FIVE ❤️

1814 Words
- DM - Madilim ang kapaligiran. Maraming puno. Lubak-lubak ang daan. Patuloy lang ako sa paglalakad, papunta sa hindi ko malaman kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Hindi ako nakararamdam ng pagod kahit sobrang layo na ng nalalakad ko. Hanggang sa marating ko ang dulo. Tanaw ko ang malawak na karagatan. Mahamog. Mausok. Hindi malinaw sa paningin ko ang buong kapaligiran. Hanggang sa marating ko ang pangpang ng dagat ay kusang tumigil ang mga paa ko. Nilibot ko ang aking paningin sa buong isla at wala akong makita maski isang tao na puwede kong pagtanungan. "Dannie..." Nagulat ako nang bigla lumitaw sa harapan ko ang isang lalaki. Malinaw sa paningin ko ang kanyang mukha. "RJ, anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Nakasuot siya ng itim na t-shirt at itim na pantalon. Litaw na litaw ang kaniyang kaputian sa damit na suot niya. "Namamasyal," tipid niyang sagot. Hinila niya ang kamay ko papunta sa dagat. "RJ, anong gagawin natin?" Hindi niya sinagot ang tanong ko. Binitawan niya ang kamay ko at lumusong sa dagat. Alam ko na gusto niya ang beach dahil madalas niyang kinukwento sa akin ang bawat travel destination na pinupuntahan ng pamilya niya pero sobrang takot naman siya sa malalim na parte ng dagat. "RJ, sigurado ka na lalangoy ka ngayon? Madilim na at baka mapano ka pa riyan. Bumalik ka na rito." Hindi siya tumigil sa paglusong sa dagat. Lumiliit na siya sa paningin ko, senyales na malayo na ang narating niya. "RJ!!!" Sinikap kong lakasan ang boses ko para marinig niya pero walang RJ ang nagpakita. Nabalot ng takot ang nararamdaman ko. Takot na baka mawala siya sa akin. "RJ!!!" Mas nilakasan ko pa ang sigaw ko. Nang may makita akong kamay na lumitaw sa ibabaw ng dagat. Si RJ! Lumusong na ako sa dagat para matulungan siya. Si RJ, ang nag-turo sa akin kung paano lumangoy. Sa swimming pool nila ako tinuruan kaya naman ngayon ay nagagamit ko ang swimming lesson na ginawa namin. Hindi niya lang siguro kasundo ang dagat dahil minsan ng kinuwento sa akin ng mama niya na nalunod na rin ito sa dagat noong bata lang si RJ. Nang maalala ko ang sinabing iyon ng kanyang ina ay mas lumakas ang loob ko na iligtas siya. Mabuti na lang at nakuha ko na rin ang kamay niya at nilagay ito sa aking balikat. Mabilis akong nakalangoy dahil hindi ko naramdaman ang bigat niya. Nang marating namin ang pangpang ay agad akong humiga sa puting buhangin. Gayundin naman ang ginawa ni RJ. Rinig ko ang paghabol niya sa kaniyang hininga. "Ayos ka lang ba, RJ?" "Oo, ayos lang ako." Naidilat ko ang aking mata nang marinig ko ang kakaibang tinig ng boses niya. Natakot ako sa aking nakita. Hindi maaari ito!!! "Kumusta na, Dannie?" Nakaramdam ako ng sobrang takot. Mas masahol pa sa takot na naramdaman ko nang makita kong nalulunod si RJ. Nasaan si RJ? Bakit ibang tao na ang katabi ko?! "Oh, hindi ka na nakapagsalita? Hindi ka ba masaya na makita ako?" Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto kong tumakas. Gusto kong tumakbo pero parang na-stroke na ako dahil maski daliri ko ay hindi ko maigalaw. Nakita ko siyang bumangon mula sa pagkakahiga. Natatakot ako sa nakikitang pagnanasa sa kaniyang mata. Hinawakan niya ang kamay ko, paakyat sa aking balikat. Dumako ang paghaplos niya sa aking pisngi hanggang sa aking labi. Hindi ko man maigalaw ang katawan ko, dama ko naman ang panginginig ng buong katawan ko. "Hindi ka na ulit makakatakas sa akin, Dannieca Mae. Sa akin ka lang. Walang puwedeng magmay-ari sa iyo. Ako lang!" Para siyang hayok na demonyo sa paningin ko. Naibuka ko ang aking bibig pero walang salita ang lumabas. Mistula akong pipi na panay ungol lang ang nagawa. Panginoon, huwag niyo po pahintulutan na magtagumpay ang masamang tao na ito na gawin ang masama niyang balak sa akin. Paulit-ulit kong dinasal iyon. Pumatong siya sa akin at sinimulan akong halikan sa leeg. Lord, iligtas niyo po ako. Maawa na po kayo sa akin, Lord. Mukhang dininig ng Panginoon ang dalangin ko dahil unti-unti naglaho sa paningin ko ang masamang nilalang na iyon. Nagbago rin ang hitsura ng kapaligiran ko pero may nakaharang sa mata ko. Hinawakan ko ang nakaharang na iyon at nalaman kong hibla ng buhok iyon. May kakaiba rin akong nararamdaman dahil parang may mabigat na nakadagan sa katawan ko. Nanlaki na lang ang mata ko ng may isang pares ng mata na kulay tsokolate ang lumitaw sa harapan ko. Dahil sa sobrang takot ay naitulak ko ng sobrang lakas ang nagmamay-ari ng matang iyon. Mabuti na lang at naigagalaw ko na ang katawan ko. "Oooouuuuucccchhh!!!" Hindi naman ako nagpatumpik-tumpik pa, binuksan ko agad ang ilaw na nasa tabi ng kama ko. Lamp shade yata ang tawag doon. "Riesha?!!" Si Riesha ang nakadagan sa akin kanina? Sa kaniya ang buhok na nakita kong nakaharang sa mata ko?! At sa kaniya rin iyong mata na nakita ko kanina?! "Binabangungot na naman ako. Gising, Dannie, gising!!!" sabay sampal sa magkabilang pisngi ko pero parang totoo na nga ito dahil nasaktan din ako sa ginawa kong pagsampal sa sarili kong mukha. "You fcking hurt me." Hindi niya kayang sumigaw dahil alam niyang makaka-istorbo siya kung sisigaw siya. Napalakas yata ang tulak ko dahil hirap na hirap siyang makabangon mula sa sahig. Bigla ang daloy ng kaba ko ng lubusan ko maisip na nasa loob siya ng kwarto ko. Tiningnan ko ang sarili ko at mabuti na lang dahil nakatago pa rin ang katawan ko sa kumot. "Bakit ka nandito?! Bakit ka nakapasok dito?!" "Shut up and help me!" Lukaret talaga itong kapatid ni Sir Rint. Saan ba ito pinaglihi at sobrang lakas ng trip? "Tulungan mo ang sarili mo riyan. Papasok-pasok ka ng walang permiso sa kuwarto ko tapos hihingi ka ng saklolo. Kasalanan mo iyan kaya tumayo ka riyan." Naalala ko kasi na wala na akong suot na bra kaya hindi ako puwedeng tumayo. And speaking of bra, tumingin ako sa cabinet ko. Intact pa rin ang padlock na nakalagay roon. Sinadya ko talaga mag-lagay ng padlock sa cabinet ko dahil na rin sa mga gamit na tinatago ko. Hindi puwedeng ibalandra sa kuwarto ang bra, napkin, pantyliner at iba pang gamit ng isang tunay na babae na kagaya ko, puuwera lang sa underwear dahil sinadya ko talagang bumili ng brief bago ako pumasok dito bilang "personal assistant" ni Sir Rint. "Isusumbong kita kay Kuya" "Isusumbong din kita kay Sir Rint. Nakaka-dalawa ka na, Riesha huh." "Ma'am Riesha! Irespeto mo ako dahil katulong ka lang dito." "Lumabas ka na, Maam Riesha or ako na mismo ang babangon para gisingin si Sir Rint. Tingnan lang natin kung sino ang papaniwalaan niya sa atin." Noong nakaraang araw kasi ay nalaman nga ni Sir Rint na pinag-tripan ako ni Riesha dahil marunong naman daw pala itong lumangoy. Hindi totoo iyong nalunod siya at nawalan ng malay. Padabog siyang tumayo mula sa sahig. Hindi ko alam kung nagloloko pa rin siya dahil pa-ika ika siyang tumayo at naglakad papunta sa pintuan. "Pagsisisihan mo rin, DM, ang ginawa mo sa akin. Sisiguraduhin kong lalapit ka rin sa akin at magmamakaawa." Lumabas siya ng kuwarto ko at iniwang nakabukas ang pintuan. Napailing na lang ako sa inaasal ng kapatid ni Sir Rint. Ano bang problema noon at ang hilig magpapansin sa akin? Bumangon din naman ako at sinara ang pintuan. Kailangan ko na rin siguro palagyan ng isa pang padlock dito sa loob ng kuuwarto dahil malamang ay may susi si Riesha ng door knob kaya malaya siyang makakapasok dito. Naku naman, kailan ba siya kukuhanin ni Madam Melanie? Sagabal siya sa trabaho ko eh. Imbes na nakakapagtrabaho ako nang matiwasay ay magkakaroon pa ako ng problema dahil sa sutil niyang kapatid. Nanganganib ang sikreto ko sa kaniya kaya kailangan kong mag-ingat. Pumunta ako sa salamin at tinitigan ang repleksyon ko. Nagtaka pa ako dahil may kung ano ang nakalagay sa pisngi ko. Lumapit ako sa salamin at nagulat ako sa natuklasan. "Lipstick?" - RINT - "Nabili na ba natin lahat, DM?" Tanong ko kay DM na may hawak ng listahan namin. Pinasulat ko sa kanya lahat ng kailangan sa bahay at nandito kami sa Supermarket para mag-grocery. It's Saturday and since half-day lang ako sa work ay nag-desisyon akong mamili dahil nagrereklamo na ang PA ko na halos wala na raw laman ang refrigerator namin. Dahil hindi pa pamilyar si DM dito sa lugar, sinama ko na muna siya sa pag-go-grocery pero kung tutuusin, trabaho niya talaga 'to, kaya nga "Personal Assistant" ko siya 'di ba? Kapag nalaman na niya ang pasikot-sikot dito sa mall, hahayaan ko na siyang mamili. "Opo, Sir," narinig kong sagot niya. Punong-puno ang isang pushcart na tulak-tulak ko. Itong mga pinamili namin ay good for one month na dahil dalawa lang naman kami ni DM sa bahay. Bumili ako ng mga sangkap na ginagamit niya sa pagluto. Bumili rin ako ng frozen meat, eggs, oats, milk, fresh fruits, canned goods, snacks, breads, beverages, toiletries, cleaners. "May mga kailangan ka pa ba, DM? Kunin mo na para isang bayaran na lang." "Po?" Lumingon ako sa likuran ko dahil nahuhuli siya sa paglalakad namin. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat. "Oh, ba't parang gulat na gulat ka? May sinabi ba akong hindi maganda?" Kinumpas-kumpas niya ang kaniyang kamay na para siyang Maestro sa isang Opera. "Naku! Hindi po, Sir. Um, nagulat lang po ako kasi ililibre niyo po talaga ako." "Huh? Sinong may sabi na ililibre kita?" pagkukunyari ko. "Po?" His facial expression was priceless. Para siyang bata na walang muwang sa mundo. Well, DM is such a cute guy. No, I'm not a gay. I know myself and I'm 101 % straight guy. Of course, ang kagaya kong may guwapong mukha ay marunong din kumilatis sa kabaro ko. Hindi man siya naka-formal attire na tulad ng suot ko, alam kong malakas ang hatak niya sa mga babae. Speaking of attire, napailing na lang ako sa suot niya. Khaki shorts at maluwang na T-shirt, naka-tsinelas lang siya na parang mamamalengke lang. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin ang suot niya? Ako itong parang CEO sa porma na nagtatrabaho sa sikat na kompanya habang ito namang kasama ko ay parang tindero lang sa isang palengke. Pero tindero na malinis naman tingnan huh. Iyon nga lang, hindi bagay ang suot niya rito sa Supermarket, na halos lahat ng namimili ay parang aatend sa isang bonggang kasal dahil sa mga suot nila. Ganoon man ang suot niya, bagay na bagay sa kaniya ang kaniyang kulay na kayumanggi. Ang kaniyang height ay angkop din naman sa ka-cute-tan niya. Hindi nga ako bakla. Napabuntung-hininga na lang ako sa naiisip ko. 1787
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD