“Bigyan mo pa ako ng konti pang panahon… Huwag kang mag-alala, madali ko ng makukuha ang gusto ko,” banayad na wika ni Cely sa kausap nito sa telepono. Tumigil ito sandali at pinakinggan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. “L*nt*k naman, oo! Ano bang sinasabi mo? Nagpapakasanta na nga ako dito para lang hindi maghinala ang mga anak ko sa akin,” gigil na wika nito sabay hithit ng sigarilyo. Nasa likod-bahay ito at maghahating-gabi na rin ng mga sandaling iyon. Sinadya talaga nitong lumabas ng ganoong oras para walang makarinig dito. “Ay naku, Domeng! Walang pupuntahan ang pag-uusap nating ito. Sa ibang araw na lang ulit ako tatawag at 'wag na 'wag kang makatawag sa akin, naintindihan mo?" anito at mabilis na pinatay ang telepono. Ilang hithit-buga pa ang ginawa nito sa sigarilyo bago

