KINALAUNAN ay kasama nga si Angela na dumalo sa pagdiriwang ng birthday ni Bea. Nasa buwan na ng Mayo at nalalapit na rin ang kaarawan ni Thunder. Tandang-tanda pa niya ang nakaraan noong nabubuhay pa ang kaniyang magulang-- dahil tuwing kaarawan niya ay masaya nilang ipinagdiriwang 'yon. Pero, simula nang maging laman siya ng lansangan ay hindi niya na matandaan kung kailan siya huling nakatikim ng spaghetti at cake. "Happy birthday, Bea!" masayang pagbati nilang lahat. Naroon ang ka-banda ni Bea, maging ang ibang kaibigan nito sa school at salon na sina Zander, Felix, Rein, Flor, Madam Dianne at siyempre sina Thunder at Angela. Samantala'y napukaw ng atensyon ni Bea ang babaeng katabi ni Thunder ng gabing iyon. Habang si Zander naman ay tumutulong din na mag-asikaso sa mga bisita. Sa k

