Chapter 1

1012 Words
Chapter 1 Cathy POV “Miss Cathy, ayon sa resulta ng laboratory test, ikaw ay may sakit na cancer stage 4. May 100 araw ka na lang na natitira—katumbas ng humigit-kumulang tatlong buwan at sampung araw ang iyong buhay.” Paulit-ulit. Paulit-ulit 'yon sa utak ko. Para bang may narrator sa pelikula na ayaw tumigil sa pag-rewind ng pinakamasakit na eksena. Habang iniinom ng ibang babae ang stress nila sa break-up, ako naman iniinom ang taning ko sa buhay. Dramatic no? Pero seryoso, gusto kong tawanan 'to—kaso gusto ko ring umiyak. Pagpasok ko sa bar, sumalubong sa'kin ang ilaw na parang disco sa 'probinsya, ang amoy ng alak, at ang DJ na parang si Kuya Berting lang na nagsasalita sa radyo. "Uy, Ma'am! Table for one?" tanong ng waiter na sobrang bait at sobrang hindi ready sa sad girl era ko. "Table for dying," bulong ko. Pero syempre, hindi niya 'yon narinig, kaya ngumiti na lang ako. Umupo ako sa pinaka-kanto. Para akong bida sa pelikula na naghihintay ng isang 'di kilalang lalaking makikilala ko at magiging plot twist ng buhay ko. Kaso wala eh. Wala pang pogi. Puro lasing lang na mukhang problema rin ang mundo. Nag-order ako ng cocktail. Hindi dahil sosyal ako, kundi dahil 'yon lang ang kaya kong bigkasin sa menu. “Ma’am, gusto n’yo po ba ng pulutan?” tanong ulit ng waiter. “Pwede ba yung lifetime na pagmamahal? Char.” Napatawa siya. At doon ko naisip… kahit may taning na ako, hindi ko kayang mamatay nang hindi man lang natawa ‘tong mga taong ‘to dahil sa akin. Ako nga pala si Cathy Santiago. Dalawampu’t anim na taong gulang. Walang boyfriend since birth. Still virgin. At ayon sa doktor… expiration date ko ay nasa tatlong buwan at sampung araw na lang. So, cheers sa buhay na masyadong maikli… pero baka pwede ko pa ring gawing makulay. Hanggang lumalalim ang gabi, siya ring lumalalim ang tama ko sa alak. At hindi lang basta tama—ito na 'yung klase ng tama na parang gusto mong um-order ng ex kahit wala ka namang naging jowa. “Isa pang cocktail, Ma’am?” tanong ng waiter. “Isa pang dahilan para mabuhay,” sagot ko sabay kindat. Lasang luha na ang iniinom ko, pero sige lang, push. Pakiramdam ko parang ako lang mag-isa sa mundong puno ng mga lasing at brokenhearted. Pero teka—hindi ba ako rin? Lasing na, broken pa… not by a man, pero by fate. Ang unfair no? Yung iba nasasaktan lang kasi iniwan, ako nasaktan kasi… iiwan na ako ng mundo. Pinagmasdan ko ang paligid. May isang grupo ng babae sa kabilang mesa, ang ingay nila. Parang nagpi-fiesta sa gitna ng bar. Isa naman dun sa sulok, umiiyak habang hawak ang cellphone niya. Iniwan daw siya ng boyfriend niya para sa gym instructor. Ouch, bes. Kahit ako napangiwi. Pero ako? Iniwan ako ng immune system ko. Mas masakit ‘yon, promise. "Miss, okay ka lang ba?" tanong ng bartender habang pinupunasan ang baso. Ngumiti ako ng tipid. "Hindi, pero maganda pa rin ako ‘di ba?" Tumango siya, natatawa. “Yan ang spirit!” “Exactly,” sabay tungga ko ng inumin. “Spirit. Alak. Very deep.” At sa gitna ng lasing, luha, at katangahan—doon ko naisip: Paano kung gawin kong kakaiba ang natitira kong 100 days? Hindi ‘yung puro iyak at drama. Gusto kong tumawa. Uminom. Sumayaw. Magka-crush. Ma-inlove… kahit late na. Baka… baka hindi pa huli ang lahat para simulan ang mga bagay na noon ay hindi ko nagawa. At doon, sa gitna ng tunog ng bass at alak na parang sinabuyan ng luha ni Lord, may dumating. Isang lalaki. Matangkad. Maporma. At... pogi. Napakunot ang noo ko. Wait lang... bakit parang slow-mo siyang pumasok? O baka ako lang ‘to. Lasing. Pero kung guni-guni man siya o hindi… gusto ko siyang lapitan. Kasi kung may 100 days na lang ako, sisiguraduhin kong may mapapala ako sa isa. "Hi, Miss Beautiful!" sambit ng lalaki, sabay ngiti na parang may sariling spotlight. 'Holy crap, kinilig ang pempem ko,' bulong ko sa sarili, sabay inom ng natitirang cocktail para itago ang kilig. Pero sa totoo lang, kung may background music lang, baka "Love at First Sight" na 'to. Ngumiti ako pabalik, awkward pero cute—'yung tipong ngiting hindi ko alam kung dahil sa tama ng alak o tama ng gwapo sa harap ko. "Pwede bang umupo?" tanong niya, habang tinuturo ang bakanteng upuan sa harap ko. "Depende..." sabay taas ko ng kilay. "Sa pogi points mo." Tumawa siya. Diyos ko, pati tawa niya parang pang-commercial ng mouthwash—fresh at may dimple pa! "Sa tingin mo pasado ako?" tanong niya ulit. 'Teka lang, universe. Akala ko may taning ako? Ba’t ngayon ka pa nagpapadala ng temptation?!' Sigaw ko sa loob. Ngumiti ako, this time medyo confident. “Hmm… pasado ka… sa panaginip.” “Then I guess this is your lucky dream,” sagot niya, sabay abot ng kamay. “I’m Lucas.” Lucas? Oh wow. Pang-leading man name. Pang-‘Lucas Tinamaan Ka Na Ba Ng Pag-ibig?’ levels. Inabot ko ang kamay niya, medyo nanginginig pa. “Cathy. 100 days to live... but maybe, 100 reasons to smile,” pabirong sabi ko, sabay inom ulit. Napakunot ang noo niya. “Ha?” “Charot lang!” sabay tawa ko na parang di ako may taning sa buhay. Kasi kung di ko tatawanan ang sitwasyon ko, baka mauna pa akong mamatay sa stress. Pero deep inside, may kakaibang kaba akong naramdaman. Hindi lang dahil sa alak. Kundi dahil sa tanong. "Paano kung itong si Lucas… ay maging isa sa dahilan para maging makulay ang mga huling araw ko?" bulong ko sa sarili. Tiningnan ko ito nang maigi. Nakita kong mapakatiwalaan lito. Ito yung tipong ng isang lalaki na hinahangaan ngga kababaihan. "Hmmm, mataas, kayumanggi ang balat, malakas ang dating at siguradong matikas ang pangangatawan. Ilang kayang round ang magagawa nito sa kama? s**t ka, Cathy, nakainom ka lang malibog kana." usal sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD