“Here…” ani Henry sabay abot ng dalawang paper bag kay Liana. Nasa penthouse sila at kakatapos lang niyang paluguran ang binata. “Ano ito?” takang tanong niya at sinilip ang laman noon. Isang dress at sapatos ang nakita niya doon. “Para saan ‘to?” tanong niya sabay sulyap kay Henry na abala ng mga sandaling iyon sa pagsamyo ng buhok niya. “You’ll be my date tomorrow,” namumungay ang mga matang tugon nito at ipinagpatuloy ang ginagawa na sinabayan pa ng mapinong paghaplos sa kanyang may braso. “Date? Saan? Bakit?” magkakasunod na tanong niya na hindi ito pinansin kahit pa nga nararamdaman na niya ang unti-unting paninigas ng kanyang mga n*ppl*s. Ganoon katindi ang epekto ng lalaki sa kanya madikit lang sa bahagya sa balat nito. “Can we talked about that later?” anas nito and cupped

