Chapter 08: Mine Alone

2257 Words
Four years later... HINDI maawat ang mga ngiting sumisilay sa labi ni Mary Ann habang pinagmamasdan si Zigfreid na abala at seryosong-seryoso sa pag-aayos ng kamang tutulugan nila sa gabing iyon. Siya dapat ang gagawa noon pero pinigilan nito at nagpumilit na ito na ang kikilos para sa kaniya. Nasa Cebu sila ng kasintahan. Maghapon silang namasyal at nang magsawa ay nag-swimming sa beach. Ilang beses na siyang kinukulit nito na magbakasyon sila roon kaya pinagbigyan na niya, tutal naman ay ikaapat na anibersaryo nila. Kung tutuusin ay matagal na nga silang magkarelasyon ngunit hanggang ngayo'y parang bago pa rin sa kaniya ang lahat ng ginagawa ng nobyo upang mapasaya lang siya. Lagi pa rin siyang namamangha sa pagmamahal at pag-aalagang buong puso nitong ibinubuhos para lang sa kaniya. Minsan, sa sobrang galak ng pakiramdam ay hindi niya maiwasang isiping nasa isang magandang panaginip lamang siya. Hindi biro ang mga pinagdaanan nilang magkasintahan sa loob ng nakalipas na apat na taon; mga masasayang alaala at mapapait na pagsubok na hawak-kamay nilang nilagpasan. Nitong nakaraang taon lang ay nag-isang-dibdib sina Thea at James matapos tanggapin na sa wakas nang lubusan nina Tita Cielo at Tito Hernan ang lalaki para sa nagsosolong anak ng mga ito. Siyempre, pasimuno sina Mary Ann at Zigfreid kasama ang kanilang buong barkada sa mga punong-abala mula sa surprise wedding proposal ni James, preparations sa kasal, hanggang sa mismong pagdiriwang ng pinakaespesyal na araw na iyon. Malaki ang tinatanaw na utang na loob ni Mary Ann gayundin ng boyfriend niya kina Thea at James. Hindi basta-basta ang naging papel ng dalawa sa kuwentong pag-ibig nila. Ang mga ito ang pangunahing nagtulak upang lubos nilang maunawaan ang sari-sariling damdamin para sa isa't isa. Kaya naman talagang nag-uumapaw ang tuwang nadama niya nang masaksihan ang katuparan ng hinahangad na happy ending ng pinsan at kaibigan. That year was almost considered to be one of the best sa buong buhay nilang lahat, kundi lang sa parehong taon ay dumating sa kanila ang isang masamang balita: ang pagpanaw ni Lola Eming. Labis na sakit at pagdadalamhati ang naghari sa puso ni Mary Ann bunga ng pangyayari lalo pa't hindi niya iyon inasahan. Akala niya ay makakasama pa nang matagal ang pinakamamahal na abuela. Masaya pa silang nagkakuwentuhan nang nagdaang gabi, pagkatapos ay hindi na pala ito magigising pa sa kinaumagahan. Tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Mary Ann. Nawalan ng kulay sa kaniyang pananaw ang lahat ng nakapaligid sa kaniya. Napatunayan niyang posible pala talagang mangyari ang ganoon sa buhay ng isang tao. Maging ang pagtulog sa gabi ay nahirapan siyang gawin. Bigla ay para siyang bumalik sa pagkabata, sa pinakamadilim na parte ng buhay niya. Iyong pakiramdam noong sa murang edad ay abandonahin siya ng sariling ama, ang sakit noong nasa kabaong na nang makauwi isang gabi ang ina niya... lahat ay bumalik at nanariwa. Mas matindi pa dahil ngayon ay mag-isa na talaga siya. Pakiramdam niya ay mag-isa na lang siya. Thankfully, during the darkest nights of her life, Zigfreid was always there beside her. He never left her alone even just once. May mga pagkakataong bago pa sumikat ang araw ay nagpupunta na ang lalaki sa bahay niya para daluhan siya sa mga pangangailangan. Hindi siya nito hinayaang mag-isip ng kung anu-anong hindi maganda. Hindi ito umuuwi sa gabi hangga't hindi siya nahihimbing, dahilan kaya madalas ay 'di sinasadyang sa tabi na rin niya ito inaabutan ng antok at nakapagpapalipas ng magdamag. Gayunman, ni minsan ay wala siyang naging pangamba sa bagay na iyon 'pagkat damang-dama naman niya ang respeto at malinis na intensyon sa mga ginagawa nito. Ipinakita sa kaniya ni Zigfreid na hindi siya kailan man mag-iisa dahil lagi lang itong naroroon para samahan siya. Little by little, inalis nito ang takot sa puso niya at binigyan siya ng tapang at lakas upang magpatuloy sa buhay. Kasabay noon ay tuluyan na ring nawala ang lahat ng pagdududang meron siya sa pagmamahal ni Zigfreid. Kung noong bago pa ang relasyon nila ay malimit siyang nai-insecure at nangangamba sa posibilidad na ipagpalit siya ng kasintahan sa ibang mga kaibigan nitong babae na sa tantiya niya ay mas nakahihigit sa kaniya sa pisikal at sosyal na aspeto, ngayon ay panatag na ang loob niya sa katapatan ng pag-ibig nito. Walang dahilan para hindi niya ibigay ang buong pagtitiwala rito kapalit ng higit pa sa sapat na pagpapahalagang ipinagkaloob nito sa kaniya. "Ayos na ang higaan. Tulog na tayo?" Napakurap-kurap siya at bumalik sa kasalukuyan ang isip nang magsalita si Zigfreid sa harapan niya. Mula sa inuupuang single sofa ay tumayo siya at masuyong hinaplos-haplos ang pisngi nito. Muli siyang napangiti nang makitang nagugustuhan nito ang ginagawa niya. "Salamat, Zig." Hinawakan nito ang braso niya ngunit hindi pinigilan ang kamay niya sa paghaplos. Hinapit pa siya nito sa baywang gamit ang libreng kamay. "For fixing the bed?" "For loving me and taking very good care of me." Inilipat ng lalaki ang kamay niya sa tapat ng labi nito at buong-suyong hinalikan. "It's my pleasure, darling." Bahagya siyang natawa pagkarinig sa itinawag nito sa kaniya. Paminsan-minsan ay naaasiwa at nagtataka siya sa paiba-ibang term of endearment nito sa kaniya, pero madalas ay kinikilig siya. Katulad na lamang nang sandaling iyon. "Teka... curious lang ako. Bakit pabago-bago ang tawag mo sa 'kin?" malambing na tanong niya. "Dahil gusto kong lagi mong maalaalang mula nang naging tayo, ikaw na lang ang nag-iisang babae sa buhay ko. Kaya puwede ko nang ubusin lahat ng term of endearment sa iyo... dahil wala na 'kong ibang paggagamitan ng mga 'yon bukod sa 'yo." Hindi na hinintay ni Zigfreid na makatugon siya at iginiya na siyang humiga sa kama. Nang pareho na silang makapuwesto nang maayos ay pinatay na ng lalaki ang ilaw. Tumambad sa paningin niya ang glow in the dark stars na nakadikit sa kisame ng buong silid. Violet iyon, paborito niyang kulay. "Wow! Ang ganda!" naibulalas niya. Hindi umimik si Zigfreid, sa halip ay naglalambing na yumapos lang sa kaniyang tiyan; mahigpit na tila ayaw siyang pakawalan. May na-sense siyang kakaiba sa mga ikinikilos nito kaya napalingon siya. "Ang higpit ng yakap mo. Halos araw-araw naman tayong magkasana, kaya imposibleng na-miss mo ako." Binalewala nito ang pagpaparinig niya. "Ganito ang mas magpapaganda sa gabing 'to. 'Yung ganito ka kalapit sa akin, naaamoy ko ang halimuyak mo, naririnig ang malambing mong boses at nakikita ang maganda mong mukha bago ako matulog." Pumikit pa ito at huminga nang malalim na tila ninanamnam ang sandali, ilang segundo bago muling magsalita. "Napakasarap sa pakiramdam. So much that I want to experience this every night of my life." Pinakatitigan siya nito bago bumulong sa namamaos na tinig. "Ang tanong ay... papayagan mo ba 'ko?" Nag-init ang pakiramdam ni Mary Ann. Hindi niya kinakaya ang tila pagsusumamong lumitaw sa tono ng nobyo, maging ang matinding pagnanais na malinaw na nakarehistro sa mga mata nito. Nahihiwatigan niya kung saan patutungo ang mga sinasabi ni Zigfreid, ngunit nais niyang marinig iyon mula mismo sa bibig nito. Umikot siya paharap sa lalaki at gumanti ng 'singhigpit na yakap habang nakangiti. "Sinasabi mo bang gusto mo akong pakasalan?" Natawa ito dulot ng 'di maikubling pagkamangha sa pagtatanong niya. "Oo sana. Kung ayos lang sa 'yo." "Bakit hindi?" Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang mag-sink-in dito ang narinig. "Seryoso?! Y-you really agree to marry me?!" Siya naman ang natawa. "Oo nga! Gusto mo, bawiin ko?" "No, no, no, don't. H-hindi lang ako makapaniwala." Masiglang dinampian siya nito ng halik sa noo. "Thank you! I love you! I love you so much!" Walang pag-aatubiling hinagkan naman siya nito sa mga labi. Sa simula ay natigilan siya sa ginawa nito, ngunit sa huli ay nagpaubaya rin. Tumugon siya ng mas mainit pang halik, kasabay ng pag-ibabaw nito sa kaniya. How she wished na sumapat ang mga halik niya para maiparating sa lalaki kung gaano ang halaga nito para sa kaniya. Nang halos pangapusan na siya nang hininga ay ang kaniyang leeg naman ang pinagdiskitahan ni Zigfreid, kung saan hindi lamang paghalik ang ginagawa nito kundi maging ang pagsinghot sa kaniyang amoy. "My most favorite..." pikit-matang bulong pa nito, na dahilan ng pananayo ng mga balahibo sa buo niyang katawan. Hindi naman bago para sa kaniya ang galaw nitong iyon, ngunit sa pagkakataong iyon ay kakaiba ang tindi ng sensasyong idinulot niyon sa kaniya. Napapikit siya nang may isang hindi maipaliwanag na pakiramdam ang umikot mula sa kaniyang sikmura pababa sa puson niya. Anumang oras ay parang sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng t***k niyon. Ngunit mukhang ayaw iyong mangyari ni Zigfreid, dahil ilang segundo lang matapos bumalik ang halik nito sa mga labi niya ay lumuwag ang pagkakayakap nito hanggang sa tuluyan nang pakawalan ang katawan niya. Dahan-dahan ding inayos ang strap ng sando niya na ibinaba nito kanina. "I'm sorry. B-baka inaantok ka na. M-matulog na tayo," sabi nito mayamaya, gamit ang namamaos na tinig. "Good night." Buong-suyo nitong hinagkan ang kaniyang noo bago bumalik sa pagkakahiga. Siya naman ay tumagilid pakanan, paharap dito. Pinagmasdan niyang mabuti ang lalaki. Nakapikit na nga ang mga mata nito, habang ang kanang braso ay nakapatong sa noo. Gayunman ay hindi niya mapaniwalaang natutulog na ito, lalo na nang mapadako ang paningin niya sa kabilang kamay nito na nakalapag sa kama. Bahagya siyang napasimangot nang mapansing napakahigpit ng pagkakakapit niyon sa kumot. Muli niyang tinitigan ang mukha ni Zigfreid. Gusto niyang matuwa dahil sa kahuli-hulihang sandali ay mas pinili pa rin nitong irespeto ang p********e niya, kahit na kitang-kita naman kung gaano ito nahihirapang magpigil... pero hindi iyon ang nararamdaman niya. Hindi niya ikinatutuwang naghihirap ang loob ng nobyo dahil sa isang bagay na hindi naman nito kailangang gawin. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at banayad na hinawakan ang nakakuyom nitong kamao. Nang mapadilat ito at ibaba ang isa pang kamay ay saka niya ito pinagkalooban ng isang naiibang halik sa labi. Isang halik na nakikiusap at mayroong hinihiling. NAGISING si Zigfreid na magaan ang pakiramdam kinaumagahan. Pagdilat ay agad niyang nilingon si Mary Ann, na tila isang anghel na nahihimbing sa pagkakatulog habang nakaunan sa kaniyang dibdib. Noon siya nakasigurong hindi panaginip ang napakagandang naganap sa nagdaang gabi. "Mary... wait. A-anong ginagawa mo?" he managed to ask in between their kisses. "Ipinaaalam sa iyo kung gaano kita kamahal. I love you so much, Zig." Itinapat ng babae ang bibig sa kaniyang tainga bago masuyong bumulong. "Ikaw lang ang tanging lalaking mamahalin ko. Wala nang iba." Inayos niya ang pagkakabalot ng kumot sa katawan nito, bago kinapa ang piraso ng alahas na ikinubli sa ilalim ng kaniyang unan. Nangingiting pinagmasdan niya iyon nang makuha. Ibibigay sana niya iyon sa nobya kagabi, nga lang ay hindi na siya nakahanap ng magandang tiyempo. Matagal na niyang planong yayain itong magpakasal. Iyon ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pangungulit niyang i-celebrate ang anniversary nila sa Cebu. Mabuti at pumayag ang tita niyang nasa ibang bansa na hiramin niya ang vacation house nito roon para matuluyan nila. Maliban doon, nais din niyang ilipat ang atensyon ng girlfriend sa mga positibong bagay. Kahit na kasi tatlong linggo mula ngayon ay magbababang-luksa na si Lola Eming, napapansin niyang paminsan-minsan ay nagiging malulungkutin at tinatalo pa rin si Mary Ann ng pangungulila rito. Nasasaktan siyang masaksihang nagkakaganoon ang nobya. "Good morning!" bati ng kagigising lang na si Mary Ann sa namamaos pang tinig, na sapat na upang makuha ang buong pansin niya. Sinalubong niya ang pagkakatitig nito sa kaniya. "Good morning! I have something for you." "Nang gan'to kaaga?" Kumunot ang noo nito, mayamaya'y napangiti. "Ano 'yon?" Ginagap niya ang kaliwang kamay ng babae at marahang pinadulas sa daliri nito ang engagement ring. "Ito. To remind you how much I look forward to spend the coming days of my life with you." Kinintalan niya iyon ng isang masuyong halik. "Nagustuhan mo ba?" "Hmmm," tumatangong tugon nito matapos pakatitigan ang suot na singsing. "Pero... sa totoo lang, hangga't nandito ka sa tabi ko, wala na 'kong ibang hahanapin pang reminder o assurance." Kapuwa humigpit ang pagkakayapos nila sa isa't isa. "Zig..." "Hmm?" "Kaya mo namang ipangakong hindi mo 'ko iiwan, 'di ba? Na hindi tayo magkakahiwalay kahit kailan?" "Oo naman. Whatever it takes, hindi ko mapapayagang malayo ka sa akin." Ibinaon niya ang mukha sa ulo ni Mary Ann at sinamyo ang mabango nitong buhok. "We'll build a happy family and live together forever." "Thank you. Iyon lang ang kailangan kong marinig." LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Mary Ann nang makababa sa tricycle. Late na siya sa usapan nila ni Zigfreid dahil hindi kaagad nasundo ni Thea ang baby nitong pansamantalang iniwan sa pangangalaga niya. Dalawang buwan na ang matuling nagdaan mula nang pangakuan siya ng kasal ng lalaki, at nang araw ngang iyon ay nakatakda silang magkita sa isang boutique para mamili ng kaniyang magiging wedding gown. Kung ang fiancé ang nasunod ay gusto pa nitong sunduin siya sa bahay at sabay silang magtungo roon, subalit nagpumilit siyang umuna na ito. 'Di hamak na mas malayo kasi ang address niya kumpara sa opisinang panggagalingan pa nito, na halos karatig lang ng shop. Isa pa ay matagal-tagal na rin siyang hindi nakapag-commute dahil panay hatid-sundo nito saan man magpunta. Humugot siya ng malalim na hininga nang sa wakas ay marating ang patutunguhan. Namataan na rin niya si Zigfreid at lalapitan na sana kundi siya natigilan nang ma-realize ang posisyon nito. Patalikod sa kinatatayuan niya, nakaluhod ito sa harapan ng isang babae. Isang babaeng madali niyang nakilala nang balingan ng tingin. Hindi siya maaaring magkamali. Si Ruth iyon, ang ex-girlfriend ni Zig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD