-RINT- Tapos na ang opening production ng kapatid ko na si Riesha. She sing and dance. At ang tugtog─kpop. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kpop at baliw na baliw ang mga kabataan sa pamumuhay nila, sa musika nila, sa itsura nila at kung anu-ano pa. Mayroon siyang mga girls back-up dancer na parang mga kaklase niya. Dalawang kanta yata iyon na ginawa niya kanina. Sa totoo lang, wala naman ako masyado maintindihan sa kaganapan sa birthday ng kapatid ko. Ang nasa isip ko lang ay siya─siya na may kakaibang dating sa akin. Unang kita ko pa lang sa kaniya, alam kong may kakaiba na sa kaniya and her name is Dannieca. Those eyes, it's now marked on my memory. Nakapikit ako nang marinig kong nagsalita si Jim. "Are you alright, dude?" Napadilat ako sa tanong na iyon ni Jim. Kasama ko sa b

