Hingal na hingal akong umupo after finishing 5 sets of working out for my legs and butt. I badly need to toned every inch of my body para gaganaping fashion ramp next week dahil bikini lang naman ang irarampa ko.
Nagpupunas ako ng pawis ng may nagabot ng tubig sa harap ko at nagulat ako ng makitang si Vash lang pala. Tinanggap ko naman ang tubig at umupo sya tabi ko.
"Why are you here?" Alam kong walang kwenta ang tanong ko kasi obvious naman na nag gygym sya.
"Ano sa tingin mo ginagawa dito? Hahaha regular ako dito. So I aasumed that you're new here." He said while looking around the gym.
" Yeah right. Taga dito ka rin ba?" I asked curiously. Kasi ang gym na to nasa loob lang ng village namin. Akala ko kaming dalawa lang ni ryuu ang nasa iisang village sa grupo namin.
Tumango naman sya "Yeah a few blocks away from yours and ryuu's house."
"Why did you kiss me?" I asked again
" Just because I want to" nainis naman ako sa sinagot nya. Hindi nya na ako nirespeto. I know its just a kiss but for hell's sake. That was my first kiss.
"Gago ka pala eh!!! You don't go around kissing someone just because you want to! Di ka ba marunong rumespeto ng babae?" Bakas sa mukha nya ang pagkagulat sa biglaang pagtaas ng boses ko dala ng sobrang pagkainis sa kanya.
"Okay okay, i'm sorry. It won't happen again." I looked at him and saw the sincerity in his eyes.
" sasapakin na talaga kita oras na gawin mo ulit yun. Respect girls vash. They're not your toy" i heard him chuckled.
" By the way, i've never seen you before. Nadadaanan ko ang bahay nyo pero ni minsan hindi kita nakita. Impossible namang di ka lumalabas ni minsan. Every summer lang naman ako wala dito" puno ng pagtataka ang mukha nya.
" I was homeschooled. Sa cali with my mom and dad. Actually I grew up with my mom dahil naiwan dito sila dad kasama mga kapatid ko. Yung business ni mom nasa cali. Kay dad naman dito. Pero kapag summer naman or any special occasions and holidays, either kami ang uuwi dito o kaya naman sila dad ang pupunta samin. Madalas nagtratravel kami kung saan saan kapag nagkakasama kami. Ngayon sila mom at dad ang nasa Cali. Lalo na lumaki na ang business nilang dalawa. Si kuya graey na ang namamahala ng business dito." He nodded
Pagkatapos naming magpahinga bumalik na ulit ako sa pagwowork out. 1 week nalang ang meron ako to toned my body.
Papunta na ako sa room ng biglang may humablot sa bag ko at nakitang si Vash lang ito na nakangisi ngayon.
"Wag mo akong inisin ngayon vash. Masakit ang katawan ko!" Inis na sabi ko sakanya. Ni di ko maigalaw ang mga braso ko dahil pakiramdam ko nabali to.
"Alam ko. Kaya nga kinuha ko bag mo para tulungan ka eh. Tara na. Malelate na tayo" agad naman kaming dumiretso sa room at nakitang wala pa namang prof. Naguusap din sila dria at bri. Habang sila ryuu at inigo ay may ginagawa sa laptop nila habang magkaharap. Si Tyler naman ay agad na nilapitan si Vash.
"Gisingin mo nalang ako mamaya pag may prof na" bilin ko kay vash na tumango naman. Agad kong hinilig ang ulo ko sa mesa ko sa sobrang sakit ng katawan ko.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sakin. Shet sabi ng masakit ang katawan ko eh.
"Are you okay?" Pangbungad na tanong ni ryuu kasama sila bri,dria, indigo,tyler at vash na nakapalibot sakin
"Yeah, i'm fine. Masakit lang talaga katawan ko ngayon." Ngumiti naman ako sakanila to assure them na okay lang ako baka kasi makarating pa kila kuya to at pauwiin ako ng wala sa oras.
"Let's eat." Aya ni ryuu at agad naman kaming dumiretso sa cafeteria. Buti nalang pala at walang prof na pumasok kaya medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Yung pananakit ng katawan ko nalang talaga. Kanina kasi hindi na ako sumabay kay ryuu dahil hindi agad ako nakapagayos. Pinauna ko na si ryuu kesa maghintay sya sakin at parehas pa kaming malate.
Bumisita kahapon si mamsh sa bahay. Pinag usapan namin ang tungkol sa gaganaping fashion ramp. Sa huling rampa ko daw ay may kasama akong lalaki na rarampa and we're going to pose something daw. May panibagong project na naman daw ako. Kinukuha akong maging endorser ng isang sikat na clothing company. Pumayag naman daw ito na may maskara sya dahil nga kilala ang pangalan nya ngayon bilang si Mimosa. Mukhang mahihirapan akong pagsabayin ang pag aaral at career ko. I have no choice kundi panindigan to dahil unang una ako ang nagdesisyon nito.
"Gaile try their carbonara." Nilagyan naman ako ni Ryuu ng carbonara sa plato ko.
"Gaile mas masarap tong spaghetti nila" nagulat naman ako ng nilagyan ako ni Vash ng spaghetti katabi ng carbonara.
"Ehem ehem ang haba naman ng buhok mo gaile!" Pang aasar ni dria
"Hi guys!! Anong ganap?" Bati ni michelle samin at umupo sa tabi ni ryuu.
"Eh kasi naman mukhang may mag aagawan dito hahahaha" di talaga matitigil ang bunganga ni dria.
" Huh? Why? What happened? "
" Ayan oh tingnan mo" tinuro ni dria ang plato ko na may lamang spaghetti at carbonara.
" Eww paghahaluin mo yan gaile? " Nandidiring tanong ni michelle. Napairap naman ako sa ere. Ang arte arte naman.
"Saan ka sa pula o puti?? Si ryuu ang naglagay ng carbonara. Si Vash naman sa spag. Pupusta ako kay Ryuu" pang aasar naman ni tyler. Nakita kong sumama ang tingin ni michelle sakin dahil mukhang gusto nya talaga si ryuu.
"Ako pare kay vash ako hahaha galawang hokage yan eh! " Pang aasar naman ni indigo.
" Tumahimik na nga kayo. Kakainin ko tong dalawa. Walang pustahan. " Naiinis na sabi ko sakanila at tumahimik naman ang mga kumag. Inuna ko ang carbonara at sinunod ang spaghetti. Pakiramdam ko sasama ang tiyan ko ngayon.
Pagkatapos naming kumain ay nagpalit na kami ng damit dahil Pe namin ngayon. Buti nalang naglagay ako ng salonpas at unti unti ng nababawasan ang pananakit ng katawan ko. Black fitted pe short sa girls at fitted na white pe shirt na may naka imprentang "Brent university sa Harap ng tshirt at sa gilid naman ng short. Nakita din namin sila michelle sa kabilang dulo ng court at mukhang pe din ang subject nila ngayon.
"Goodmorning class, today we are going to play volleyball for girls against the masscom students.for boys naman ay basketball at bukas ito gaganapin .Kung sino ang manalo ay exempted na sa Quiz sa susunod na meeting. I will be the one to choose the players. For girls please come forward Montvillia, Brios, Vlendev, Griton, Hashen, and laino." Agad naman akong pumunta sa harapan narinig ko ang bulungan. Malamang nagulat sila dahil isa akong montvillia. Hindi ko naman sinabi ang apilyido ko nung nagpakilala ako sa harapan.
Nagsiayos naman kami at pumunta sa gitna ng court. Isa si michelle sa kalaban namin. Nakita ko ang pag smirk ni michelle ng magtama ang paningin namin. Ng pumito ang prof namin ay agad ng nagsimula ang laro. Magaling ang kalaban namin pero mas magaling ang kagrupo ko. Nangunguna kami ng 4 na puntos. Nang sinerve ko ang bola agad naman itong nasalo ni Michelle. Mukhang kinakalaban talaga ako ni michelle. Sila ang nakapuntos ngayon. Ng magserve si michelle agad itong tumama sa noo ko at naramdaman ko nalang na pabagsak na ako. The next thing I knew it was all pitch black.