The day you finally notice me

2031 Words
Ethan's Pov Normal day lang siguro ng ibang students dito ang pumasok sa isang mayaman na school at umuwi. Pero ako? Kailangan kong kumayod, I'm a scholar at wala ng sumusuporta sakin mayroon pakong sinusuportahan na batang kapatid na nasa Grade 1 na. Yeah, wala na ang family ko kaya sariling sikap para matamo ang pangarap. May trabaho din ako sa school, ang paggawa ng mga subjects ng mga lazy students haha. Malaking pera naman ang ibinabayad nila kaya okay lang, kahit minsan wala na akong tulog Nasa cafeteria ako ngayon, kumakain habang nag rreview dahil may quiz mamaya in science. Kahit maingay sanay naman na ako may pumapasok parin sa utak ko kahit papaano. "Hey, Ethan! How are you?" Isang student ang lumapit sakin at alam kona ang nais nya "Uhm, can you do this project to me? I just need it on Wednesday" Tatanggi na sana ako nang naglapag sya sa mesa ng 10k "Please?" Wala akong nagawa kung hindi tanggapin yun, kahit minsan naiinis na ako dahil nararamdaman ko kung gaano ako kababa. Ikaw ba namang palibutan ng saksakan ng yayaman na students Nawala ang ingay sa loob ng cafeteria, napangiti ako dahil makakapag review na ako. Bakit? Haha, here comes Noemi Tadashi. Oo, hindi sya anak ng may ari ng school ha? Apo sya ng isa sa mga mataas na pwesto sa Pilipinas. Ang lolo nya ay isang ambassador ng Philippines-Japan Parang may pumasok na isang yelo sa cafeteria dahil nanigas din ang lahat, hindi ko alam pero pag nanjan sya mararamdaman mo na lang na isa ka lang langgam para sa kanya. Wala syang kaclose dito, even teacher takot sa kanya. But for me? Sya ang pinaka magandang babae na nakita ko sa talambuhay ko, wala akong gusto sa kanya. Gusto ko lang how's she looks. After lunch, inagahan ko na ang punta sa room para din hindi na ako makipag siksikan sa students mamaya. Pero may humarang sa akin sa pinto "Bro, we have a request" Tatlong lalaki na animo nag mamakaawa sa akin "Ano? Bakit ako?" Inis akong pumasok sa room kaso hindi nila ako tinantanan "We know kasi na ginagawa mo lahat for money kaya lumapit kami sayo, ibibigay mo lang naman itong flowers at love letter ko" "Pwede naman sana, kaso bakit kay Noemi pa?" Umupo sila sa harapan ko at pinahawak sakin ang isang pirasong rose at love letter. "Of course, i like her eh. I'll pay for 20k" Nagdalawang isip ako, malaki rin ang pera na yun kaya pumayag na ako. Syempre pera muna bago ang gawa kaya natutuwa ako dahil mauuwian ko ng masarap na ulam si Elijah mamaya "Okay, after class" Masaya silang lumisan sa harapan ko, pagkatapos ng quiz at klase at dumeretsyo ako sa room nila Noemi, sa kabilang room lang namin ang room nila kaya hindi ako nahirapan Hinintay ko syang lumabas ng room, naiilang na din ako dahil nakatingin sa akin ang mga students dito. Para kasi akong manliligaw sa hawak ko Nang lumabas sya ay lumapit ako sa kanya, napatitig ako sa muka nyang maputla at mala rosang pisngi at labi at malamig na tiningnan ako sa mata, inabot ko ang rosas at love letter. Pero hindi nya maalis tingin nya sa akin "Miss?" "I-I've been--" "Ms. Tadashi, the driver is here" Napalingon ako at nakita ang isang laaking naka suit, tiningnan lang ako ulit ni Noemi at hinablot nya ang rose at sabay takbo. Napakamot ako sa ulo, nakita ko ring nahulog ang love letter ihahabol ko sana kaso malayo na sila "So ano, successful ba? Hindi ko kasi kayang manood" Tumango ako, at natuwa sila. "Kaso, hindi nya nakuha to" Natawa uli sila "It's okay, it's yours na. The important is my crush notice me" Iniwan ko silang natutuwa sa gilid at umuwi na dahil susunduin kopa ang kapatid ko sa school nila "Kuya!" Nakita ko syang nakaabang sa gate ng school "Kuya look, binigyan ako ni mam ng tatlong stars!" Ipinakita nya ang marka ng stars sa kamay nya "Wow, good boy. Dahil jan bibigyan kita ng reward" Yang mga ngiti na yan ang nag papawala ng pagod ko ngayong araw "Sige, bili tayo ng toys!" Pumunta kami saglit sa mall at nag grocery nadin, pagkatapos ay umuwi kami sa apartment namin malapit din sa school namin. Nakapagluto narin at nakakain na "Elijah, sleep kana ha? Pupunta pa si kuya sa work" Sabi ko habang nakahiga sya sa kama nya "Sige kuya, basta agahan mo ang uwi ha?" Tumango ako, sinara ko na ang ilaw at pumunta sa trinatrabuhan kong resto. Isa akong waiter s***h janitor na din Sabado naman bukas kaya okay lang na makauwi na akong late bali 8pm ang simula ko at ang tapos ko ay 2am na. It's Saturday, wala akong work dahil narin gusto ko magspent ng time kasama si Elijah. "Kuya, nanjan si Kuya Hale!" Sabi ni Elijah na nasa pinto "Hale?" Sya ang kaibigan ko, hindi na nagaaral nag wwork narin. "May rocket ako ngayon sama ka?" Napatingin ako kay Elijah "Okay lang ba Elijah? Iwan ko na lang rin dito si Allison para may kasama ka" Si Allison ang nakakabatang kapatid ni Hale na nasa grade 6 na rin pinag aaral din ni Hale "Sige po, basta may pasalubong ha" Napangiti ako "Sige sunduin kita ng 6pm" "Catering ba?" Tumango sya, pagkaaalis nya ay naglinis narin ako ng bahay at naglaba. Dumating na nga ang 6pm at sinundo ako ni Hale "Dito na tayo" Naakunot ang noo ko sa nakita ko "Birthday kasi ng ambassador, big time toh. Start ng party ay 8pm." Bumaba na lang ako sa motor at pumasok sa loob Nung nastart na ang party ay maraming tao, marami ring sikat na artista at mga politika ang nandito. Nagbigay lanh ako ng mga drinks at nagligpit, napatitig na lang ako laki ng mansion nila. Kitang kita yun dahil sa liwanag nun "Laki ng bahay no?" Sabi ni Hale na nasa tabi ko "Hey, you two!" Napalingon kaming dalawa sa tumawag, sya ang namukuno sa catering dito "Kumuha kayo ng vodka sa likod, ubos na kasi ang stock dito. Nasa kahon yun naka lagay naman sa label yun" Pumunta kami sa likod ng mansion, medyo malayo kasi nga ang laki ng bahay na to "Mauna ka muna, mag jjingle lang ako" Nauna na ako at pumunta sa likod, may narinig akong nag tatawanan at nagulat ako kung sino ang nakita ko. Kinakausap nya ang mga maid na nag aayos ng mga gamit ruon, nakaupo sya sa upuan at may hawak na baso ng tubig "Diko talaga makakalimutan yung face nya, kasi i think he's shy eh" "Oh iho? Bakit ka nandito?" Tumingin silang lahat sa akin, pati narin si Noemi na napatayo pa. "Ah, pinapakuha kasi ni madam yung Vodka" "Ah yun ba? Saglit nandito oh. Ilagay mo na lang sa cart na yun para madali mong maidala" Tumango ako "Why are you here?" Napahinto ako nang bigla akong tanungin si Noemi na nakatitig parin sakin "Nag ccatering ako dito" Nginitian ko sya at kinuha yung nasa cart "But--" "Noemi! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap magbihis kana hinahanap ka ng lolo mo" Sabi ng maid na lumabas sa pinto, kinuha ko ang cart at umalis na ruon "Sorry natagalan, ayos ka lang? Ngiting ngiti kajan" Inalis ko agad ang ngiti ko nang dumating si Hale "Ako na magtutulak" Ilang oras na din ang makalipas at may nagpakilala na sa stage, nagserce kami ng food at drinks. "My Beloved Granddaughter! Noemi Tadashi" Napahinto ako sa pwesto ko at tiningnan ang red carpet na galing sa entrance ng mansion, lumabas dun si Noemi naka blue dress sya and she's like a goddess. Nagpalakpakan ang mga tao, nang huminto sya ay napatingin sya sa gawi ko. Hindi ko alam kung ako ba ang tinitingnan nya pero nginitian nya ako. Nagpatuloy ang party hanggang matapos na, matagalang ligpitin rin ang naganap. Mukang uuwi akong late neto "Ethan, right? Pakitawag naman si manang rosa sa loob. Sa likod ka nalang dumaan" Bakit ba lagi akong nauutusan? Pumunta na uli ako dun sa loob at hinanap nga si manang Rosa, pero iba ang nakita ko "But Grandpa, I'm still underage and I don't like him!" Nakita ko si Noemi at ang lolo nya na nag uusap sa malaking sala nila "It takes time Noemi and I know you will agree to this after you hear my reasons" Tumayo si Noemi at may kinuhang papel sa tabing mesa "Reasons? Your reasons like company, money and fame? What the hell nonsense is that?" "I'm your Grandpa Noemi you have no right--" Biglang tumakbo si Noemi papuntang labas "Noemi! Get back here!" "Iho? Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa likod ko "Si manang Rosa po, hinahanap ko" And ending sya pala si Manang Rosa kaya pumunta na kami ruon "Ethan, may painom daw si boss. Mauna na ako o sasama ka?" Tumanggi na ako dahil gusto ko ring makasama si Elijah "Sige, bukas ko na lang susunduin si Allison. Ingat bro" Nilakad ko na lang pauwi total malapit lapit lang ang apartment namin, napahinto ako nang naramdaman kong may sumusunod sa akin. Hindi kona pinansin hanggang makarating ako sa apartment nagtago ako para makita kung sino yun "Sinusundan mo ako?" Napalingon sya sa gulat, naka dress parin sya at wala ng suot na sandals dahil hawak na nya yun "N-No, b-bakit naman kita susundan" Umalis ako duon at kinuha ang tsinelas ko sa tapat ng pinto namin at ibinigay sa kanya "Suotin mo muna, at umuwi kana" "W-Wait! Uhm, can i stay at your place?" "Ha?" Tiningnan ko sya ulo hanggang paa ang dumi narin nya, sinabi pa nyang hindi ako sinusundan? Hays "I don't want to go home muna" Pag mamakaawa nya pa, hindi ko sya pinansin papasok na sana ako sa loob ng hinawakan nya ang braso ko. Napatingin ako dun, nakakapanibago dahil hindi ko sya nakikitang nakikipag usap sa iba at lalo sa katulad ko "Please.." "Ihahatid na lang kita sa inyo, ayoko ng gulo" Kaso hindi nya ako binitawan "Kahit ngayong gabi lang I'll go home tomorrow please? I just don't want to meet my Grandpa tonight" Naalala ko yung nangyari kanina napabuntong hininga ako at inalis ang kamay na "Okay paba pag iisip mo? Mag sstay ka sa apartment ko at lalaki ang kasama mo. Isa pa hindi tayo close kaya umuwi kana" Bigla nya akong sinamaan ng tingin katulad ng lagi nyang muka nung nasa school kami "Ikaw? Are you out of your mind!? Papauwiin mo yung isang babae sa gabi? Ha! Ha!!" Sigaw nya lalo akong nahiya dahil baka makaistorbo kami sa kapitbahay! "Oh what? Are you out of your mind!? You little--" No choice ako kaya hinila ko sya sa loob "Hindi kona kasalanan kung hindi ka sanay sa ganitong tirahan" Pumunta akong kusina at kumuha ng tubig at ibinigay sa kanya. Sinilip ko si Elijah sa kwarto nya at natutulog na katabi si Allison. "Can you lend me clothes?" Padabog kong sinara yung ref at tiningnan sya "This clothes is really--what?" Pumunta ako sa kwarto lara kumuha ng damit at twalya. "Maligo ka, at magbihis. Sa sala ka matulog" Isasara kona sana yung pinto nang nagreklamo na naman sya "Pero i hate sleeping in sofa" "Edi umuwi ka nalang, may kwarto ka roon diba?" Sinamangutan na naman nya ako, pumasok sya sa cr. Inilabas ko sya nh unan at kumot, naantok na rin ako kaya natulog na ako pagkatapos "That's refreshing!" Rinig kong sigaw ni Noemi sa labas, bigla syang kumatok sa pinto ko "Goodnight Mr. Masungit!" Napangiti nalang ako at sinabihan syang wag na maiingay dahil baka magising ang kapatid ko Kinabukasan, may naririnig akong tumatawa sa labas narinig ko rin ang boses ni Elijah kaya lumabas na ako. "Ano? It's masarap diba?" Nakita ko si Noemi na naka apron nasa lamesa naman si Elijah "Oh goodmorning kuya! Sinundo na pala ni Kiya Hale si Allison and bakit hindi mo sinabi na meron ka palang girlfriend!" Tiningnan ko si Noemi na iniwasan ako ng tingin "Ang sarap ng luto nya kuya!" "Girlfriend?" Iniwasan nya ako ng tingin at pumunta ulit sya sa kusina. Really? No
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD