habang pinaglalaruan ang laylayan nang damit ko.
"Ts! Whatever, Yong gold na door yon ang room mo" sabay ika-ika pumasok sa itim na pintuan.
Tignan mo yong baliw na yon pag tapos - Argh! bahala nga siya pa dabog ako humakbang papasok sa room na may kulay pink marahan ko ito binuksan ganun nalang ang pag kinang nang aking mata nang makita ko ang ayos at design nang room ko this room is f*****g luxury expensive.
It was Round Queen size bed na gold na ang kulay ang nakikita even the curtains, chair, table, cabinet, and so on.
Nakangiti akong sumalampak sa higaan ko well, not bad na din atleast may isang reason ako para hindi sunugin to hahaha.
-TO BE CONTINUE-