CHAPTER 19

2132 Words
LIAM'S POV "Yun na nga, Cus. Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari sa amin nila Kuya Rolan kaya may pusong babae ako ngayon o baka naman matagal na. Pero what I know is sila ang first experience ko sa s*x" Sabi ni Chris habang nakapalumbabang nakatingin sa may sapa. "Hmmn..." Wala naman akong naisagot o masabi man lang sa kabila ng mahaba at detalyadong storya ni Chris tungkol sa s*x experience nya. Ang alam ko lang ay nalibugan ako sa mga ikinuwento nya. "Hi Lia! The who itesh na kausap ng beshy ko?" sabi ng boses na palapit sa amin na sabay naming nilingon ni Chris. "Ah! Anong ginagawa mo dito, Rene? (pronounce as Rin) tanong ko dito. "Hehe! I'm here to visit my dear frennie" sabi nito habang hinawi ang mahabang itim at wavy na buhok. "Ai, bakla ka! sino itong magandang babae na ito?" pabahol na banggit nito habang inilapit ang mukha sa nakaupong si Chris at sinimulang pagkakapain ang katawan nito. Pinisil - pisil at sinundot sundot pa ang pisngi. "Ay, ang taray naman nito parang manika" konklusyon nito matapos ng ginawang pagsusuri. Mabuti nalang ay kalmado lang si Chris at pangiti nya lang na pinag mamasdan ang mga kalokohan ni Rene. "Chris si Rene nga pala, Rene siya si Chris, pinsan ko" pinakilala ko sila sa isa't isa "Ako si Chris, Nice to meet you" bati naman ni Chris. "Rene nga pala, ang pinakamaganda sa aming magkakapatid" sabi naman ni Rene at yumuko na tila prinsesa. Nakilala ko si Rene nang kapal muka siyang pumasok sa aming bakuran ng walang paalam at pinuntahan ako nang makita nya akong nakaupo sa may tabi ng sapa. Sa di malamang dahilan ay ipinakilala nya sa akin ang kanyang sarili at gusto nya daw makipag kaibigan. Pumayag naman ako dahil muka namang hindi siya masamang tao. Siya ang naging kausap ko tuwing wala si Tatay Jack. Tatlong bahay lang ang layo nila sa amin kaya madalas niya akong bisitahin tuwing tanghali. Masayahing tao si Rene at nakakabilib ang self - confidence niya. Siya siguro yung extrovert type na tao. Di katulad namin ni Chris na may pag introvert. 19 years old na si Rene, nasa 5'5 ang height at may malusog na pangangatawan. Hindi payat at hindi rin mataba. Medyo maputi rin siya pero hindi kasing puti ni Chris. Madalas siyang naka dress at nakasuot ng pambabae. Hindi nawawala ang mga fresh na palamuting bulaklak nito sa kanyang ulo na tiyak kong hinablot nya lang sa kung saan bakuran. Lagi itong may dalang bag kung saan nakalagay ang iba't- ibang uri ng pangpaganda at ang kanyang bulaklaking pamaypay. Malinis sa katawan si Rene at laging mabango, kaya sa unang tingin ay aakalain mong babae ito. "So, bakit ka nga nandito?" Tanong ko habang tila wala ito sa sariling hinahawi ang halos gabalikat nitong buhok. "Si Kuya Brando kasi nagpasama sa akin dito, manghihiram daw ng gamit ng sasakyan dyan kay papi Jackie mo. Naawa naman ako kaya sinamahan ko na rin. Tsaka ihahatid nya nalang daw akong pauwi hehe!" Nakangiting sabi nito habang ipinapagpag ang tila palda sa kanyang suot na dress. "Eh dyan ka lang naman nakatira sa malapit ah, bakit magpapahatid ka pa?" "Wala kang pake, Lia. Inggit ka lang kasi may karwaheng handa akong inihahatid." "Wag mo nga akong tawagin nang ganyan, lalo na at nandito si Tatay Jack. Baka marinig ka" "Ay oo nga pala, secret lang natin na babae ka" Sabi ni Rene, taas kilay itong nakangisi sa akin na parang nang- iinis. "Oh? naalala ko na kung bakit nga pala kita pinuntahan, my dear Lia" Biglang sabi nito sabay hampas sa kanyang hita. Pinalapit nya kami ni Chris sa kanya at inilagay ang kanyang kamay sa tapat ng kanyang bibig na parang may gustong ibulong. "Eto na nga mga beckybells, yang si Kuya Brando na tirador nga mga dalagita sa kabilang barangay..." pasuspense na sabi nito. "I think... Uhhmmm... Bet ka nya, beshy! Aayyyy!" banggit nito at nag- isang tumitili sa sobrang kilig, sinabayan nya pa ito ng maliliit na pagtalon na labis na nagpagalaw sa kanyang suot.. Napapangiti nalang kami ni Chris sa mga kalokohan ni Rene. Hindi tuloy namin alam kung nag bibiro ba ito o seryoso. Kaya nang kumalma na si Rene sa mga katarantaduhan nya'y sabay- sabay namin tinignan si Kuya Brando na ngayo'y nakikipaginuman na kila Tatay Jack at Tito Dante. Nanlaki naman ang mata ko nang magtama ang aming mga mata, napansin ko siyang kinagat ang ibabang labi kasunod nang mapang- akit na mga ngiti. Agad kong inilihis ang aking tingin at ipinaling ang aking ulo sa batis. Kung ako si Kuya Brando ay pansin na pansin nya ang pag-ilag ko sa kanyang mga titig. "COMPIRMED with E..D" sabay na sabi nila Rene at Chris na may halong ngiti na nakatingin sa akin "Eh a- ano naman? May Tatay Jack na ako no?" "Wala naman kaming sinasabi ah, Cus" "Oo nga, ang landi mo talaga Lia! Hahaha! Bakit ganun mabenta ka sa mga barakong Daddy ano?" Biro ni Rene "T-tumigil ka nga baka marinig ka nila" pagbawal ko naman rito. "Ikaw ba Rene? Anong type mo sa lalaki?" biglang tanong ni Chris kay Rene. Binago nya siguro ang usapan dahil pansin nya na ang pamumula ng aking tenga sa hiya. "Eh? Yack ka Te! Kadiri amp!" pikit ta labas dilang sabi ni Rene habang naduduwal. "Eh? Bakit may mali ba akong sinabi?" "Hahaha! Hindi naman bakla yan si Rene eh! Tomboy kaya yan hahaha!" Bawi ko ng pang- iinis kay Rene at napatagilid nalang si Chris nang ulo sa pagtataka sa sinabi ko. "Hindi ba lalaki ka? Crossdresser ka diba??" Takang tanong nito habang mahinhin na nakaturo ang daliri kay Rene. "Yupp! Lalaki nga ako hehe" Pikit matang nakataas ang noo nito na parang nagmamalaki. "Nagbibihis babae nga ako, kilos babae at galaw babae pero hindi ako bakla no? In fact nandidiri ako sa mga lalaki, mga dugyot kaya yang mga yan. Mabilis pagpawisan, mayayabang, malilibog, at karamihan dyan di malinis sa katawan" "Oh? Sariling opinyon ko lang yan ha? Baka magalit kayo? Di ko naman nilalahat or pwede rin naman na mali ako pero hanggat yun ang sariling pananaw ko ay hindi ako magkakagusto sa mga yan no?" sunod- sunod na banat ni Rene ng kanyang sariling opinyon na pilit nalang naming inintindi. "So you like girl's stuff, you act like girls, dress like them even though lalaki ka?" Paglilinaw ni Chris. "Tama! Tumpak!" sagot naman ni Rene "Pero ayaw mo sa mga lalaki, at gusto mo babae?" pahabol ni Chris "Yes, Sir! Pero di ko sure kung about dun sa part na nagkakagusto ako sa mga babae kasi di ko pa na experience eh! Ang alam ko lang I like them. Kasi parang ang lalambot ng kutis nila, laging mabago, feminine at malinis sa katawan. Alam mo yun? Just like my Ate's they are all pretty but of course I'm the prettiest!" "Sa madaling salita tomboy ka?" biro ni Chris "Well, parang ganun na nga!" Napangiti nalang ako sa usapan ng dalawa at dahil ngayon lang nagbanggit si Rene about sa sarili nya ay parang mas lumalim pa ang pagkakakilala ko sa kanya. "Oyyy! Liam! Halika muna dito!" Tawag ni Tatay Jack kaya agad naman akong lumapit, sumunod din naman agad si Chris at Rene sa akin. "Ano po yun Tay?" "Bili ka pa nga ng alak at maraming yelo dyan sa malapit" sabi ni Tatay sabay abot sa akin ng kanyang pera. Laking gulat ko nalang nang maramdaman akong kamay na bahagyang itinaaas ang laylayan ng aking shorts at marahang hinihipo ang aking hita. Agad akong napatingin kay Kuya Brando na pasimpleng umiinom kunwari ng alak. Mas lalo kong napansin ang kanyang mga nakaw tingin sa malapitan kaya agad naman akong dumistansya mula sa kanya. Sa kabutihang palad ay wala namang nakapansin ng kanyang ginawang paghipo sa akin. Ayaw ko namang gumawa ng iskandalo habang nagkakasiyahan sila nila Tatay Jack. Marahil ay dahil lang sa tama ng alak kaya nya yon nagawa. "Oh! Sino pala itong magandang babae dito mga pre?" sabi ni Kuya Brando, Ngunit malagkit parin ang mga tingin nya sa akin. Mula itaas hanggang baba ay pakiramdam ko'y ako'y kanyang dinidilaan. "AHHHH! Ehem! Ngayon mo lang ba ako napansin? Pero dahil natanong mo na Kuya Brando ay magpapakilala na ko. Ako nga pala si Rene ang pinakamaganda sa aming magkaka-" taas noong sabi ni Rene habang nakalapag sa kanyang dibdib ang isang kamay nang biglang sumingit si Kuya Brando sa litanya nya. "Hindi ikaw Rene, Kilala na kita eh. Kilala na kita... Itong balinkinitan na parang si snow white ang tinutukoy ko" "Ah! Si Chris? Anak ko. Ganda no? Haha" Pagmamalaki ni Tito Dante. "Ahhh.. Chris pala pangalan mo?" "Opo. Nice to meet you po!" "Aba! Magalang din kagaya nitong si Liam at Rene ah. Magkakaibigan nga kayo" pahabol pa ni Kuya Brando Napangiti nalang kami sa mga papuri na aming natanggap. "Punta na po kami Tay." sabi ko naman bago kami umalis para bumili ng Yelo at alak. Sumama narin si Rene at Chris sa akin dahil ayaw nilang maiwan sa mga barakong nag- iinuman. "Tao po? Aling Neneng?" Pagtawag ko nang makapasok kami sa loob ng tindahan. Ang style tindahan ni Aling Neneng ay parang maliit ba version ng seven eleven. Kahit na may kaliitan ay naroon naman karamihan ng kailangang bilhin sa pang araw araw. May mga prutas at gulay rin na nakadisplay sa labas ng Tindahan. Gayun din ang iba't ibang klase ng mga bilihin sa loob. Ikaw ang kukuha ng mga bibilhin at magbabayad sa counter ng pinamili. Ganun klase ang tindahan ni Aling Neneng. Sa kaliwang sulok naman malapit sa counter ay may pinto na nakarekta papunta sa loob ng kanilang bahay. Dahil matagal rin akong naging tindero ng tindahan ni Aling Neneng ay sanay na ako sa loob ng tindahan nila. Alam ko na rin kung saan nakadisplay ang mga alak at kung saan nakalagay ang mga yelo. "Antaray talaga ng tindahan nitong sila Aling Neneng aney? Malalaman kaya niya kung magnanakaw ako rito?" Biro ni Rene habang marahan na tumitingin tingin sa mga paninda. Sabay tapik ni Chris sa balikat ni Rene at itinuro ang mga CCTV cameras "Ayun oh!" "Ehhhhh..." naisagot naman ni Rene na parang nadismaya. Kahit na medyo malayo ay rinig ko karin ang usapan nila dahil kami lang naman ang tao nang mga oras na iyon. Isa- isa ko nang inilalapag ang mga pinamili sa ko counter nang biglang may humablot sa aking kamay na labis ko namang ikinagulat. "Nagkita ulit tayo, boy" seryosong wika nito. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot at libog nang masilayan ko ang kanyang pamilyar na mukha. "A- anong ginagawa mo dito?" mahinang tanong ko habang pilit na ikinakawala ang aking braso sa kanyang mahigpit na pagkakahawak. "Na miss mo ba ako?" tanong nito sa akin. Inalis nya ang pagkakahawak sa aking braso at ipinasok nya sa loob ng bulsa ang kanyang kamay. Kalmado itong pumasok sa loob ng counter at humarap sa akin. Takang taka parin ako sa mga nangyayari at bukang bibig ko lang siyang tinititigan. Hindi ako nagkakamali, nagmukha lang siyang medyo bata dahil siguro wala na ang kanyang balbas pero sigurado ako na siya ang lalake na nagpalibog sa akin sa CR ng mall. Dahil higit na mas matangkad ay medyo yumuko ito at inilapit ang kanyang mukha sa akin. "Nakikilala mo pa ba ako ha?" mahangin na bulong nito at naramdaman ko ang mainit na singaw ng hangin na umihip sa aking pisngi. Hindi parin nya sinasagot ang tanong ko nang biglang may tumapik sa akin. "Ay! sino siya, beshy?" "Bago ka lang dito? Nasaan si Aling Neneng? Anong pangalan mo? Bakit parang ngayon lang kita nakita? Akong nga pala si Rene ang pinakamaganda sa aming magkakapatid. Nice to meet ya!" sunod- sunod na sabi ni Rene habang isinampa ang sarili at umupo sa counter. "Bumaba ka nga dyan, Rene. Hindi ka ba nahihiya" mahinhin naman na bawal ni Chris dito habang palapit sa amin. "Bakit ako naman mahihiya? Ako na nga ang nakikipag- kaibigan ako pa mag- aadjust hays! Tyaka di nya pa naman ako pinagbabawalan eh, kaya relax ka lang Chrissy" kampanteng sabi ni Rene habang hinihimas himas ang kanyang buhok at tila isinisipa ang kanyang mga binti na nakasalalay sa pagkakaupo nya sa counter. Dahil sa ginawa nila ay nawala naman bigla ang aking kaba at gumaan ang aking pakiramdam. Napangiti nalang akong pinagmamasdan si Rene. "Hindi naman... Umalis siya at pumunta sa palengke... Clause Johan Strauss pero "Johan" nalang ang itawag nyo sa akin... Kasi kababalik ko lang dito mula sa maynila... Ikinagagalak rin kitang makilala Rene." Seryoso nitong sinagot ang sunod sunod na mga tanong na ibinato ni Rene sa kanya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD