Liana woke up early. Marami siyang gagawin sa araw na iyon. Nasa bakasyon si Mrs. Enriquez kasama ang mga amiga nito at binilinan siya nitong linisan ang kwarto nito. Sinadya talaga niyang gumising ng maaga para madaling matapos ang trabaho niya at para madalaw niya si Lester sa ospital. Hindi naman siguro masama kung gagawin niya iyon dahil si Mrs. Enriquez mismo ang nagsabi sa kanya na bisitahin ang kapatid. Hindi niya rin kailangang problemahin si Henry dahil sa penthouse ito maglalagi habang wala sa mansyon ang ina. Pakanta-kanta pa si Liana habang naglilinis ng silid ng ginang. Sisiguraduhin niyang wala ni isang alikabok itong dadatnan doon. Dito man lang ay makabawi siya sa mga naitulong nito sa kanya. Nang nasa dressing room na siya, isa-isa niyang binuklat ang mga drawer doon

