TWO ❤️

1536 Words
- DM - Nakahiga na ako sa kama at hanggang ngayon na 2am ay hindi pa rin ako ulit makabalik sa pag-tulog. Nagising lang naman kasi ako dahil sa masamang panaginip na napapadalas ang pagdalaw sa akin ngayon. Pilit ko na iyon kinakalimutan pero nagpupumilit pa rin na nagbabalik. At sa panaginip ko pa talaga lumilitaw. Ang nakaraan na gusto ko ng ibaon sa pinaka-ilalim ng lupa. Komportable naman ako rito sa bahay ng amo ko. Limang araw na ang nakararaan mula ng dalhin ako rito ni Madam Melanie sa bahay ng anak niya para maging "personal assistant". Stay-in ako at every Sunday ang rest day ko. Dalawang araw pa ang hihintayin bago ako makauwi. Buti na lang at every Saturday ang sahod ko kaya naman mabibilhan ko ng pasalubong si Mama Sweet sa pag-uwi ko sa Linggo. Naging maayos naman ang paninilbihan ko sa kaniya. Mas nakakakilos ako ng maayos sa gawaing bahay dahil bihira kami magkita or magkausap ni Sir Rint. Minsan kasi ay tulog na ako kapag uuwi siya. Iyon din kasi ang bilin niya, 'wag na raw siya hintayin dahil late talaga siya kung umuwi kaya naman mayroon namang basbas ang pagtulog ko kahit wala pa siya. Sinisigurado ko naman na nagawa ko na lahat ng tungkulin ko bago ako magpahinga. Okay naman ang aking trabaho. Wala akong naririnig na masamang komento tungkol sa kaniya kaya pinag-iigihan ko pa ang trabaho ko rito. Pinaglilinis ko siya ng bahay, inaalagaan ang halaman niya na suwerteng nagkaroon na rin ng buhay simula nang madiligan ko, inaayos ang gamit niya sa kuwarto na kadalasan ay iniiwan niyang sobrang gulo, pinaglalaba, pinag-paplantsa, pinag-luluto na halatang nagugustuhan naman niya dahil madalas niyang nauubos ang hinahanda kong pagkain. Pero ito na nga ang pinoproblema ko, gusto ko na bumalik sa pagtulog pero hindi ko magawang ipikit ang mata ko dahil baka magpakita na naman ang demonyong iyon sa isip ko. Bumangon na lang ako at lumabas ng kuwarto. Pumunta ako sa kusina at nagbukas ng ref. Hindi naman ako matatakutin sa dilim kaya hindi na ako nagbukas ng ilaw. Ang dating walang kalaman-laman na refrigerator ay muling nalagyan ng kulay simula ng ipag-grocery namin siya ni Madam Melanie. Sinamahan ko mamili si Madam Melanie at tinuruan niya ako kung ano lang dapat na bilhin para kay Sir Rint. Binanggit din niya sa akin ang mga paboritong pagkain ng panganay niyang anak. Nag-share pa siya sa akin ng ilang recipe na puwede kong ihanda kay Sir Rint. Hindi naman madamot si Madam Melanie kaya nakakakain naman ako ng libre. Nakakakain pa ako ng masasarap na pagkain. Kumuha ako ng pitsel at tumingin muna sa madilim na kapaligiran bago kumuha ng isang Goya chocolate. Sarap na sarap ako sa paglantak ng Goya Dark Chocolate nang bigla na lang nagliwanag ang paligid ko. "OH s**t!" Oh s**t talaga! Si Sir Rint! "Sir....." agad kong tinago sa likod ko ang chocolate at nanginginig na tumingin sa boss amo ko. Nalunok ko pa iyong malaking kagat ko sa chocolate nang mapansin ko ang ayos niya. Wala siyang pang-itaas at naka-boxer short lang siya. Hindi ko naiwasan at napalunok na naman ako nang makita ko ang nasa gitna ng hita niya. "Papatayin mo ako sa takot, DM eh. Ano bang ginagawa mo at hindi ka man lang nagbukas ng ilaw rito?" Bakit kasi gising pa si Sir Rint eh? Dapat mahimbing na itong natutulog sa kuwarto niya. "Ah... Eh... nagtitipid lang po sa kuryente, Sir." "Nagtitipid? Bakit? Ikaw ba ang magbabayad ng electric bill? Hindi naman ah." Kumuha siya ng baso at lumapit sa mesa. Kinuha niya ang pitsel at naglagay ng tubig sa baso. "Saka 'wag mo na ngang itago iyang kinakain mo sa likod. Hindi naman kita pinagbabawalan basta buksan mo ang ilaw kung may gagawin ka dahil mapagkakamalan kitang magnanakaw eh. Buti hindi kita nasuntok kanina." Nilagok niya ng isang inuman lang ang tubig. Pagkatapos niya mailapag ang baso ay agad nagbalik ang tingin niya sa akin. "Saka ganyan ka ba talaga matulog? Naka-t-shirt tapos naka-pajama pa?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at parang sasabog ang ulo ko nang maalala ko na nagtanggal ako ng bra kanina. Ugh! Bakit sa ganitong pagkakataon pa kami pagtatagpuin ng boss amo ko?! Dahan-dahan kong hinawakan ang laylayan ng t-shirt ko at pasimpleng inangat ito para hindi mahuli ng mata niya ang umbok sa dibdib ko. Kung may umbok nga. Alam kong maliit lang itong hinaharap ko pero dapat pa rin ako mag-ingat. Hindi niya puwedeng malaman ang sikreto ko. "Ah. O-opo. Nakasanayan ko na po talaga ang ganitong damit kapag natutulog, Sir." "Naiinitan ako sa ganiyang suot mo eh. Dapat naka-boxer short ka na lang or sando. Ang init pa naman ng panahon ngayon." "H-Hindi po... ako k-komportabe...Sir... na hindi naka-t-shirt at pajama." Nabibilaukan tuloy ako ngayon sa pakikipag-usap kay Sir Rint. Bahagya akong tumagilid sa kaniya para hindi niya masyado pansin ang hinaharap ko. Inabot ko ang pitsel at naglagay na rin ng tubig sa baso at uhaw na uhaw na uminom. "Kung sabagay. Sanayan lang talaga iyan. Minsan nga natutulog pa ko ng walang saplot sa katawan eh." Sa sinabi niyang iyon ay hindi sinasadya na nabilaukan nga ako. Sumabog tuloy ang tubig sa bibig ko. "Oh, okay ka lang?" Ugh! Gusto ko nang tumakbo sa kuwarto nang maramdaman ko ang kamay niya na dahan-dahan humahagod sa likod ko. Mas lalo tuloy akong naubo sa ginawa niya. Nang mahimasmasan, pasimple akong lumayo at nahihiyang tumingin sa kaniya habang nakatagilid ako. Mukhang malilintikan pa yata ako nito ah. "S-Sir, balik na po ako sa k-kuwarto ko. T-Tinablan na po ako ng antok. G-goodnight po." Napansin ko ang pagpipigil niyang tumawa "Okay. Good morning, DM. It's already 3AM." "Ah....E-Eh... Good morning na po pala. Sige, Sir, maiwan ko na po kayo." Mabilis akong tumalikod at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon. - RINT - Nakabalik na ako rito sa kuwarto ko and I'm hoping this time ay makatulog na talaga ako. Napailing na lang ako nang maalala ko ang namumulang mukha ng "personal assistant" ko. I can't believe na makikita ko ang binata na iyon na kahit moreno ay namumula? So weird. Yeah, very weird. Hindi ko talaga alam na posible talagang may lalaki na marunong sa gawaing bahay. Tinalo pa nga yata niya si mama sa pag-aasikaso eh. Wala akong maipipintas sa trabaho ni DM. Maayos, lahat ay nasa tamang lugar. Siguro kung isasama ko rito ang mga kaibigan ko ay aakalain nila na may babae na akong binabahay sa sobrang pagkakalinis ng buong kabahayan ko. Mabuti na lang pala talaga at naidala siya rito ni mama. Ngayon lang ako naging kakomportable sa bahay ko na tuwing uuwi ako ay hindi na ako mag-aalala kung ano ang kakainin ko dahil pag-uwi ko ay nakahanda na ang pagkain ko. Grabe, sobrang sarap magluto ni DM. Puwede siyang maging chef sa sobrang sarap ng pagkain na hinahanda niya. Iyon bang simpleng pagkain ay nagagawa niyang extra special. Kung balak niyang mag-aral sa kolehiyo, isu-suggest ko sa kaniya na culinary na lang ang kunin niya. Hindi pa kami gaano nakakapag-usap ni DM simula nang bitbitin siya ni mama dito five days ago. Iyong pag-uusap namin sa kusina ang pinaka-mahaba at first interaction namin sa isa't-isa. Nagkikita naman kami bago ako pumasok sa work dahil sa umaga ay nagpe-prepare na siya ng kakainin ko. Sa gabi naman, hindi ko na siya inoobliga na hintayin akong makauwi dahil hindi na sakop ng trabaho niya ang hintayin ako. May kusa naman siya kaya hindi na ako nagbibigay ng instruction sa kaniya kung ano at hindi dapat gawin. Bukod sa pangalan, edad at pangalan ng nangangalaga kay DM, ay wala na akong alam tungkol sa pagkatao niya. Hindi ko pa nga pala natatanong kung ano ang ibig sabihin ng DM niya. Tiwala rin naman kasi ako sa rekomendasyon ni Mama kaya hindi na ako masyadong nag-aalala ngayon kung mapagkakatiwalaan o hindi si DM. Minsan ko na siyang sinubukan ng mag-iwan ako ng isang libong pera sa dining table bago ako pumasok at sa pag-uwi ko, nadatnan ko pa rin na naroon ang pera. Hindi rin naman niya binigay sa akin. Nagbigay pa ako ng isang test sa kaniya nang ilapag ko naman sa kitchen table ang silver necklace ko at sa pag-uwi ko, naroon pa rin. Kaya kampante na rin naman ako sa kaniya na nandito siya sa bahay ko. Si mama kasi ang may gusto na gawin siyang stay-in. Kung ako nga lang ang masusunod, gusto ko sana mag-uwian siya pero sabi ni mama mas okay na raw na kasama ko si DM para hindi raw ako nag-iisa sa bahay. And speaking of mama, bilin niya sa akin na dadalaw raw sila rito sa Sunday ni Riesha kaya pinapa-cancel niya sa akin lahat ng appointment ko sa Sunday dahil gusto niya magkaroon naman daw kami ng family bonding. Hindi na ako tumanggi dahil gusto ko na rin naman sila makasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD